Chapter 18

2021 Words
Knowing Each Other Chapter 18 Speechless. Iyan ako wordless, muted, silent, uncommunicative kahit ano basta may kinalaman sa word na 'walang masabi'. Bakit naman kasi may ganon? Anong ibig sabihin noon? He takes us a picture, but I still unable to move. Sobra ang gulat ko sa mga katagang binitawan niya. Sino ba ang hindi magugulat sa mga ganoong salita na maririnig? Pero wait.... Yung itsura ko din doon sa picture, talagang nakatulala lang ako. He likes me? How come? Pinaglololoko niya yata ako e! Naglakad na siya paalis pero ako ay nakanganga padin at nakatulala sa pinag alisan niya. Onti onti pa kasing inaabsorb ng utak ko yung mga sinabi niya. Tama ba yung narinig ko? Malabo lang naman ang mata ko, hindi ba? Pero bakit parang naging bingi na din ako all of the sudden? Halos magdadalawang buwan palang since nakilala ko siya, at hindi pa kami consistent na nagkikita dahil lagi siyang busy tapos sasabihin niya sakin na I am the woman that he like. Oh come on, how come?! "Ade!" bumalik lang ako sa reyalidad ng makita ko si Zumi na pasalubong sa akin. Kumakaway siya at may hawak hawak na mga tshirts at kung ano ano pa. At talagang hindi bumalik ang lalaking iyon. "Ade! Sino ang kasama mo dito?" excited niyang tanong. Halatang halata ang kasiyahan sa mukha niya. Yung taong may gusto daw sakin pero hindi na ako binalikan dito. Gusto ko sayang sabihin iyon pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Mukhang nag bibiro lang naman siya ng sabihin niya iyon. Pero mukhang hindi din naman, ay basta magulo. "Si Kyther." Mas lumapad ang ngiti niya at pasimpleng kinurot ang tagiliran ko. Luminga linga pa siya na parang may hinanahanap. "Asan?" tanong niya, siguro ay si Kyther ang tinutukoy. Kahit naman ako ay hindi ko alam. "Nandyan lang nag iikot ikot" sagot ko. "Okay, wait! Dont tell me nagdedate na kayo?" kinikilig na tanong niya sa akin. Habang daretsyo padin sa pag kiliti sa akin. "Huh?" nanlaki pa ang mata ko sa gulat sa tanong niya. "Hindi no!" tanggi ko naman. Talaga itong si Zumi ang dali daling nag conclude ng mga bagay bagay sa isip niya. Sinamahan ko lang naman o si Kyther, date na agad? "Sus. Okay lang yan no! Single ka at single din naman siya also nineteen ka na no. Wala naman ng masama dyan!" saad niya. Hindi talaga siya titigil na rin ako sa ganitong bagay. Palagi niya din sinasabi na mag boyfriend na daw ako at mag kwento sa kaniya ng mga bagay bagay. "Oo nga pala kasama ko ngayon si Vince" saad niya na parang hindi ko naman alam. "Sige na babayadan ko pa tong mga binili ko e dyan ka na muna baka hinahanap na din ako nun." nakangiting aniya. Sinundan ko pa siya ng tingin, nakangiti siya at halatang halata na masaya talaga siya dahil hindi mawala ang ngiti niya habang kumakaway at lumalakad palayo sa akin pero kabaligtaran ng nararamdaman ko ngayon iyon. Sana lang hindi mawala ang ngiti na iyon sa kaniya. Lahat ng tao ay gumaganda lalo sa tuwing nakangiti kaya naman lagi kong hinahangad na sana hindi mawala ang mga ngiti ng tao sa araw araw, lalong lalo na si Zumi dahil deserve niya iyon. Naglakad lakad ako hanggang makarating ako sa entrance ng department store, nagbabakasakali na makita o makasalubong ko siya. "Hey! Saan ka ba nag punta?" iritang tanong niya sa akin. Nagulat pa ako sa biglaang pag sulpot niya. Ako nga ang dapat magalit e hmp! "Salita ako ng salita kasi akala ko nasa likod lang kita tapos wala naman pala. Nung bumalik naman ako wala ka na don. San ka ba galing?" yun na yata ang pinaka unang mahabang salitang narinig ko sa kanya. Hindi syempre kasali yung confession niya. Napakamot nalang ako ng batok, nawala na yung galit ko dahil iniimagine ko siya habang salita ng salita pero wala naman ako sa likod niya. HHAHAHHA! Ang cute siguro niya kapag ganoon. Bumalik lang ang isip ko sa reyalidad ng inabot niya sa akin ang isang paper bag. "Ano 'to?" tanong ko pero hindi siya sumagot kaya binuksan ko na lang iyon at sinilip ang nasa loob. At kailangan ko pa talagang buklatin sa harapan niya para lang masiguro kung tama ba iyong nakita ko. Ano ito bakit may couple baseball cap? Tiningnan ko siya, nagtatanong. Pero nginisihan niya lang ako, napakagandang sagot naman niyon. Inalis niya ang tag price at isinuot sa akin ang isa. Kulay white iyon na may ribbon na design na kulay blue sa bandang likod sa ibabaw ng adjustan ng cap. Ang likod ng cap ang nasa harapan ng isuot niya iyon sa akin. Ganon din ang sa kaniya. Aaminin ko na ang cute niya lalo ng maisuot niya iyon at ngumiti pa siya ng sobrang ganda. Eto na naman ako sa pagtitig sa napakaganda niyang dimples. Naglabas pa siya ng cellphone at iniharap sa amin ang camera. Nag aalinlangan man ay ngumiti na din ako para naman hindi na katulad ng itsura ko ang kalabasan ko sa picture. "Ang cute" nahihiya man ako ay nilabas ko nadin ang cellphone ko, hindi iyon kasing ganda at latest ng sa kanya pero ayos na din useful pa din naman siya at nagagamit pa sa school. "Pwedeng dito din?" bahagya kong itinaas ang cellphone ko. Hinintay ko ang sagot niya pero lumakad lang siya palapit sa isang salesman na nakatayo malapit sa amin. Napasimangot naman ako at ilalagay na sana ang cellphone sa bulsa ko pero lumapit silang dalawa sa akin. "Where's your phone?" Ani Kyther. Agad kong nilabas ang cellphone ko at mas lumapad pa ang ngiti ko ng inabot niya iyon sa salesman. Mas maganda nga ang luha kung may taong mag pipicture sa amin. "One.. Two.. Smile" we take more than five pictures. "Thank you po" nakangiti kong baling sa lalaki habang si Kyther ay abala padin sa pag tingin ng mga pictures namin. Nagpakuha din kasi kami sa cellphone niya. Kusa na lang lumayo si Kyther at Hindu na makapag pasalamat. Nakaupo lang ako sa bench sa tapat ng department store, habang busy padin siya sa pagkalikot ng cellphone niya. "Are you hungry?" nakangiting tanong niya sa akin nang matapos niyang kalikutin ang cellphone niya. Napakaganda ng ngiti niya na parang hindi niya ako pinag antay dito ng halos sampung minuto. Hindi ko alam kung bakit at ano ang ginawa niya na umabot pa talaga ng sampung minuto. Tumayo ako sa bench na pinag upuan ko at nakangiti ding lumapit sa kaniya. "Malapit lang naman dito yung bake shop nila Ava. We can buy chocolate cake as much as you want" saad niya habang nagpapalinga linga. Teka narinig ko yung chocolate cake! Hindi lang chocolate at hindi lang cake kung hindi chocolate mismo. "Tara" nakangiti kong anyaya sa kaniya. Bata palang ako mahilig na ako sa chocolate cake gustong gusto ko lalo iyon kapag mayroong kape para mabalanse at pait ng kape at tamis ng cake. "Paborito mo din ba yung chocolate cake?" nakangiting tanong ko habang naglalakad kami. Hindi naman siguro siya mag aaya kung ayaw niya iyon at saka sino ba ang hindi gusto ang chocolate cake? "Hindi" aniya na nakapag patigil sa lahat ng nasa isip ko. Sabagay, pwede mo naman siyang kainin kahit hindi mo paborito. "E anong paborito mo?" tanong ko padin habang sinasabayan siya sa paglalakad. Ang hirap niya kasing sabayan sapag lakad dahil ang laki ng mga hakbang niya. "Nothing. I'm not into sweet" sagot niya. Pilit ko tuloy inalala yung mga time na kasama namin siya mag lunch hindi talaga siya naorder ng mga matatamis, pwera nalang iyong chicken macaroni salad. Sa isiping baka iyon ang paborito niya ay naalala ko kung Saan may murang ganoon. "Pwede bang dumaan muna tayo sa food court?" nahihiya kong tanong. Madaming mabibilhan niyon pero mas afford ko lang sa food court. "Why? Don't you like chocolate cake right now?" huminto pa siya at tiningnan ako. Hindi naman sa ayaw ko dahil sa katunayan ay gustong gusto ko iyon pero hindi naman niya iyon gusto kaya dapat na bilihan ko siya ng gusto niya den. Hindi na awkward ang feeling ngayon sakin, hindi tulad kanina noong pagka tapos niyang umamin. Ngumiti naman ako sa kaniya bago sumagot. "May gusto lang sana akong bilhin" nakangiti kong sagot habang kinikwenta ang sarili kong pera sakto lang siguro 'to. Nang makarating na kami sa food court ng mall nilinga ko ang paningin ko. Nakapaligid samin ang napakadaming pagkain paikot iyon at nasa gitna ang mga upuan para sa customer. Ang daming tao sa paligid kaya naman maliliit lang ang galaw ko dahil sa takot na baka may madanggi. "Saan ba tayo pupunta?" nakakunot ang kilay na tanong niya. "Basta na." Nagpatuloy kami sa paglakad sinusundan namin ang linya paikot. At habang naghihintay na gumalaw ang pila may mga grupo ng kababaihan na bumunggo sa balikat ni Kyther kasing tangkad ko lang iyong babae kaya naman sa balikat lang din siya nabunggo. Nagtatawanan pa ang mga kababaihan na mukhang sinadya ang pag bunggo samantalang si Kyther ay nakasimangot na. Alam ko na ang kasunod noon kaya naman hinila ko na siya sa pasunod sa nasa unahan namin dahil umusad na ang pila. Talaga namang nakakahiya agaw ng atensyon ang tindig at porma ni Kyther mula sa naka ayos niyang buhok moreno niyang kulay at ang napakagandang uniform ng Ashton International School. Hindi pa kasali din yung dimples niya at charming niyang mga mata at adams apple. "Alam kong type din niya ako. Kita niyo ba yung tingin niya sa akin! Ang ganda ng mata niya be!" "Oo be type ka nga niya. Extra naman yung kapatid niya. Hinili pa yung kuya niya paalis, psh!" Mas malapit ako sa mga babae kaya naman dinig na dinig ko ang mga bulungan nila. Hindi niya po ako kapatid. Kitang kita ko pa ang pag simangot ng mga babae na naiwan doon. Mas okay na iyon dahil mas malalang simangot pa ang aabutin nila kung masisigawan sila ng isang Kyther Martinez. Napansin ni Kyther na nakitingin pa din ako sa mga babae kaya naman napatingin din siya doon. At narinig ko na naman ang mga impit na tilian nila. "Is there any problem?" tanong niya. "Wala naman. Tara" saad ko at hinila ulit siya pa abante dahil umusad na ang pila. Tatawa tawa pa siyang pinagpagan ang coat niya at hinubad iyon. Inilagay niya din iyon sa bag niya at inayos pa ang sumbrero ko na hindi naman nagulo. Malapit na kami sa dulo ng makita ko na yung hinahanap namin, hinahanap ko lang pala. Magkakasama sa bandang dulo ang desserts. "Chicken Mac!" nakangiti kong baling sa kaniya. "Really?" nakangisi at hindi makapaniwala niyang tanong. "Oo. Bakit ayaw mo ba?" hindi siya agad sumagot kaya naman hinawakan ko na ang braso niya para sana hatakin na siya paalis. Wala naman ng kakain kung ayaw niya kaya mas mabuti kung hindi na lang bibilhin. "Wait. Where do you think you're going?" "Aalis na ayaw mo naman pala nito e" tinuro ko pa yung chicken macaroni salad na nasa harap namin. "May sinabi ba akong ayaw ko?" nakangising tanong niya. Psh! Sino bang tatanggi sa paborito nilang pagkain. Hindi ba at tama ako ito nga ang paborito niya. Bumili ako ng isang order niyon at inabot ko sa kaniya, nakangiti naman niya iyong tinanggap. "You did not do research right?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami patungong bake shop daw nila Ms. Ava. Research? Wala naman sigurong lalabas sa internet kapag sinearch ko kung anong paborito niyang pagkain. Unless celebrity siya, pero mayroon ngang mga celebrity na hindi na nilalagay ang mga paborito bilang pagkain dahil sino ba naman ang interesado doon? "Research? Bakit naman ako mag reresearch ng paborito mo?" nakangiwi kong tanong, iniisip kung tama ba ang salitang binitawan ko. Well tama naman ako dahil wala talagang lalabas sa internet. "Yeah right, Well I do research to know you partially" Partially?..... Research?...... Nangunot pa ang noo ko. Ano nanaman ba ito? "Cause I intend to know you..... the whole you, personally"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD