Deleted Video
Chapter 5
Pagpasok ko palang ng classroom sumalubong na agad sila Zumi. "Ang ganda pala ng boses mo!" Gagad ni Eloisa, isa sa lagi kong kasama dito classroom dahil tulad ko iwas din siya sa iba naming kaklase.
Apat kami na palaging magkakasama ako, si Zumi, si Eloisa at Elijah. Iwas kami sa iba naming kamag aral na laging ang pampalipas oras ay makipag dadaldalan tungkol sa panlalait sa iba pang nag aaral dito sa Ashton International School.
"Oo nga, hindi mo pinaparinig samin ha! Next time kantahan mo din kami, ipromise mo a" Dagdag naman ni Elijah kakambal ni Eloisa. Napapantastikuhan akong tumingin sa mag kambal, at Saan naman nila nalaman na marunong akong kumanta?
Luminga ako sa paligid at ganon nalang ang pagtataka ko ng makita kong halos lahat sila ay may tinitingnan sa cellphone at iyong iba naman ay naka tingin din sa akin. Nagtataka ko namang binalik ang tingin ko kila Zumi. "Anong meron?" dahil wala talaga akong ka alam alam sa mga nangyayari sa paligid. Kumain lang naman kami ng lunch hindi ba?
Pero sa halip na sumagot lumakad palayo si Zumi at nawala ang ngiti ng kambal. "Nagtatampo si Zumi." pabuntong hiningang bulong naman ng dalawa at talagang sabay pa kambal nga sila.
Si Zumi ang palagi kong kasama dito sa school katulad lang din namin siya ng kambal. "E ano ba kasi yung meron?" mahinahong tanong ko dahil wala talaga akong alam, bakit bigla nalang nila nalaman na marunong akong kumanta at bigla nalang nagtampo sa akin si Zumi, alam naman niya na marunong talaga akong kumanta hindi ba?
"We saw your video together with Kyther and Vince. Nakita din ni Zumi na sila yung kasama mong maglunch, e umalis kami kasi akala ko sasabayan mo siya kumain, maybe that's the reason. You should go and talk to her, she's a cry baby any way." pagpapaliwanag naman ni Elijah.
Huh video? "Wait? Video?" Agad kong nilapitan si Zumi sumunod din naman si Eloisa at Elijah.
"What?" Iritableng tanong ni Zumi. "Can't you all leave me alone?" tanong pa niya pero para na siyang paiyak. Hindi talaga bahay na maging maldita siya dahil malambot din ang puso niya.
"Sorry hindi ko alam na wala kang kasabay na kumain. Ang akala ko kasi ay kasama mo sila Elijah." sinsero kong saad. Si Zumi ang kasama ko simula pa noon at ngayon lang third year namin nakasama ang kambal. Mas bata siya sa aming apat kaya naman siya din ang pinaka matampuhin pero siya din ang mas maunawain at mas nakakaintindi. "Sorry na Zumi" sinsero ko pang dagdag kung alam ko lang na wala siyang kasabay kumain hindi nalang sana ako pumayag na samahan si Vince mag lunch.
"Okay na sige, bati na tayo" pasiring na aniya pero hindi katulad kanina ay naka ngiti naman siya at napangiti nadin ako ng marinig yun dahil ganon talaga siya kadaling suyuin. Kasing bata lang siya ni Crystal kaya naman nagkasundo din kami.
Siguro isa nadin sa dahilan iyong wala siyang ate na na sasabihin at nakakausap niya kaya naman ganoon kami palapit sa isat isa.
"Zumi, Eloisa, Elijah ano naman ba yung video?" Ayun yung pinagtatakahan ko talaga ng husto.
Naglabas ng cellphone ang tatlo at nagpipindot doon. Hindi din nagtagal iniharap nila iyon sa akin ng sabay sabay. Video iyon na may kumakanta or must I say, video ko iyon na kumakanta kasama si Kyther, nakita din sa video na nakaupo si Vince at masayang nanonood.
"Ang galing mo pala kumanta!" Ulit nanaman ni Eloisa habang pumapalakpak pa. Si Zumi palang ang nakakalam na marunong akong kumanta at gumamit ng instrument dahil nakantahan ko na siya noon nung first year pa lamang kami dahil malungkot siya. Pinatay na nila yung video at nagtatanong na tumingin sa akin.
Ano naman ba ang sasabihin ko, kahit ako ay hindi ko alam kung sino ang nag video niyon. Okay lang sana kung video lang pero nasa group page na ng school kaya naman madami nadin ang nakakita.
"Sinong nag video niyan?" Tatlo lang naman kami kanina sa music hall at hindi naman naglabas ng cellphone para magvideo si Vince kanina.
May naka kita kaya sa amin at vinideohan kami? Okay lang sana, pero alam kong madaming humahanga kay Mr. Martinez at ayaw kong maging topic ng usapan ng mga estudyante, ng buong eskwelahan.
"Tapos....." Napatingin ako kay Zumi ng mag salita ulit siya, nakahawak pa siya sa baba niya na animo'y nag iisip talaga ng husto. "Close ba kayo ni Kyther? Dito kasi sa video titig na titig pa kayo sa isat isa at sa mga comments din dito sa video niyo andaming nakakita na magkasalo din daw kayo sa food" nagtatakang saad ni Zumi.
Hindi naman na namin naituloy ang usapan dahil dumating nadin ang teacher namin. Habang nagtuturo, sumimple ako ng silip sa cellphone ko at nakita ko doon sa page ng school namin na trending na agad yung video. Lahat ng estudyante sa school na ito ay member ng page ng school.
Nang tingnan ko ang mga comments mas lalong napaawang ang labi ko sa mga tanong at komento ng mga estudyante. Karamihan ay mga junior students at ang nga senior naman ay iminemention pa si Mr. Martinez.
"Ang ganda nang boses."
"Ang galing, pwedeng pang banda."
"Bagay sila!!
"Okay sana pero para sa akin lang si Mr. Martinez"
"The audacity! And look how she looks at Mr. Martinez, maybe she's trying to flirt with him"
Andaming comments iyong iba ay magaganda ang sinasabi at iyong iba naman ay hindi, mayroon ding gusto lang mag comment pero malayo naman sa mismong naka post kaya iniskip ko yung iba hanggang sa makakita ako ng comment na galing sa officer ng book club 'Secretary Ava Charlotte Hudson' nagmukha na iyong chat conversation sa habang at dami ng usapan.
"Girlfriend mo? Kyther Martinez" talagang minention pa niya.
"Oo tapos third party si Vince Lloyd Buena" komento naman ng isang hindi kilala.
"Lolo mo kabit! Ikaw ba si Kyther?" Banat naman ni Secretary Ava.
"Sorry Ms. Hudson." It was the same stranger.
"Whatever. You are not Martinez so shut up!" Base sa mga comments ni Secretary Ava I can tell that she is a savage.
"Hoy Martinez! Sumagot ka! Andaming broken hearted dahil sayo!!! Bigyan mo ng kaliwanagan ang nasa video, ngayon din!" Bukod kay Ms. Ava madami pang ibang nag mention kay Kyther na halos puro senior high student.
"Why naman affected Ava Charlotte Hudson did the broken hearted referring yourself?" Sa dami ng comments lumayo na ng lumayo ang topic akala ko kasi ay magre reply si Kyther pero hindi naman kaya nag focus na lamang ako sa pakikinig sa teacher at isinawalang bahala ko nalang yung video, kahit na sa totoo ay kinakabahan ako.
Nang dumating ang uwian ay isinabay na ako ni Zumi sa kotse niya dahil baka kung ano pa daw ang mangyari sa akin pauwi, ayaw ko pa sayang pumayag dahil kaya ko namang mag commute pero nag pumilit a talaga siya.
"Sumabay ka na sa akin" huling salita niya at nila nalang akong hinila pasakay sa kotse nila.
Kahit sa paglalakad ko ngayon papasok ay madami pading naka mata sa akin pero hindi ko nalang pinapansin. "Good morning" napaigtad ako sa pag bati sa akin ni Vince, bigla nalang siyang sumulpot habang naglalakad ako. "Magugulatin ka talaga" nakangising saad niya.
"Good morning" bati ko naman pabalik.
"Okay ka lang ba?" mahinang tanong niya at nahihiyang tumungo. Pero dahil sa tangkad niya ay mas lalo ko lang nakita ng malinaw ang mukha niya. "Yung tungkol sa video?" nahihiyang aniya at nagbaba pa ng tingin.
"Oo okay lang ako" nagpilit ako ng ngiti.
"May nakakita satin sa music hall na junior student at vinideo. Madami kasing mga bad comments akala ko apektado ka, mabuti nalang at hindi. Pero don't worry pinadelete na ni Kyther yung video." Nakangiting saad niya kaya pala wala ng nagnonotif sakin dahil wala na yung video. Ang dami kasing nag me mention sakin at kung ano ano yung sinasabi.
"Salamat" iyon nalang ang naging sagot ko sa kanya. At nagpatuloy na kami sa paglalakad akala ko ay liliko na siya papunta sa direksyon na papunta sa building nila pero sumunod lang siya sa akin.
"Hatid na kita" saad niya ng mapansin niyang nilingon ko siya. Para pa siyang nahihiya habang nakahawak ang magkabilang kamay sa strap ng bag niyang itim suot ulit niya iyong salamin niya.
Dadaretsyo na sana kami ng biglang sumulpot si Kyther sa harap namin.
"Ay palaka!" nagulat ako dahil sa mismong harap namin siya sumulpot. Napatago pa ako sa likod ni Vince dahil doon.
"Hey! Huwag ka ngang suaulpot bigla bigla!" Si Vince naman iyon, hindi siya nagulat kay Kyther nagulat yata siya dahil sa sigaw ko ngg magulat ako.
"Can I join?" He ask and we nodded shortly.
Syempre kabado padin ako dahil baka kung ano nanaman ang isipin ng iba. Marami siyang tagahanga na junior students kaya madali na namang kakalat ang balita kung may makakita.
"Sorry if the video affects you" saad ni Kyther pero hindi manlang lumilingon sa akin daretsyo padin ang mata sa nilalakaran at nakatutok padin sa paglalakad.
"Okay lang." Agad kong sagot at bahagyang ngumiti.
"Did those comments affects you? Please say that it don't." He sounds begging bakit naman ganon? E ano kung Oo?
I am not used to see that kind of emotion. Kung hindi si Crystal ang nagpapakita non sakin ay si nanay at lola iyon.
"Salamat sa concern, pero hindi naman ako naapektuhan non." Nakangiti kong saad, buntong hininga naman ang naging sagot niya. And now he sounded so relieved.
Nagpatuloy kami sa paglalakad pansin ko na yung mga matang sumusunod sa bawat paglalakad namin. At hanggang makarating kami sa mismong classroom ko.
"Salamat sa pag hatid pero--" hindi ko na natapos yung sinasabi ko ng tumalikod na si Kyther.
"--You're welcome" sinabi niya iyon habang nakatalikod.
"You're welcome" saad din naman ni Vince.
"Pero hindi niyo naman na ako kailangang ihatid." Pagpapatuloy ko. Kaya ko naman na pumunta ng mag isa dito sa classroom tatlong taong nadin akong pabalik balik dito, kung nag aalala sila sa comments siguro naman ay hanggang comments lang sila.
"Okay lang yun." Paliwanag ni Vince.
"Gusto ko iyon." Singit ni Kyther nakatalikod padin. What? He cleared his throat "Gusto namin iyon. Don't worry" paliwanag niya agad. Bakit defensive?
"Pero kasi......" tuluyan na siyang humarap sa amin.
"Let's go Vince!" doon lumabas nanaman yung ugaling kinatatakutan ng lahat. Maigsi lang talaga ang pasensiya niya.
"Hayaan mo na Ade Mr. Martinez already--" hindi na pinatapos nibKyther ang sasabihin dahil tinakpan na niya yung bibig ni Vince.
"Ganyan na pala kayo kaclose nickname basis." saad ni Kyther. Its more like statement not a question. Nung sinabi kasi ni Vince na iyon nalang ang itawag ko sa kanya Ade naman ang sinabi ko.
"Ky" he said and offer his hand to me. Hindi naman sa pagiging maselan pero galing sa bibig yun ni Vince. Napansin niya siguro kaya pinunasan niya ang kamay sa pantalon at inabot ulit sa akin. Napatawa naman ako dahil doon.
"Ade" tinanggap ko iyon at ngumiti sa kanya. Nakangiti din siya kaya enjoy na enjoy naman ako sa view dahil sa ganda ng ngiting iyon. Nakaka attract talaga iyong malalim niyang dimples.
"Ehem!" it was Vince at agad naman kaming nagbitaw ni Kyther. Ganoon na ba katagal iyong paghawak ko sa kamay niya?
"Kung inaalala mo yung sasabihin ng iba don't worry I already warned them." He said and left us.
Napangiti ako sa tinuran nya he is not that torture, he has a soft part in his heart pero hindi ko pa sure.
Maybe he asked to delete the video for his sake naden dahil andami ding nag memention sa kaniya. Maybe he want some peace of mind, pagod na siya sa school works at siguro ay ayaw na niya idagdag pa iyon sa iniisip niya.
Nakasunod padin yung tingin ko kay Kyther at naputol lang iyon ng humarang si Vince. Naka ngiti siya ng nakakaloko. "Sabi ko naman sayo don't worry" tumango ako bilang pag sang-ayon.