The Vice President
Chapter 4
Noong mga nakaraang linggo halos ordinaryo lang ang mga nangyari pero ang kaibahan lang ay mas madalang na kami magkita ni Crystal sa bahay dahil lagi lang siyang nasa kwarto niya at nagsusunog ng kilay. Mas nadadagdagan na din kasi ang mga gawain at projects. At nagsabi siya sa akin na nag try din siya sa ibang club. Gusto ko sanang kausapin ang mga kaibigan niya pero sinabihan ako ni Crystal na ayos lang naman na siya at nakakakilala na din siya ng ibang kaibigan.
Nasa library ako ngayon dahil hinahanap ko yung libro na para sa afternoon class ko. Ginawa ko din ang ilan sa mga assignments ko at nag scan ng mga kailangan ni Crystal para sa gianagawa niyang research para sa sinasalihan niyang club ng matapos ay lumapit ako sa librarian at nagtanong dahil hindi ko mahanap yung libro na kailangan ko naman for afternoon class ko.
"Excuse me. I'm looking for book of History and Philosophy" tanong ko at hinalungkat ko yung bag ko dahil hinahanap ko yung card ko. Sa tuwing humihiram ng libro ay kailangang mong ipakita ang card mo at ibibigay sa iyo kung hanggang anong oras lang iyon pwede sa iyo, madami din kasing nangangailangan ng libro.
"Just wait for five minutes" anang librarian na isa sa member ng book club. "After five minutes pa po ang tapos ng nanghiram ng libro. Just wait on your sit quietly" mahinahong dagdag pa niya.
Bumalik nalang ako sa upuan ko at nagbuklat ng ibang libro, vacant time namin ngayon one hour before lunch so I decided to spend my time here in library, mas peaceful ang surrounding dito kaya sa field mas makakapg focus at Madaling magagawa. Busy ako sa pagbabasa at sa pag take down notes nadin ng biglang may naglapag ng libro sa harap ko. Iyong libro na hinihiram ko sa librarian, si Mr. Vice President.
"Thank you" I mouthed to Mr. Buena, he looked at me straight to the eye, naiilang ako sa tuwing gagawin sa akin yon ng kung sino kaya umiwas nalang ako ng tingin at pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko, ang pagbabasa.
Akala ko aalis na siya after non pero inilagay nya sa ibabaw ng libro ko yung phone nya. Nag alinlangan pa ako nung una pero binasa ko nalang yung nakatype. 'Can I join you?' Pinalibot ko ang tingin ko sa loob ng library, madami pang vacant seats dahil class hour pa naman pero dahil naki usap naman saya ng maayos so I motioned the chair in front of me.
Mas seryoso siya ngayon hindi tulad ng mga nakaraang araw pero bakas padin ang excitemwnt sa mukha niya. Naglabas siya ng libro, notebook and pen, nagsimula nadin siyang magbasa. Nakafocus siya doon at ako naman nakafocus sa pag titig sa kanya.
Hindi katulad ng kay Mr. Martinez the torture president mas soft ang features niya, mas maamo ang mukha niya at Maputi ang makinis niyang balat. Same din kami na naka eyeglass ngayon pero nung mga nakaraang araw ay hindi naman siya nakasalamin, siguro ay naka contact lenses.
Parehas silang gwapo at matalino. Mas maamo nga lang mukha ni Mr. Buena, mas accurate na tawagin siyang cute kasi siya yung tipo ng tao na kapag ngumiti ay parang kumikislap yung ngipin sa kaputian.
He clears his throat, inosente akong tumingin sa kanya nasa mukha padin niya yung kaniyang napakagandang ngiti. Nasa libro padin ang paningin niya pero alam kong sinisita niya ang pagtitig ko sa kanya.
Nagpatuloy nalang din ako sa pagbabasa at pag susulat. Habang patuloy kami sa ginagawa naglabas siya ng chewing gum. Inabutan niya ako ng isa kaya kinuha ko iyon, nakakatulong din daw iyon sa pagrereview. Iniipit ko nalang yung balat sa notebook ko at nagpatuloy sa pag babasa, bahagya siyang ngumisi at bumuntong hininga, tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang umiiling pa. Bakit kaya? Ano naman kayang problema niya?
Natapos naman ako agad kaya iniligpit ko na yung gamit ko pasimple akong tumingin sa orasan ng library sa kanang bahagi ko na katabi ng pintuan, medyo inayos ko pa ang salamin ko dahil malabo at hindi ko malalan ang oras. Fifteen minutes pa pala before the lunch break.
Nagulat ako dahil pagharap ko sa kanya nakaayos na din ang gamit nya. Ganoon ba talaga soya kabilis kumilos? "Lunch? My treat." Daretsyong tanong niya sa akin.
Nag aalinlangan akong tumango sa kanya. Pwede naman siguro at wala pang tao masyado sa canteen. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko ang offer niya dahil mabait naman siya.
"Sure. I'll see you there." pagtatapos ni Vince sa kausap niya sa phone. Hindi ko alam kung sino iyon pero mukhang sasabay siya sa aming mag lunch.
Vince nalang daw ang itawag ko sa kanya iyon ang sabi niya sa akin paglabas namin ng library at ng tawagin ko siyang Mr. Buena. Andami niya talagang balak sabihin sa akin pero pinipigilan niya ang sarili niya. Nang handa na siyang magsalita ng tumunog naman ang cellphone niya kaya again hindi ulit niya nasabi. Pagkapatay niya ng phone humarap siya sakin. "Pwede bang isabay natin yung kaibigan ko sa pagkain?" nahihiyang tanong niya.
"Huh? Oo naman." sagot ko.
Papunta kami ngayon sa music hall dahil andon daw ang kaibigan nya. Pagkarating namin ay nakita ko agad yung ibat ibang instrumento at sa gitna ay ang microphone, minsan ninais ko ding maging bokalista ng isang banda dahil sabi ni nanay maganda naman daw ang boses ko na nagmana kay tatay, sa totoo kong tatay.
"You want to sing? Pwede ka ding gumamit ng kahit anong instrumentong gusto mo." Kuha ni Vince sa aking atensyon.
"Talaga?" mangha kong tanong, tumango naman siya agad pero naisip ko din yung kaibigan niya baka dumating na iyon.
"Don't think about my friend Mamaya pa dating nun." Dahil sa narinig ko agad akong pumunta sa stage at kinuha ang acoustic guitar at umupo ako sa tapat ng nasa gitna na mic.
Sinumulan ko ang pagtugtog ng gitara at nakita ko siyang umupo sa isa sa mga monoblock don sa baba. Naisip ko Agad ang isa sa paborito kong kanta.
"I've been awake for a while now
You've got me feeling like a child now
Cause every time I see your bubbly face
I get the tingles on a silly place"
I was about to hit the chorus nang biglaang may humila ng monoblock, napatingin ako doon at nakita kong hinihila iyon papunta sa drum set sa may bandang kanan ko, si Mr. Torture ang tinutukoy na kaibigan ni Vince. I look at Vince and he signaled me to continue singing.
Tumingin muna ako kay Mr. Torture, napatingin siya sa akin at para bang hinihintay na kumanta ako. Nagtatanong pa sana ako pero para banag kinekwetyon niya ako kung bakit hindi pa ako nag sisimulang kumanta. Nakaupo na siya doon, tutugtog ba siya ng drums?
"Its starts in my toes
And I crinkle my nose
Wherever it goes, I always know
That you make me smile please stay for a while now
Just take your time wherever you go."
Napangiti ako dahil sinabayan ng pagda drums nya ang pag kanta at pag gigitara ko. Napatingin ako sa kanya habang patuloy padin sa pag kanta, napatingin din siya sa akin at patuloy sa paghampas sa drums. Ganoon padin ang ginawa naman hanggang sa second verse, naririnig ko ang mahina niyang pag kanta pero dahil sa bawat pag hampas niya sa drums ay natatabunan na din ang boses niya.
Hanggang sa matapos namin ang kanta, nakangiti akong humarap sa kanya at nakangiti din siyang sumalubong samin.
"Ang galing! Pwede kayong gumawa ng banda!" pumapalakpak na ani Vince, less intimidating talaga ang presence nya compare kay Mr. Torture.
"Thank you Vince." nakangiting sabi ko, humarap ako kay Mr. Torture na busy na ngayon sa pagtatype sa cellphone niya. Mukhang busy sya doon at nakita ko naman si Vince na ganoon din, kanina lang ay kausap ko sya ngayon ay busy nadin sa phone.
Umupo nalang ako at hinintay sila. Its already lunch time. Nang nakita kong tapos na silang mag cellphone sinalubong ko na sila.
"Let's go." anyaya ni Vince agad naman akong tumango.
Habang papunta kami doon sa canteen some students looking at us pero sa totoo sa akin lang talaga. Sa kaliwa ko si Vince at sa kanan naman si Mr. Torture.
"Nice voice" ani Mr. Torture at sumaglit ng tingin sa akin.
"Salamat Mr. Martinez" kakaiba talaga presence niya sa akin ever since nalaman kong siya si Mr. Torture.
"Kyther nalang" aniya.
"Salamat Mr. Kyther" sarcastic kong sinabi pinipigilan kong ngumisi.
"Kyther." Madiing sabi niya.
"Salamat Kyther" inayos ko na dahil baka masigawan ako, mukhang good mood siya ngayon.
Finally we reach the cafeteria. Pumasok kami sa loob tulad ng inaasahan madami ng estudyante sa loob.
"Ako na ang maghahanap ng upuan natin." presinta ni Mr. Torture "You know my order? As usual" dagdag pa niya bago umalis, kami naman ni Vince ay nagdaretsyo na sa cashier.
In three years studying here malimit lang akong pumunta dito dahil mas gusto kong manatili lang sa classroom at kainin ang pack lunch ko na luto ni nanay kasabay sila Zumi, mas matipid kasi yun. Pag may program at events na hindi naman masyado kailangan umattend hindi nalang ako napasok at nagsi sideline ako sa lugawan na malapit sa amin. May time naman na nakapunta na ako dito pero drinks lang ang binibili ko.
"And chicken Mac." huling order ni Vince, ngumiti nalang ako sa kanya at hinintay namin yung inorder niya na para bang handa sa fiesta sa dami.
Nang makuha nanamin ang order nagulat ako dahil kailangan pa naming bumalik para sa iba pang order ni Vince. Sa una naming dala ay ang kanin at Ulam sa pangalawa naming balik ay ang desserts at drinks, hindi sumama si Kyther dahil may kausap siya sa phone.
Pang apatan ang naukupa naming table at medyo malayo sa cashier at counter. Pagkalapag ng mga pagkain sa table ay hindi ko alam kung saan ako uupo dahil sa sabay na paghatak ng upuan ni Vince at Kyther.
"Sit here" they said in unison.
Napalunok nalang ako ng matindi, sa huli mas pinili kong umupo sa tabi ni Vince sa kanan niya kaya naman nasa harap ko si Kyther. Mas komportable ako kay Vince dahil mas pight lang ang aura noya kumpara kay Mr. Martinez na parang isang mali ko lang na galaw ay sisigawan na niya agad ako. Tiningnan niya ako na para bang sinasabi niya na 'no one has the gut to reject me but you' aba'y sorry naman.
Mas okay nadin na dito ako sa tabi ni Vince dahil baka pag nalaglag yung tinidor ko ay magalit Agad siya hindi ko pa naman alam ang nagiging kilos ko kapag kinakabahan, e bakit nga alba ako kakabahan?
Tahimik lang kami, lalo na ako kahit na andami ng naasok sa isip ko. Dahil pinagmamasdan ko yung mga order ni Vince kinuha ko nalang yung inaalok niya sa akin. Kanin yun at bistek ang ulam itinabi niya din sa plato ko yung isang tub ng graham for dessert at isang baso ng iced tea at bottled water.
"Kumain ka ng madami" saad ni Vince napatingin tuloy ako sa katawan ko. Sadyang payat ako pero hindi naman sobrang payat.
"Wala akong sinasabing payat ka ha! Ang ganda nga ng katawan mo e" pahabol pa niya. Mukhang napansin niya iyong pag tingin ko sa sarili ko.
Pasimple namang umubo si Kyther kaya nakuha niyon ang atensyon namin.
Si Kyther naman ay nanguna na sa pagkain dahil nakahiwalay na yung pagkain niya. Brown rice, fried chicken na yung gravy naglalawa sa mangkok at pork with black beans, chicken mac for dessert and water only for drinks.
Samantalang si Vince ay mukhang diet yata dahil sa two piece of fried chicken, two slice of pizza at pasta with white sauce, leche flan at ube for desserts at bottled water.
"Mapanghusga ang tingin mo! Hindi ako matakaw sadyang nagutom lang ako sa nga ginawa kanina" pangunguna na niya kahit naman hindi ko siya hinuhusgahan sa dami ng pagkain niya.
Pero saan naman kaya siya napagod? Sa pagbabasa? O sa pakikinig nung kanta namin? Pero ganoon pa man ay isinawapang bahala ko nalang baka nga napagod lang siya kayakailangan niya ng madaming pagkain.
"Thank you" pabulong kong sabi kay Vince, magsisimula na sana akong kumain ng biglang maglapag si Kyther ng pork at chicken sa plato ko.
Napapantastikuhan akong tumingin sa kanya at nagpilit ng ngiti para magpasalamat kahit sa totoo lang ay nagtataka ako.
"I thought you don't share your foods, hmm?" Sarkastikong tugon ni Vince sa inasta ni Kyther.