Music Hall
Chapter 6
"Can somebody on class can help me to encode grades. Who wants to volunteer?" Its Mrs. Villanueva, patapos na kasi ang second grading namin.
"Ma'am si Mercado nalang po" agad namang sagot ni Ely.
"Bakit naman si Adelaide? Kung pwede namang ikaw." Banat ni Eloisa, ayaw niya kasi ng ganoon kung gusto namin mag volunteer kami mismo ang mag sasabihin a ayaw niya ng pinapanguhan.
Tahimik lang si Elijah at kabaligtaran naman nito si Eloisa na madaldal at prangka.
Pag sinabi kasi ni Mrs. Villanueva na encoder five days iyon na every after class, dati ang mga bumabagsak ang pinag eencode nya pero wala namang bumagsak dahil nakakatakot daw magalit si Mr. Torture, and speaking of him siya ang makakasama doon at mag gaguide kasama ang lahat ng officers ng Book club sila ang magsasabi ng gagawin ng nga encoder dahil minsan lang naman andon si Mrs. Villanueva dahil sa dami nadin ng ginagawa.
Nitong mga nakaraan lagi ng sumasabay kumain samin nila Zumi si Vince at dahil doon ay madami na kaming napag uusapan.
Hindi din namin alam kung pano nangynangyari pero nagkakataon naman kasi lagi na sabay ang oras ng mga vacant time namin at pati nadin break time kaya nagkakasabay nadin kami sa pagkain, minsan din ay nakakasalubong ko pa siya sa gate ng school kaya naman inihahatid nadin niya ako sa classroom namin. Santalang si Kyther parang kabote na pasulpot sulpot minsan sasama siya sa pagkain minsan hindi.
Hindi ko tuloy maiwasan na hindi magtanong kay Vince kung nasaan si Kyther pero minsan lang naman, ayoko na iba ang isipin niya sa pagtatanong ko. Madaldal pa naman si Vince pero alam ko naman na hindi niya sasabihin kay Kyther iyon dahil nag promise siya.
Back to the topic, ang ieencode kasi ay grades ng ibang students at hindi ng sa amin para surprise padin. Pero sa daming hawak ni Mrs. Villanueva juniors and seniors kailangan niya ng taga tulong---
"So Ms. Mercado? Are you willing to be my encoder?" --at ako iyon.
"Okay lang po Ma'am." sagot ko nakakahiya naman kung tatanggi ako, hindi ba?
Nang matapos ang klase at naglalakad na ako palabas ng school nahagip ng mata ko iyong music hall, dumaan muna kasi ako sa library para isauli ang mga hiniram kong libro.
Madilim sa unang tingin dahil galing ako sa labas pero nung nasanay na sa dilim yung mata ko nakita ko doon si Kyther na nakaupo sa gitna ng stage habang hawak ang gitara. Gusto ko na sanang umalis pero parang ayaw ko din dahil gusto ko siyang marinig. Mahina ang pagkanta niya pero dinig na dinig ko paden ang ganda ng boses niya dahil kami lang naman ang tao.
Naupo ako sa pinakadulong upuan at tahimik siyang pinanood. Habang nanonood eto naman ako sa pagtitig sa kanya. Sana lang wag siyang tumingin sa gawi ko.
Sa totoo lang every time na sumasama si Vince samin kumain at umuwi nalulungkot ako pero hindi ko alam kung tama ba na idahilan ko na wala kase si Kyther.
Yes I admit it I have a crush on him.
I admire his looks, his cleverness and all of him kahit na sobrang sungit niya at kahit na nakakatakot pag nagagalit siya. Alam ko naman kasing hindi siya ganong kasama. And now I'm sure of that, nakita ko kasing may tumulong luha mula sa mata niya indikasyon ng kalungkutan. Bahagya din siyang tumigil sa pagkanta pero nagpatuloy padin sa pag gitara.
Perfect by Simple Plan. Hindi siya broken dahil hindi naman pang broken hearted ang kanta na iyon.
Nang matapos ang kanta tumayo na ako at balak na sanang umalis pero---
"How was it?" nanlaki ang mata ko dahil....sakin ba ang tanong na iyon?
Dahan dahan akong tumingin sa gawi niya at nakahinga ako ng maluwag ng sa cellphone ang paningin niya. Baka naman may kausap siya sa cellphone, baka nga. Sa isipin na baka nga hindi naman ako ang tinatanong niya at baka iyong kausap niya sa cellphone ipinagsawalang bahala ko nalang iyon.
I was about to leave when he speak again.
"Next time if you want to join don't hesitate to approach me" tuluyan na niyang pinasok ang cellphone sa bulsa ng coat at tumayo.
And now I'm sure ako nga ang kausap niya.
"Napadaan lang" pagdadahilan ko iyon kasi ang anang pumasok sa isip kk at dahil iyon naman talaga ang totoo, napapaatras ako dahil sa pag hakbang niya palapit sa akin.
"Are you sure? How come napadaan lang if you almost listen to the whole song?" he reach his destination at iyon ay sa harap ko. "Explain Ms. Mercado, justify your answer. Prove it" wala siyang ginagawa at nakatayo lang sa harap ko pero parang bumibigat yung paghinga ko.
"Sorry. Hindi ko sinasadya" nauutal ko pang sinabi iyon. Huwag naman sana siyang magalit.
Bigla nalang siyang tumawa ng malakas ito yung si Mr. Dimples talaga. Hala wait baka may multiple personality disorder siya! "Let's go. I'll take you to your home" napahinto siya sa planong paglalakad dahil hinila ko ang sleeves ng coat niya.
"Anong sabi mo?" naguhuluhan kong tanong baka Mali lang ang dinig ko.
"I'll take you to your home, anong oras na ba? May pupuntuhan ka pa ba?" Tanong niya nanaman. Ano ba kinikilig ako.
"Wala naman. Pero bakit?" naguguluhan talagang tanong ko. E ano kung may dadaanan pa ako at bakit niya naman ako ihahatid?
Nakita kong onti onting tumaas ang gilid ng labi niya. Pero dahil nakabitaw na ako sa coat niya dali dali na siyang lumakad palabas ng music hall. At wala naman na akong nagawa kung hindi ang sumunod.
"Is it okay kung dumaan muna ako sa office?"
Para akong bata na seven years old na akay akay ni Kyther papuntang Book Club Office, nakabuntot lang ako sa kanya hanggang sa nakarating kami doon.
Nagulat pa yung taong nasa loob ng office sa biglaang pag pasok ni Kyther.
"What's with the shock?" nakangising tanong ni Kyther.
Napansin ko din yung paglunok nung babae. Ibinaba na din niya dahan dahan yung phone niya at inilagay sa drawer. Sa table niya nakalagay ang pangalan at katungkulan niya 'Secretary, Miss Ava Charlotte Hudson'
Pinilit kong huwag matawa dahil halatang halata sa mukha niya yung gulat at takot na hindi bagay sa get up niya. Ang kapal ng eyeliner niya, may kulay ang ilalim ng buhok niya na makakita lang pag nakatali ang buhok tulad ngayon, gusot din ng onti ang uniform niya, may band aid sa ilalim ng kaliwang mata at sa kanang kamao. Pero kahit na ganon angat padin yung ganda niya.
"Bakit kasi hindi kumakatok!" Sumbat ni Ms. Ava
"Isn't it my office too?" Ganti naman ni Kyther
"Baka kase babae ako!" Balik naman ni Ms. Ava
"Hindi halata." Mahinahong saad ni Kyther at nagdaretsyo na sa table niya.
Is it possible na kahit sa paglakad maaattract ka? Bakit kasi kahit likod niya ay ang gwapo din? At nagtataka naman ako sa sarili ko dahil kailan pa ako humanga sa likod ng isang lalaki?
Nakakaramdam ako ng paghanga noon sa mga ka edad ko at sa mga artistang napapanood ko sa television, pero iba palang talaga iyong alam mo at sigurado ka na na gusto tao dahil lalong nagiging gwapo sila sa paningin mo.
"Baka maging ice cream matunaw." Mahinang ani Ms. Ava tinataas baba pa niya ang kilay niya para mang asar.
"What?" Inosenteng tanong ni Kyther.
"Baka matunaw" nakangiting saad ni Ms. Ava na nakatingin sa akin.
Salamat naman at natapos na si Kyther, iniwasan kong tumingin sa kanya dahil sa hiya na baka mapansin na naman ni Ms. Ava ang pagtitig ko.
"Adelaide, she is Ava the secretary of the club" sabi ni Kyther nang makatabi na siya sa akin, tumango naman ako kay Ms. Ava.
"Ava, Adelaide---" hindi na pinatapos ni Ms. Ava yung sinasabi ni Kyther.
"---The girlfriend of yours." Its more like a statement not a question, walang nagreact saming dalawa.
Nanatili kaming nakakunot ang noo sa kanya. "Pano ko nasabi?" pangunguna naman niya. "Because of the comments. Minention kita pero hindi ka sumasagot so I considered it as a yes because silence means yes!" And now the table turns si Kyther na ang binubuska niya. She indeed a savage.
Kanina lang ay si Kyther ang nang aasar sa kaniya ngayon naman ay siya na ang Nang aasar sa aming dalawa.
"You are not just a member of this club, you are an officer yet you believed on those rumors" seryosong ani Kyther pero wala naman akong naramdamang tensyon. Parang sanay na sila sa ganitong usapan. At totoo naman ang sinabi niya dahil kailangan padin niya munang alamin ang totoo na mula sa amin at hindi dapat nag coconclude agad ng walang basehan.
"Whatever. Go away couples, I don't want to see your face ky! I hate you!" Tumayo pa siya at sumensyas na parang nagpapaalis ng kung sino, pikon.
"Okay fine we'll go but next time lock the door if you don't want to get caught. Umuwi ka nadin anong oras na" nakangising saad ni Kyther.
"Whatever. Go leave!" patuloy padin siya sa pagtaboy samin, sa paraan na parang nagtataboy ng pusa.
"She's my best friend." Biglaang saad ni Kyther habang naglalakad kami.
"Bagay kayo" nakangiting saad ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling yun basta kusa nalang lumabas sa bibig ko.
"You think so?" Seryosong tanong niya naman. Ang swerte ni Ms. Ava dahil gusto siya ni Kyther, ganitong ganito ang malaki sa tuwing gusto niya ang isang tao.
"Oo naman parehas kayong may itsura at parehas kayong matalino" dahan dahan ko iyong sinabi pero parang dahan dahan ko ding niloloko yung sarili ko. E ano naman , crush ko lang naman siya.
"Ikaw may itsura ka naman at matalino" sabi niya na daretsyo paden sa paglalakad. Naiwan tuloy ako, literal na naiwan sa paglalakad at nakanganga pa.
"Wait lang! Hindi naman ako matalino mas lalong hindi maganda" ano ba sa tingin niya yung sinasabi niya? NA BAGAY KAMI?!
Hindi siya sumagot at nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa parking lot. Pinagbuksan niya pa ako at inalalayan sa pagsuot ng seatbelt. Wala Nang estudyante at kung meron man karamihan ay senior high. Mas madami kasing toxic sa junior high.
Nang makapasok na si Kyther at akma ng magdadrive kinuha ko ang atensiyon niya.
"Bakit mo pala ako ihahatid?" Nagtatakang tanong ko.
Pero imbes na sumagot ngumisi lang siya na para bang may naalala at nagdaretsyo na sa pagdrive, sa huli napilitan nalang akong ituro ang bahay namin.
"Salamat sa paghatid" akma na akong bababa ng bigla siyang magsalita.
"Don't worry I'm going to do this always" seryosong Aniya at literal na nanlaki ang mata ko kasabay ng pag awang ng bibig.
"Huh? E bakit?" Naguguluhang tanong ko.
"I have no time in the morning and lunch because I'm too busy" sinserong saad niya.
"E ano ngayon?" nagtatakang tanong ko. Ano naman kung maging busy siya? Kailangan siya doon at madami talagang ginagawa kaya Ano naman kung maging busy siya.
"Kaya tuwing after class nalang kita masasamahan" daretsyong sabi padin niya and still naguguluhang padin ako sa pangyayari.
"Bakit naman e kaya ko namang umuwi ng mag isa"
Ngumiti siya ng nakakaloko pero gustong gusto ko. "Vince told me that you're always looking for me." Daretsyong sagot niya na parang nasagot niyon lahat ng tanong ko--- huh ano si Vince?! Humanda ka saking Vince ka!
Oo lagi ko siyang hinahanap pero kailangan ba talaga na sabihin pa kay Kyther?!
"I'm doing this for two reason." Dahan dahan pa siyang humarap sa akin. "The first one is for you to not miss me that much." Itinuro pa niya ako. Hoy anong miss you that much. Oo miss kita araw arawpero dapat ecret lang iyon e. Pagtapos ay tinuro niya naman ang sarili. "And the second one is for me to be assure that you go home safe, and also the same reason as yours." Same reason as me?
Hindi naman na ako nakapag salita dahil lumabas na siya ng kotse at pinagbuksan na ako. Hindi pa man ako nakakabawi sa mga naganap nakita ko nalang na naka alis na ang sasakyan niya.