Courting
Chapter 20
I feel how he stunned for a moment. Hindi naman pwedeng ikaw nalang palagi. Kung magkakaroon ako ng heart attack, hindi ba dapat na siya din kase siya ang may kasalanan niyon sa akin. Dapat ay parehas kami at dapat ay fair.
Pagkatapos ng confession na iyon napagalitan kami ng guard dahil literal na humarang pala kami sa daan ng bookstore. At imbes na kiligin sila- well meron din namang iba, nainis sila dahil karamihan ng nagintay ay ang mga estudyante.
Kung ako din siguro ay hindi matutuwa dahil may oras lang sa mall na ito ang mga naka uniform. Hindi din naman namin alam na nasa b****a pala kami ng book store, si Kyther kasi!
Wala kaming nagawa kung hindi magikot at mamili na lang sa supermarket. Hindi niya na ako kinausap after ng pagsaway sa amin ng guard. Pero kitang kita ko padin ang pamumula niya. Hindi siya nakarap sa akin pero kitang kita ko kung pano mamula ang tainga niya.
Dumaan muna sya sa noodles section, mahilig pala siya doon sa mga maanghang ang flavor. Sa mga chips naman ay kalimitan puro manghang din ang kinuha niya at puro malaki. Sa mga chocolates naman ay kung ano ano na lang ang inilagay niya sa cart.
Nakasunod lang ako sa likod niya at tumitingin din pero saka ko na lang bibilhin kapag nagka pera na ako naubos na ang dala ko ngayon.
"Are you going to help me or what?" saad niya. Napangiti naman ako dahil nakita ko na naman ang naka simangot niyang mukha at agad na tinulungan siya sa pag pili ng mga pagkain kahit na sa totoo lang ay hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang gusto niya.
After naming mamili for how many hours naisipan din niyang umuwi na. Nasa loob kami ng supermarket for almost two hours. Ilang minuto niya muna kasi tinititigan at binabasa iyong product description bago niya ilagay sa cart.
Kapag kasama kong namamalengke si Crystal dinadalian ko lang dahil alam ko na ayaw niya ng amoy ng palengke. Lagi ko siyang tinatanong kung gusto niya bang magpaiwan na lang sa waiting section pero lagi din naman siyang sumasama, pero lagi kong cinoconsider iyong side ng kasama ko bago ang sarili ko, dinadalian ko lang mamili at kung ano na lang ang pakay iyon na lang pinupuntahan ko.
Pero kay Kyther talagang parang sinadya niyang bagalan, hindi kasi ganito katagal noong una kaming namili daig pa niya ang babae sa tagal niyang pumili ng bibilhin ngayon.
Napatingin ako sa relo ko, madilim na kasi nang makalabas kami. Hindi na namin namalayan ang oras.
"Hindi ka kaya pagalitan ni tita?" nag aalalang tanong ni Kyther. Sa totoo lang ayos lang naman kay nanay kahit anong oras ako umuwi pero dapat ay maganda ang rason at may kaugnayan sa school. Ang dahilan din naman niya ay alam ko na dapat ang tama at mali, at hindi lang dapat alam, dapat kong gawin ang tama at iwasan ang mali.
"Hindi naman" napangiti siya sa tugon ko, siguro ay takot siya na baka mapagalitan kami parehas.
Saglit lang naman ang papunta sa bahay namin pero parang ang tagal. Walang may gustong magsalita sa aming dalawa. Nahihiya siguro na maungkat ang mga nabitawang salita kanina. Nahihiya man ako ayos na din siguro na nalaman niya na gusto ko din siya.
Gusto ko din na aware din siya sa nararamdaman ko sa kaniya. Atsaka sumobra na din siya sa pang gugulat kanina kaya naman sinabi ko na din yung nararamdaman ko, mukhang effective naman at nagulat siya. Hindi pa ba siya sanay na madaming nag kakagusto sa kaniya?
Pagkarating sa bahay ay sarado na ang pintuan namin. Pinapatuloy ko siya sa loob para sana kumain pero tinanggihan na niya at kailangan daw niyang sabayan sa pagkain ang mommy niya.
"Need to go. Have a good night" saad niya at inabot sa akin ang isang supot. Supot yon ng mga pinamili niyang ibat ibang chocolates. "Hindi ko alam kung ano yung gusto mo so kumuha na lang ako ng iba iba" nahihiya niyang saad habang napakamot pa sa batok niya.
"Salamat. Ingat ka pauwi" iyon na lang ang nasabi ko. Inaantay ko pa siyang makapasok sa sasakyan bago ako pumasok sa loob ng bahay.
Maaga din natutulog si lola at ganoon din siguro si nanay dahil sarado nadin ang kwarto niya. Hindi naman na ako nagugutom kaya pumasok na din ako sa loob ng kwarto ko.
Naligo muna ako bago nagsimulang magbuklat ng mga notebooks, tinitingnan na baka may mga assignments. Nakatutok lang ang paningin ko sa binabasa kong online article ng tumunog ang cellphone ko.
Kyther Martinez sent you a friend request.
Tinitigan kong mabuti yung nag pop up na notification. Saglit kong inistalk ang account niya bago ko inaccept. Wala naman siya masyadong pictures doon, kalimitan ay mga pictures ng mga program at events na dinaluhan nila. Meron siyang dalawang picture isa noong nasa beach siya kasama si..... Si Ms. Martinez? Hala! Mommy niya si Ms. Martinez? Kasama din sa picture na iyon si Ms. Ava pero ang naka agaw talaga ng pansin ko ay si Ms. Martinez. Bakit ba hindi ko iyon naisip? Parehas lang sila ng apelyido, Adelaide sobrang obvious na!
Kyther: Can't sleep? Wag mo na akong isipin.
Nag pop up naman sa cellphone ko ang message na iyon habang inistalk ko pa din siya.
Tinapos ko muna kung ano yung binabasa ko, inayos ang gamit saka nahiga sa higaan. Napatingin ako sa ceiling na ginawa kong parang galaxy. Napangiti ako ng naisip ko na siya mismo ang unang umamin ng nararamdaman niya. Pero sigurado ako na ako mas unang tinamaan sa kaniya.
Me: Hindi po kita iniisip President.
Napangisi pa ako dahil naisip ko na naman ang naka simangot niyang mukha.
Kyther: What's with the President?
Me: Paggalang? I guess?
Ang sarap niyang asarin lalo na sa personal dahil kitang kita mo talaga sa mukha niya ang pagka asar, tatarayan ka pa talaga niya.
Kyther: We are not in the school and even in the school I don't want you to call me in that way.
Wala ba siyang ginagawa, ang bilis niya kasing mag reply.
Me: Okay? Bakit po kayo nag chat Mr. Martinez?
Iniisip ko tuloy yung nakakunot niyang noo, iyon nanaman siguro ang itsura niya. Pero kahit na ganon hindi nabawasan ang kagwapuhan niya.
Kyther: Are you teasing me Ade?
Me: Hindi naman, Ky.
Wala na tuluyan na akong kinilig sa kanya. Chat palang ito pano kung harapan pa niyang sabihin sa akin.
Kyther: But no joking. Bakit gising ka pa?
Even in his chat I still hear how serious the tone of his voice is, yun yung tono ng pananalita niya na kinakatakutan ng estudyante lalo na ng member ng book club.
Me: Kakatapos ko lang sa pagbabasa.
Kyther: Very good! :)
Bakit parang naririnig ko iyong tatay na nag sabi ng very good sa anak niyang umuwi ng may star? Hahahha
Kyther: Study hard for our future.
Ano daw? 'Our future' oo gusto ko yon pero dahan dahan naman sa pagpapakilig matutulog pa ako e.
Nang magising ako ay tadtad na ng messages niya, nakatulog na pala ako kagabi habang kinikilig at nakalimutan ko ng mag reply sa kaniya. Nang makapasok ako sa school ay si Kyther na agad ang sumalubong sa akin. Kanina pa ba siya sa may gate? Naguluhan man ay nagpatuloy na kami sa paglakad, walang nag sasalita at daretsyo lang sa paglakad.
Wala pa si Ms. Martinez sa classroom, kinakabahan ako na baka makita niya akong hinahatid ng anak niya. Bakit kasi hindi niya agad sinabi sa akin na si Ms. Martinez pala ang nanay niya.
"Bakit namumutla ka?" Ako namumutla?
"Huh?" tanong ko. Namumutla ba ako? Ganito naman talaga ang natural na ako dahil hindi ko hilig ang gumamit ng mga make up.
"Nothing. Tinulugan mo na ako kagabi." tatawa tawang aniya.
Luminga ako sa paligid pero wala ni isang hindi nakatingin sa amin. At ang masama pa nito ay baka may mag sabi kay Ms. Martinez. Kaya gumawa ako ng distansiya sa pagitan namin. Pero bago paman ako makalayo nahawakan na niya ang pulsuhan ko at inabot sa akin ang tatlong rose na puti.
"Beautiful morning Adelaide. But don't forget that you are more beautiful than morning." pagkasabi niya niyon ay tinalikudan na niya ako.
Nabigla ako dahil doon at alam kong nakita iyon ng iba pang nga estudyante, bakit ba sobra ang kaba ko ngayong nalaman ko na si Ms. Martinez pala ang nanay niya? Bumalik lang ako sa sarili ko ng lumapit ang kambal sa akin.
"Ade, mamaya ka na kiligin baka dumating na si Ms. Martinez" Hindi naman talaga ako kinilig dahil mas nangibabaw sa akin ang kaba. Malamang na may gagawin na naman si Ms. Martinez kapag nalaman niya ang tungkol dito.
Inakay na ako ng dalawa papasok sa loob ng classroom. "Ang sweet naman may pa roses" parinig ng dalawa.
Si Zumi naman na busy sa cellphone ay naki tingin din ng narinig si Eloisa. "Ang sweet!" kinikilig na aniya.
Napangiti naman ako dahil ito ang unang beses na may nagbigay ng bulaklak sa akin. Ilang minuto ko pang tinitigan at inamoy ang bulaklak bago ko napag pasiyahan na iipit iyon sa libro na bigay niya sa akin.
Tuwing umaga ay nandon na agad siya sa gate at hinihintay ako, walang umaga na wala akong bulaklak galing sa kanya. Halos lahat na din ng mga libro ko ay may ka ipit na mga bulakLak na galing sa kaniya. Sa tanghali naman ay sinasabayan nadin niya kami kumain. Sa uwian ay tinutulungan niya akong mag encode ng grades, naadjust din ng isang araw ang pagiging encoder ko. Pagkatapos niyon ay inihahatid din ako ni Kyther sa bahay.
Sa totoo lang ay gustong gusto ko iyon. Akala ko noon ay sa mga binabasa ko lang ako kikiligin Pati sa mga pinapanood pero sa pinaparanas ni Kyther ngayon sa akin parang feeling ko ako iyong mga bidang babae sa libro.
Sa pag intay pa lang niya sa akin sa gate ng school at paghatid sa akin sa lassroom kahit na alam kong busy siya ay napaka laking swerte ko na sa kaniya. Napapakisamahan din niya ang mga kaibigan ko at tuwing tuwa lalo ang kambal dahil madalas manlibre si Kyther, kung minsan naman ay si Vince.
Sa paghatid din niya sa akin sa bahay hinihintay na muna niya akong pumasok bago niya paandarin ang sasakyan.
Nagiging mas malapit nadin sa isat isa sila Zumi at Vince, kaya naman lalo din akong naging masaya para sa kanila. Lagi din kasing nagke kwento si Zumi na lumalabas sila ni Vince, pumupunta sila sa park, mall at kung saan saan.
Nabawasan na din yung mga taong tumitingin sa amin, siguro ay nasanay na sila na lagi kaming magkakasama. Ganoon pa din naman ang mga kaklase ko palagi pa din siyang may utos minsan din ay magpe presinta din akong gawin ang mga group projects namin at ginagawa ko iyon sa tuwing kausap ko si Kyther sa gabi.
Walang isang araw na hindi ko nakasama si Kyther sa school at walang gabi na hindi ko siya kausap sa cellphone. Sa school ay sumasabay na siya sa aming kumain ng lunch kaya naman lagi na din siyang inaasar inaasar ni Ms. Ava dahil noon daw ang bilang lang sa daliri ang araw ng pagkain niya sa tamang oras may araw pa na walang kain talaga.
Sa gabi naman ay kung ano ano din ang napag usapan namin, minsan ay may kaugnayan sa school pero madalas ay kung ano ano lang tulad ng paboritong libro na mabasa at madami pang iba.
Kyther: I'm courting you, do you aware of that?
Nagulat ako ng iyon ang ireply niya sa isa kong text kung nakauwi na ba siya ng ihatid niya ako sa bahay. Ganoon na lagi ang simula ng conversation namin, gusto ko kasing matiyak na ligtas siyang nakauwi. Safe and sound ang madalas niyang sagot sa akin pero ngayon ay iyon. Pero?... Nanliligaw? Kailan? Paano?
Courting me? Si President Kyther Martinez na crush ko noon nanliligaw na sa akin ngayon?!