Noon at Ngayon

270 Words
May mga tekstong nakasulat sa mga sagradong libro ukol sa bawal na relasyon sa pagitan ng Earth women at angels. Napag-alaman din na may ibang mga human females na nagkaroon ng intimate relationship sa iba pang klaseng ‘higher beings’. Ang mga offspring ng mga nasabing relasyon ay highly intellectual at powerful hanggang sa inferior na ang kanilang paningin sa mga purong tao. Dahil respetado pa rin nila ang Earth, ang lugar ng lahat ng nilikha, kaya nakapagadesisyon ang mga ito na makikipagsapalaran sa unknown galaxies. Lumipas ang napakaraming taon at nakalimutan ng mga purong tao na minsa’y may mga espesyal na mga nilalang na nakatira rito.   Pero may virus na lumaganap sa iba’t-ibang uri ng galaxies na pumatay sa halos lahat ng kababaihan mula sa bata hanggang sa kung sino ang pwede pang magkaanak. Desperado ang mga taga ibang planeta na madagdagan ang kanilang populasyon kaya napag-desisyunan nila ang inter-marriage sa iba’t-ibang galaxies pero wala pa ring bisa. Hanggang sa may nagbigay suhestyon na baka nasa planetang Earth ang kasagutan lalo na’t puro pa rin ang istratkura ng katawan ng tao kahit ilang milyong taon na ang lumipas.   Nagdesisyon ang Alliance of Universal Preservation (AUP) na makipag-coordinate sa Earth Government. Pero naging gahaman ang mga opisyales ng kaisa-isang natitirang gobyerno ng mundo. Kaya ang ibang alien ay hindi mapigilang kumidnap ng mga babae.   At ito ang simula sa mga storya kung paano nakapag-asawa ang mga babaeng taga Earth sa ibang mga lahi sa galaxies. *************************************************************************************************************** A/N Holalala! Gusto ko lang i-challenge ang sarili ko pagdating sa mga ganitong genre. Lels! Tingnan natin kung makakaya ko ba 'to. *cross fingers* Sana okay ang kinalabasan ng storya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD