Kyther and Vince Chapter 10 Sa totoo lang naiiyak ako dahil para akong bata na napagalitan, ang tahimik ko lang dito sa isang gilid. Kahapon din ay sobra lang akong tumahimik at isiniksik maigi ang katawan ko sa pintuan ng sasakyan, kung pwede na mas habaan pa ang distansya noon ay gagawin ko. Nang makarating din ang kotse sa harap ng bahay namin ay dali dali nadin akong bumaba at hindi na nakapag paalam sa kaniya. Hindi din tulad ng mga nakaraan ay hindi na niya ako hinintay na nakapasok muna ng bahay at agad ng minaneho ang sasakyan paalis. Alam ko at halata naman sa kaniya na nagsisi agad siya sa nagawa pero mas mabuti na lang din muna siguro ang katihimikan. Kahapon pa ang nangyaring pagsigaw niya sa akin pero ang awkward padin sa feeling. Sanay naman akong masigawan at masabihan

