Chapter 19

2007 Words
Adelaide's Confession Chapter 19 Bakit ba puro pasabog at pagpapakilig siya ngayon? Tama kaya ang hinala ko na may multiple personality disorder siya? Pero mukhang hindi naman. Isa pa talagang gulat niya sa akin gamit ang salita niya babawi na talaga ako. Sa tuwing bumabanat siya ng mga ganon ay nilalabas niya yung camera niya para picturan ako, syempre wala akong magawa dahil talagang onti onti ko pang inaabsorb ang sinabi niya. At inaalam kong mabuti kung talaga bang narinig ko yun or nag day dream lang ulit ako. I even trying to pinch myself secretly, if it's hurt then it must be happepning and if it's not then okay though. But it really is what is happening right now. "Your reaction is priceless" he said in between his laugh. He slid his phone on his pocket at nag patuloy na sa paglakad. "Patingin naman ako ng itsura ko. O kaya idelete mo pag panget" nakasimangot kong sabi habang patuloy na humahabol sa likudan niya. Panigurado na ang pangit ko doon sa picture. "Its cute nonetheless" wow naman sa cute, ganito na nga at sabog sabog ang buhog ko tapos literal na nakanganga ako anong cute don? Kung hindi dahil sa sumbrero na suot ko malamang ay nakaharang na naman ang buhok ko sa mukha ko. "Anong cute don. Nakanganga ako kasi na bigla ako sayo at nanlaki yung mata ko dahil nagulat ako sa sinabi mo" naka simangot kong tugon. Pabuntong hininga siyang humarap sa akin kaya naman tumahimik na lang ako, sabi ko nga cute na. Nasa may badang dulo pa daw ang cafe na tinutukoy ni Kyther kaya naman andami pa naming nadaanan na kung ano anong stall. Pumasok din kami sa isang boutique, mayroon siyang tiningnan doon na mga coats,nakasunod lang ako sa kaniya at tinitingnan ko din ang mga price ng lahat ng tingnan niya. Ang mahal naman ng nga damit dito. Napapangiwi na lang ako sa mga presyo. Para lang akong bata na naka sunod sa likod ni Kyther. Bibili ba siya dito? Onti lang ang mga damit ng lalaki dito ganoon din sa nga babae. May pag ka old style ang itsura at halata mo na talagang branded at mamahalin. "Which one?" nakangiting baling niya sa akin habang hawak ang dalawang buuton up shirts ang isa ay gray at ang isa naman ay blue. Tinapat pa niya ang mga iyon sa harapan niya. Parehas namang bagay sa kaniya pero mas maganda ang gray. "Yung gray?" hindi sigurado kong sagot. Wala din naman akong alam sa pag pili ng nga damit mas magandang piliin para sa akin kung saan komportable. Isinabit na lang niya ulit ang kulay blue, tingnan ko pa ulit ang presyo non mabuti na lang at hindi iyon ang binili niya dahil sobrang mahal naman non kumpara sa ibang dress shirt na nakikita ko. Kung namamahalan na ako sa mga nasa departments store mas mahal pa dito, mas double ang presyo. Sumunod na ako sa kanya sa cashier, at mas lalo lang akong nabigla dahil mas mahal pala iyon. Pagka bayad niyon ay nag aya na siya sa cafe na parang hindi na naman siya nagastusan ng ganoong kalaking halata para lang sa dress shirt. Hindi naman na siya nagsalita at pumasok na sa isang cafe na may kalayuan sa boutique na pinasukan namin kanina. Hindi naman na nakakabigla na may mga sarili ng businees ang mga estudyante sa AIS dahil talaga namang nayayaman na sila. Ang nakakabigla ay ang katotohanan na coffee and sweets ang napiling business ni Ms. Ava, wala kasi sa itsura na mamahala ng isang bentahan ng mga matatamis. Ang alam ko kasi para maging matagumpay ang business ng isang tao ay alam niya din ang takbo niyon at alam niya mismo kung pano gawin ang produkto. Naupo kami sa tabi ng malaking glass wall at matatanaw namin doon ang daan papuntang parking lot. Nakakapagtaka lang dahil bakit mas pinili ng cafe na ito sa dulo ng mall at ang tanawin ay madilim at palapit na sa parking lot ng mall. Hindi ba dapat sa mas kita ng tao at madaling mahanap? Ganoon pa man ay isinawalang bahala ko na lang baka kasi ito na lang ang spot na available. "Martinez!" anang isang crew. Nagmamadali niyang kinuha ang menu doon sa counter at nagtatatakbong lumapit sa amin. "Axel!" bati namang pabalik ni Kyther, tumayo pa siya para makipag tapikan ng balikat. "Oh you're with?" tumayo nadin ako para makipagkilala sa lalaki. Mukhang nakikita ko na din siya noon sa school pero hindi ko na maalala. "Adelaide Brixx Mercado" "Axel Kai Easton" nakangiti niyang inabot ang kamay ko at nakipag shake hands. "Senior high student din ako sa Ashton international school, I saw you once pero nakalimutan ko nadin kung saan" kinamot pa niya ang batok niya kaya naman lalong naflex yung muscles niya. Nang iabot na ni Axel ang menu ay hinayaan ko naman na si Kyther na ang pumili. Napatingin naman ako sa kamay niya, may kung ano sa daliri niya index finger to be exact na parang maliit na tattoo or malaking taling. Maputi siya at maganda ang tindig kaya naman halos lahat ng customers sa cafe ay sa kaniya ang paningin. Naka suot siya ng plain white v-neck shirt at black na apron at black na pants. Kung hindi lang siya naka apron mapapagkamalan siyang poging customer. Agaw pansin din iyong maliit na kulay itim na hikaw niya sa kaliwang tainga at ang itim na bracelet, parang same din iyon ng bracelet na nakita ko noon pero hindi ko na alam kung kanino. Nang maihain na sa amin ang inorder ni Kyther inilabas nadin niya ang binili kong salad para sa kaniya. "Let's eat, wag mo nang titigan si Axel" iritang sabi niya at napatingin naman ako sa kaniya "Huh? Ako tumititig kay Axel?" nakamaang kong tanong at nakaturo pa sa sarili ko. Hindi ko namalayan na naka sunod na pala ang tingin ko kay Axel. "Yes. And you didn't notice that because you are too occupied with his handsomeness" sinasabi niya iyon habang hinihiwa ang isang buong cake na inorder niya. Ano kaya na naman ang sinasabi niya? "Hindi ako tumititig sa kaniya. Iniisip ko lang kung saan ko nakita yung kaparehas ng bracelet niya" pagpapaliwanag ko naman dahil ayun talaga ang naka kuha ng atensyon ko. May isang beses na akong nakakita non. "Okay fine. Kumain na tayo para maka alis na tayo dito" napaisip tuloy ako, kung ganon hindi namin maeenjoy ang pagkain ng cake. Atsaka bakit bigla na lang nag bago yung mood niya? Galit ba siya? "Pero ang laki nitong cake na inorder mo, sa tingin mo ba madali lang natin tong mauubos" sinumulan ko nadin ang pagkain at ganon din siya. Pero nung narinig niya ang sinabi ko binitawan niya ang kubyertos at inilabas ang cellphone. Saglit niyang pinindot iyon at itinapat sa tainga. "Ava, can you do me a favor?" nakatingin pa siya sa akin habang ako naman ay daretsyo padin sa pagkain. Masarap ang nga cake dito, hindi ko alam na may hilig pala sa ganito si Ms. Ava, siguro ay magaling din siya sa pag gawa ng cakes. Hindi talaga mauubusan ng talents ang mga officer ng Book Club. Si Kyther kaya? Mayroon din kaya siyang business? Kung mayroon man o wala alam kong nalang araw magiging isa siyang matagumpay na businessman he's good at communicating, planning and analyzing after all. "Yes, about Axel. My date in here--" nasamid pa ako sa kinakain ko your date? Me? "Hey, careful" inabot pa niya sakin yung tubig at tissue. Naubos ko pa yung tubig at nakatingin lang siya sakin. Nang bumalik ako sa pagkain bumalik din siya sa kausap sa cellphone. "Oo, kung pwede dun na muna siya sa kusina. Hindi kasi siya makapag concentrate sa kinakain at panay ang tingin kay Axel" pairap niyang sabi. Hindi ko naman na alam ang sinagot ng kausap niya pero sa ngisi niya mukhang nakuha niya ang gusto niya. Pero bakit naman niya ipapagawa iyon? Nagseselos ba siya? Napangiti pa ako sa naisip ko. So ganito pala siya magselos, ang cute, talagang may pa irap pa siya. "Pano na yung ibang babae na gusto siyang makita?" tanong ko habang kumakain ng pangatlong slice ng cake. Halos puro kababaihan ang customers ng cafeteria at halos lahat din iyon ay todo ang habol ng tingin kung saan man mag punta si Axel, siguro sa loob loob din nila gusto nila na si Axel mismo ang mag serve sa kanila. "Other girls or you?" iritang tanong niya, ako din naiirita na! "Ano bang akala mo? May gusto ako sa kaniya?" "You didn't answer me yet" mahinahon niyang tanong. "Yung ibang babae syempre di ko naman gusto si Axel e, iniisip ko lang talaga kung kanino ko nakita yung bracelet na iyon" naiirita kong sagot. Tanungin ba naman ako ng other girls or me? Malamang yung ibang babae wala naman akong gusto dun sa Axel e. Ikaw ang gusto ko! Ikaw! Kung pwede ko lang talagang sabihin sa kaniya. "Hindi naman yon e" namumula siya at sunod sunod ang pagsubo ng kinakain kaya naman hindi na siya makapag salita after non. Napaisip tuloy ako kung anong tanong niya ang gusto niyang sagutin ko. Ano nga ba? Hindi ako nagsalita at pilit iniisip kung ano ba yung tanong niya. Laking pasasalamat ko naman ng tumahimik din siya dahil mas makapag focus kami sa pagkain. Nangangalahati na ang cake na binili namin tapos nadin siya sa pagkain ng salad kaya naman sinaluhan nadin niya ako sa pagkain ng cake. Nang hindi ko talaga maisip kung ano ba yung tanong niya sakin kanina tiningnan ko lang siya, inaalala kung ano ba yun? Anong tanong niya ang gusto niyang sagutin ko? Napansin niya yata ang tingin ko sa kaniya kaya naman tumingin nadin siya sakin. "What?" seryosong tanong niya, naudlot din ang pagsubo niya sa cake. Napatawa ako sa kaniya at inirapan niya lang ako. Daig pa ako, hindi ba siya masasaktan sa ginagawa niya? Huling ginawa ko ang pag irap ay masakit sa mata kaya hindi ko na uulitin. Tinitigan ko lang siya habang nakain padin siya at ako ay sumisimsim ng kape. Yung titig na hindi ko talaga inaalis sa mukha niya yung paningin ko. Hindi niya siguro makayanan ang tingin ko kaya sa ibang direksyon niya binaling ang paningin. Pero kahit ganon nagkakasalubong padin ang tingin namin. Tahimik lang kami habang hinihintay matapos ang isat isa sa pagkain pero nanatili ang titig ko sa kaniya. "Why are you staring at me, huh?" seryoso na talaga niyang tanong kaya kailangan ko nading mag seryoso, he's the president of the club I am dreaming of after all. Pero kahit na anong iwas ko, kahit na anong pilit ko kusang naglaland ang paningin ko sa kaniya. Parang may magnet na nag hihila sa akin na tingnan ko siya. Tinitigan ko siya hanggang sa maubos niya yung cake at nagsimulang sumimsim ng kape. Hindi naman mainit dito sa loob ng cafe, to be exact sobrang comfortable ng hangin dito. Hindi malamig at hindi din mainit. Kaya bakit siya namumula? Sana naman wala siyang allergy. Naramdaman niya ang titig ko kahit sobrang iwas ko. Kaya naman agad niyang inasikaso ang bills at hinatak na ako palabas sa cafe. Naalala ko tuloy yung unang beses na nagkita kami, he literally drag me on the comfort room. Pero ngayon feeling ko mas gumaan yung kamay niya, unlike before na kahit nasa klase ay ramdam ko pa din ang pag hawak niya sa braso ko. Nang pumasok na kami sa bookstore doon niya lang ako binitawan. "How would you feel when someone you like is keep on staring at you, huh?" he said, sobrang namumula padin. Naguguluhan man i still able to fired back. Itong araw na to sumosobra ka na sa pag surpresa sa akin, lagi na lang ako nabibigla but not this time. Ayaw ko ng mapicturan ulit ng ang epic ng itsura ko. "How would you feel when someone you like confess his feelings for you, huh?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD