Prologue

1068 Words
NAPAHAWAK si Cierra sa screen door at siniguradong locked ito nang makitang paparating ang kaniyang landlord.   “Papapasukin mo ba ako, Iha?” Nakangiti ang singkwenta anyos na lalaki.   “Aalis po ako ngayon, Mang Ben,” sagot niyang namumutla halos ang mga daliring nakakapit sa pintuan. “Ano pong kailangan nila?”   “Maniningil ako ng renta.” Matataimtim siyang tinitigan.   “Eh, pasensya na po at medyo delayed ang payment. Alam niyo naman pong gipit talaga kami ngayon lalo na’t nasa hospital si Kuya Ferdinand.”   “Dalawang buwan na kitang binigyan ng palugit, Iha,” seryosong sagot nito.   “Pasensya na po talaga, Mang Ben.”   “Walang problema kung ibibigay mo lang ang hinihingi ko. At least unlimited ang pagtira niyo rito. Ako na ang bahala sa kuryente, tubig at groceries.”   Umiling siya.   “Oh sige, dadagdagan ko pa ng allowance ‘yan.” Nakangisi si Mang Ben, litaw ang dalawang gintong ngipin na kumikislap sa bawat buka niya sa bibig. “Huwag masyadong maluho, Iha. Hindi naman diyamante ang p**e mo.”   Napasinghap si Cierra. Nanginginig ang kalamnan niya sa bulgar na pamamahayag ng kausap. “Huwag po kayong ganiyan, Mang Ben.” Pinilit niyang maging kalmado. “Kaibigan po kayo ng mga mgulang namin nung buhay pa sila.”   Dinilaan nito ang pang-ibabang labi habang tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Last chance na ‘yan, Cierra. Trentay dos ka na at huwag masyadong mapili. Hindi presko ‘yang p**e mo sa lahat ng pagkakataon. Gusto mo ng sampol?” Walang sabi-sabing binuksan nito ang zipper ng shorts at ipinalabas ang ari.   Awtomatikong isinara ni Cierra ang pinto. Nanlamig siya nang marinig ang tawa ng matanda.   “Babalik ako bukas, Iha.” Pinal ang tono ng pananalita nito. “At inaasahan kong ‘Oo’ ang sagot mo.”   Napaupo siya sa sahig habang nakasandal sa pinto. Binuksan niya ng maigi ang kaniyang pandama at inalam kung nakaalis na ba ang m******s na landlord. Nang wala na siyang marinig mula sa labas, hinablot niya ang sling bag, isinuot ang sandalyas at dali-daling umalis ng bahay.   “Hello, Miel? Kamusta na si Kuya?” Tinawagan niya ang kaibigan na siyang nagbabantay sa kapatid.   “Kagigising lang,” sagot ng kaibigan. “Kakausapin ka raw niya.” Ibinigay nito ang phone sa kaniyang kapatid.   “Kamusa ang paborito at pinakaguwapo kong kapatid?” Nakangiting tanong niya.   Halatang nahihirapang huminga ang kausap. “C-cie - - ra...I’m…t-t-t-tired...”   Mahigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone. Tila unti-unting piniga ang baga niya. “Kaya mo ‘yan, ‘Ya!”   “I-I-I-I...w-w-want…t-t-to...g-g-go...” Hingal at tila de numero ang pagkakaibigkas sa bawat salita.   Naglalakad siyang malabo ang mga paningin at pinilit niyang labanan ang nakakasakal na emosyon. Kinagat niya ng mariin ang labi bago pinasigla ang boses. “Kuya naman, ikaw talaga. Huwag kang bibitaw, ha. Gusto ko pang makita ang future children mo. At ikaw din maghahatid sa’kin sa simbahan kapag nakahanap ulit ako ng Prince Charming.”   “S-s-sorry...s-sis...l-love…y-y-you...”   Narinig niyang kinausap ni Miel ang kapatid at kinuha nito ang phone. “Hello, Cie? May balita na ba?”   Umiling siya. “Naghahanap pa ako ng paraan, Miel.”   Natapos ang pag-uusap nila at ‘di napigilan ni Cierra ang mapaupo sa gilid ng kalsada. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao habang umiiyak. Pero nung nilapitan siya ng isang tanod, tumayo siya at umalis. Wala sa loob na palakad-lakad siya hanggang sa makarating siya sa isang parke. Umupo siya sa bakanteng bench at humagulgol.   Napaka-unfair naman kasing maganda ang panahon lalo na’t maliwanag ang hatid ng dilaw na buwan. Napaka-unfair kasi tila maayos at organized ang estado ng lahat maliban sa kanilang dalawa ng kapatid. Life was really unkind to them for these past years.   “Okay ka lang ba, Miss?” Isang magaang boses ang narinig niya.   Tumingala siya at nakita ang maaliwalas na kaanyuan ng lalaki. Simpleng putting T-shirt at jeans ang ayos nito.   “Baka kasi makatulong ako,” anito.   Hindi maipaliwanag ni Cierra kung bakit tila hinihila siya ng aura ng kausap at naisaliwalat niya ang problema rito. “Kailangan ko ng pera. Malaking pera. Tatlong linggo na si Kuya sa hospital pero ‘di pa rin malaman kung ano dahilan ba’t nagkaganyan siya. Kapos kami sa pagpapagamot. Marami ring gastos sa ibang bagay. H-hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera o sino ang tamang taong malalapitan.”   “Magkano ba ang kailangan mo?”   Sinabi niya ang presyo pero hindi man lang natinag ang kausap.   “Actually, may kakilala ako pero ‘di ko alam kung papayag ka,” panimula nito.   Napukaw ang kaniyang atensyon. “Don’t tell me it’s p**********n?”   Tila nainsulto ang lalaki. “Of course not! Naghahanap siya ng mapapangasawa. Pero malayo talaga ang lugar kaya handa siyang magbayad ng kahit anong halaga.”   Alam niyang hindi wise ang directly na pagsang-ayon pero desperada na talaga siya. “Tatanggapin niya ba ako? I’m already thirty two years old at nakapag-asawa na rin non.”   Ngumiti ang lalaki. “Ah, so you’ve got experience. That’s good. Very very good. Pero bata ka pala masyado.”   Nangunot ang kaniyang noo pero ‘di siya nagkomento pa.   “Sure ka na ba talaga?”   Mas mainam na sigurong magpakasal siya sa isang estranghero kesa mapunta siya kay Mang Ben o ‘di naman kaya sa prostitusyon. Kuyom ang mga kamay na tumango siya.   “Ibigay mo sa’kin ang bank account mo ngayon so I can transfer the money.”   Hindi niya akalaing ganito kabilis ang mga pangyayari. Pero tumatakbo ang oras at importante ang bawat segundo ng kaniyang kapatid. Kinuha niya ang phone at ibinigay ang mga numerong hiningi nito.   “Done.”   Tiningnan ulit ni Cierra ang status ng bank account niya. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang ten times pa sa amount ng sinabi niya ang ipinasa ng lalaki. Napanganga siyang tumingala rito at tatanungin niya sana ito ngunit tumawag ulit si Miel.   “Miel! Good news, nakakuha na ako ng pera. Sabihan mo si Kuya na gagawin natin lahat ng physical exams niya at huwag siyang mabahala sa presyo. Sky is the limit!”  excited na balita niya.   “Cierra…” mahinang sabi nito, “wala na ang kapatid mo...”   Hindi pa nag-sink in sa kaniya ang balita. “Huwag kang magbiro, Miel. May pera na tayo, ano ka ba?”   Pero umiyak ng todo ang kaniyang kaibigan. “Wala na si Ferdinand.”   Katulad ng cellphone na nahulog, tila hinila pababa ang isipan ni Cierra. Tila inipit sa nag-uumpugang bato ang kaniyang puso at hinatak palabas ng kaniyang katawan ang kaniyang kaluluwa.   Bakit?   Isang salitang hatid ang marami pang sunod-sunod na katanungan.   Bumalik sa kaniya ang mga alaala nung namatay ang asawa niya sa aksidente, namatay ang mga magulang niya sa apoy at ngayon ito na naman? Ba’t ganon? Anong nagawa niya upang gantihan siya ng ganito katindi ng tadhana?   “Miss, what’s the matter?” Nag-aalalang tanong ng estranghero nang makita siyang humagulgol ulit.   “My brother’s d-dead." Napahawak siya sa kaniyang ulo. "All for n-nothing…”   “You’re not quitting from our deal, right?” Malumanay na tanong nito.   “Walang natira sa’kin. Para saan pa ang pananatili ko rito?”   At ‘yon ang huli niyang natandaan bago siya mawalan ng ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD