Chapter EightGulo

2401 Words
I. MALAKAS AT PAULIT-ULIT NA hinampas ni Vince ang hawak-hawak nitong folder sa ulo at kung saan-saang bahagi ng katawan si Terrence.Walang ginagawa si Terrence sa lahat ng p*******t ni Vince kundi ang tanggapin ang lahat habang nakayuko lang. " Gusto mo ba talaga akong ipahiya,hah!!.....," galit na galit na sigaw ni Vince sa mukha ni Terrence. " H-hindi, ibinigay ko sa'yo 'yung outline ng report mo, kailangan mo lang 'yung basahin," sinubukan pa ni Terrence na mangatwiran.Sapok at hampas ng folder ang inabot ulit ni Terrence sa pangangatwiran nito kay Vince," At gagawin mo ba akong tanga,hah!!..dahil sa'yo napahiya ako!!!!.....,". Hahampasin pa sana ni Vince ang kawawang si Terrence ng makita si Candice, napaatras ang dalaga ng makita ang grupo ni Vince pero bago pa man makatalikod siya huli na ang lahat dahil nilapitan sa siya ni Vince. " Di ba,dadaan ka?," tanong ni Vince kay Candice. " Oo, pero may kailangan akong balikan,may nakalimutan ako," pagdadahilan ni Candice. " Alam mo bang ayaw kong ginagawa akong tanga," hindi na maganda ang hitsura ni Vince na kanina pang inis na inis kay Terrence. " At bakit ko naman gagawin 'yun?.Sandali lang—," susubukan sana ni Candice na sagutin si Vince pero hinawakan na siya nito sa braso. " Alam kong iniiwasan mo ako. At bakit mo ba ako iniiwasan?," tanong ni Vince habang naniningkit ang mga mata na pinag-aaralan ang reaksyon ng mukha ni Candice. " Vince,bitiwan mo na siya," sinubukan ni Terrence na awatin si Vince, " Manahimik ka!!!!," itulak ni Vince si Terrence. " Pwede ba bitiwan mo ako," pagpupumiglas ni Candice. " Vince, bitiwan mo na siya," pagpupumilit pa rin ni Terrence kahit na pinipigilan na siya nina Tristan at Llyod. "Manahimik ka!!!!...ang ingay mo!!!...," sigaw ni Vince.Nasindak si Candice dahil unti-unti ay nag-iiba na ang ugali nito, pinapakita na nito ang tunay niyang kulay. " TIGILAN MO SIYA!!!!!......," ang lahat naman ay nagulat ng biglang sumigaw ng malakas si Terrence, galit ang boses nito. Binitiwan ni Vince si Candice at binalikan si Terrence, " Aba, lalaban ka na ngayon?, hah!!!," isang suntok sa sikmura ang inabot ni Terrence. " Bakit ka ba nagagalit?, hindi ka naman ganyan ah, di ba duwag ka?," kitang-kita ang panggigil sa mukha ni Vince. " Pasensya na,w-wala naman siyang kinalaman dito, ako na lang ang pagbuntungan mo ng galit mo dahil sa nangyari," nawala ang biglaang galit sa mukha ni Terrence sa halip napalitan ito ng pagmamakaawa. " Bakit?, concern ka sa babaeng 'to?, type mo?," sa pagkakataong iyon sapak naman ang inabot ni Terrence. " Pwede ba tigilan mo na 'yan," hindi makatiis si Candice sa nakikita niyang ginagawa ni Vince sa walang labang si Terrence. " W-wala," sagot ni Terrence. " Makinig ka, sampid! Baka nakakalimutan movkung ano ka.Wala kang karapatan kung sino ang gusto ko o anong gagawin ko....," pinamukha pa ni Vince na walang laban sa kanya si Terrence,"...bitiwan niyo na siya," sabay utos nito. " Sure ka bro?," tanong ni Tristan, " Oo," kumpirma nito sabay baling ng tingin kay Candice.Patulak na binitiwan nina Tristan at Llyod si Terrence ngunit hindi pa pala tapos si Vince dahil nilapitan pa nito ang kawawang binata at dalawang beses na pinagsisipa habang hindi pa nakakabango ito, sa harapan mismo ni Candice. " O, ano?, mas gugustuhin mo bang makipagkaibigan sa taong 'yan, duwag, mahina, walang kayang gawin," may gustong ipamukha si Vince kay Candice. " Wala siyang laban sa inyo, bakit niyo pa ba siya pinahihirapan?," hindi maintindihang tanong ni Candice kung bakit ba kailangang saktan ng ganoon ni Vince si Terrence na hindi naman lumalaban sa kanila.Hindi na napigilan ni Candice ang awa sa binata at nilapitan niya ito habang hirap na nakahandusay sa sahig. II. Hindi matanggap ni Hazel ang nangyari kay Aria at kahit isang aksidente ang nangyari gusto niyang may pagbuntungan ng galit at sisi sa nangyari sa kaibigan.Galing ospital dumeretso si Hazel kasama si Monica sa university wala itong gustong makita kundi si Vince. Galit at pasugod si Hazel ng makita si Vince habang pinagmamasdan si Terrence na inaalalayan ni Candice, " Walang-hiya ka!!," malutong na sampal ang dumapo sa mukha ni Vince, nagulat ang lahat sa ginawa ni Hazel. " Walang-hiya kang—," sa galit at pagkabigla ni Vince sa pagsampal sa kanya ni Hazel kamuntikan ng sapakin niya ang babae na maagap namang napigilan ni Tristan, " Bro,babae 'yan,huwag mo ng patulan,". Nagawang mapakalman ni Vince ang sarili niya pero ang galit nito kay Hazel ay hindi pa rin humuhupa, " Walang-hiya kang babae ka!, ano bang problema mo?," sigaw ni Vince dito. " Napaka-iresponsable mo!, nasa ospital si Aria ngayon, comatose nasa binggit siya ng kamatayan at ang magiging anak niyo pero ikaw wala kang pakialam kay Aria o kahit man lang sa anak mo!," sa galit ni Hazel wala na itong pakialam kung sino ang kaharap niya. Si Monica naman na nasa likuran niya ay takot na pinipigilan siya, " Hazel,galit na si Vince,tumigil ka na, baka ikaw ang mapahamak," " Hoy!, hindi ko kasalanan kung tatanga-tanga 'yang kaibigan niyo at nadulas siya sa hagdan at huwag mo nga akong pagbintangan na ako ang nakabuntis diyan sa maharot mong kaibigan," marahas na katwiran ni Vince sa mga pinagsasabi ni Hazel. Hindi makapaniwala si Hazel sa lahat ng pinagsasabi ni Vince, malinaw na wala siyang pakialam kay Aria lalo na sa magiging anak nila, " Gago ka rin ano?, matapos mong pagsawaan si Aria parang basura mo na lang siyang itatapon at iiwan sa ere,hindi basta-bastang babae si Aria na kung kani-kanino lang sasama kaya huwag ka ng tumanggi pa,". Mas lalong nanlaki sa galit ang mga mata ni Vince nilapitan nito si Hazel hindi na nagawang pang humarang ni Tristan dahil maging siya ay nagawa nitong itulak.Biglang sinakal ni Vince si Hazel, " Makinig kang babae ka.Wala ngang nagawa si Aria laban sa'kin ano pa kaya ikaw, subukan mo pa akong sampalin ulit at pagsabihan ng ganun, baka magkatabi na kayo ni Aria!!!," buong panggigigil ni Vince,hindi na halos makahinga si Hazel ang lahat ay nagulat sa ginawa ni Vince. " Bro,bitiwan mo na siya," pigil ni Tristan katulong si Llyod, " Hindi na siya makahinga,".Pero tila walang naririnig si Vince dahil hindi pa rin nito binibitiwan si Hazel, para makatulong lumapit na rin si Candice,iniwan niya sandali si Terrence. " Vince, ano ba?!,itigil mo na 'yan!," naki-awat na rin si Candice. Kahit na may paparating na mga estudyante hindi pa rin mapigil si Vince,ang mga estudyateng napadaan ay sina Harold,Jaycee, at Celine pala, madaling nakilala ni Celine si Candice kaya pinuntahan nila ang mga nagkakagulo.Nang makita ni Harold si Candice at si Vince na sinasakal si Hazel hindi ito nagdalawang-isip na maki-gulo. " Ako ng bahala dito," kaagad na pinaalis ni Harold si Candice, " Tulungan mo siya," hindi na kumontra pa si Candice at lumayo siya habang si Harold ang pumalit sa pwesto niya. "Candice?, anong ginagawa mo rito?,' nag-aalalang tanong nina Jaycee at Celine ng malapitan na si Candice. " Basta, mamaya ko na lang ikukwento, si Terrence kailangan natin siyang tulungan," kaagad na lumapit si Candice kay Terrence na bagsak pa rin sa sahig. " Ano ba?!, sabing bitiwan mo siya?," malakas na suntok lang ang nagawang nagpapigil kay Vince sa pagsakal kay Hazel. Nang mabitiwan ni Vince si Hazel, habol ang hininga nito na kamuntikan na sa binata, " Hazel," labis na pag-aalala ni Monica sa kaibigan. " Loko ka!," susugurin sana ni Vince si Harold pero pinigilan na siya ulit ng mga kaibigan, " Tama na, Vince mas mapapahamak pa ka sa gagawin mo," pigil ni Tristan, " Oo nga,bro, isa may maestrang parating," madaling nakita ni Llyod ang gurong palapit sa kinaroroonan nila. Ang tinutukoy ni Llyod na gurong parating ay si Mrs.Abadilla.Hindi nagkamali ng sinabi si Llyod dahil ng mapansin ng guro ang tapok nila at may, malayo-layo pa lang ito ay napasigaw na ito upang sawayin ang nangyayari kahit na wala pa itong alam sa tunay na kaganapan, " Hoy!!!, anong nangyayari diyan?,". "Bro,tayo na?," halos kaladkarin nina Tristan at Llyod si Vince para lang hindi maabutan ng guro.Pagdating ni Mrs.Abadilla, ay nakaalis na ang grupo ni Vince at si Terrence naman ay nakatayo habang inaalalayan nina Candice at Jaycee. " Anong nangyayari dito?," tanong ni Mrs.Abadilla. Walang makasagot sa mga naiwan kung paano ipapaliwanag ang mga nangyari, hindi rin nila kayang sabihin wala lang ang lahat gayong halatang may nangyari dahil sa bugbog si Terrence at si Hazel naman ay hindi pa tuluyang nakakabawi sa ginawa sa kanya ni Vince. " Ano po kasi—," magsasalita na sana si Candice ng singitan siya ni Terrence. "......napagtripingan po kasi ako Mrs.Abadilla tinulungan lang po nila ako," paliwanag ni Terrence. " Sigurado ako grupo na naman ni Vince ito," batid na ni Mrs.Abadilla. " Opo, sila nga po," kumpirma ni Harold. " E, anong namang nangyari kay Hazel?," pansin naman ng guro sa dalawa. " Napagtripingan din po, pero okay lang naman ako, dumating kasi sila," sagot ni Hazel pero masama ang tingin nito kay Candice. " Kung ganun sasamahan ko na kayo para makapagreklamo sa grupo ni Vince at ikaw naman Terrence dumeretso ka na muna sa clinic," utos at hindi mungkahi iyon galing sa guro.Batid ni Mrs. Abadilla ang pangbu-bully ng grupo ni Vincr, ilang reklamo na rin ang inaabot nito sa opisina ng University pero talagang may kapangyarihan ang pamilya ni Vince kaya palaging nakakalusot ito sa bawat reklamo pero kahit ganun pa man hinihikayat ni Mrs. Abadilla na magreklamo ang ang estudyante. " Hindi na po ako magrereklamo Mrs.Abadilla, hindi naman ako nasaktan ni Vince,kaya ayus lang kilala ko na naman ang grupo niya," tanggi ni Hazel.Batid ni Hazel na walang mangyayari sa ano mang sumbong laban kay Vince. " Ako rin po, Mrs.Abadilla, mas lalaki pa po kasi ang gulo, kaya ko na pong gamutin 'tong bugbog ko," ganun din ni isinagot ni Terrence. Alam ni Mrs.Abadilla na malabo ngang makaroon ng aksyon ang magiging reklamo ng mga estyudyante laban kay Vince kaya hindi na niya pipilitin ang mga ito pero, " Sige, pero ikaw Terrence kailangan mong sumama sa'kin sa clinic,". " Ayus lang naman po ako, kaya ko na ho ang sarili ko," mariin tanggi ni Terrence. " Okay huwag sa clinic, ako na lang ang gagamot niyan, at huli na 'to, mamili ka Terrence, sa clinic, ospital o ako na lang?,".Kung si Terrence lang ang papipiliin wala siyang gusto pero sa pagkakataon ito ang pinakamagandang piliin ay ang sumama kay Mrs.Abadilla," Sige po kayo na lang po,". " Kung walang magrereklamo sa inyo mabuti pang mag-siuwi na lang kayo kung wala na kayong mga klase. At kung maaari iwasan niyo ang grupo na lang ni Vince.," payong at utos ni Mrs.Abadilla. " Okay po Mrs.Abadilla," sagot ni Candice. Matapos ang kaguluhan,mas inaalala ni Candice aysi Harold na baka magsumbong ito kaya muli , sa ikalawang pagkakataon ay nakiusap siya rito.Pumayag naman si Harold na walang sasabihin na kahit na ano tungkol sa nangyari sa kondisyong babantayan niya si Candice.Alam naman ni Candice na para lang naman sa kanya ang gagawin ni Harold, ayaw lang niyang makaabala sa binata pero talagang mapilit ito kaya pumayag na rin ito. III. Hindi kayang palampasin ni Vince ang ginawang pagsapak sa kanya ni Harold sa kanya, nagngingitngit pa sa galit ang lalake habang hinimas-himas ang pisnging nasapak, " Kailangan magbayad ang sa'kin 'yang Harold na 'yan, sisingilin ko siya ng malaki,". Sa isang eskena kung saan palaging dumadaan si Harold inabangan siya ng grupo ni Vince.Ang walang kaalam-alam na si Harold na may hahampas sa kanyang mula sa likuran,hindi nagawa pang makapanlaban ng binata ng mawalan na siya ng malay. Masakit ang batok ni Harold na magising sa tubig na isinaboy sa kanya, gulat ng makitang nakatali na ang mga kamay niya patalikod. " Gising!!!!," ang mukha ni Vince ang una niyang nakilala. " Ikaw," hindi na nagulat si Harold ng makita si Vince pero hindi niya napaghandaan na mabilis na gaganti ito sa kanya. Dalawang magkasunod na suntok ang inabot ni Harold, " GAGO KA!!!!," sigaw ni Vince habang sinusuntok si Harold. " Ikaw ang GAGO!!!!," kahit na dehado sa sitwasyon hindi nagpasindak si Harold. Suntok,tadyak, sampal at paghila sa buhok ang inabot ni Harold sa galit at inis na si Vince, " O, ano?, matapang ka pa rin ba?,". Bugbog na ang mukha ni Harold hindi pa rin nagbabago ang tingin ng mata nito, matalim pa rin kung makatingin, " E,ikaw matapang ka lang naman dahil may mga kasama ka, malakas ang loob mo dahil maimpluwensya ang pamilya mo, ang kaya mo lang namang saktan e 'yung walang laban sa'yo, DUWAG!!!!," pang-iinis pa ni Harold. Suntok sa sikmura ang kapalit ng lahat ng sinabi ni Harold kay Vince, " Sige, pakawalan niyo siya," utos ni Vince. " Sigurado ka,Vince?," tanong ni Tristan. " Oo, gusto raw niya ng one on one,pagbigyan natin," kumpiyansang sagot ni Vince. Kinalagan ni Llyod ang ang bugbog-saradong si Harold na kahit ganun na ang kalagayan ay nagawa pa rin makatayo. " O, ano na,mauna ka," pagyayabang ni Vince. Sinubukang sumuntok ni Harold pero naiwasan lang ni Vince, " Ano na?, wala ka pala e,". Makailang ulit pang sumuntok si Harold pero nagagawang iwasan ni Vince, " Naiinip na ako, hindi ka pa tumatama, ako na lang,". Sapol sa pisngi si Harold na si Vince na ang sumugod halos matumba ito pero nagawa pa ring manatiling makatayo.Isang suntok pa mula kay Vince pero sa pagkakataon iyon ay naiwasan na ito ni Harold at nagawang mabawian si Vince, " Walang-hiya ka!!!!," galit na sumugod ulit si Vince sa nangari sa kanya. Naiwasan lang ni Harold lahat ng ginawang pasugod ni Vince sa kanya, " O, ano na?, wala ka pala," pang-aasar ni Harold kay Vince na nagmumukhang mahina sa pagitan ng laban nilang dalawa.Nagawang makaganti ng ilang suntok ni Harold kay Vince pero hindi nagtagal kay nakigulo na rin si Llyod at Tristan.Pinagtulungan ng tatlo si Harold walang nagawa ang binata kundi ang malugmok sa sahig.Duguan na si Harold ng tigilan ng tatlo, " O, ano ka ngayon ang yabang mo kasi," pagyayabang na ngayon ni Vince sa walang laban na si Harold. " Sa susunod kasi mamimili ka ng sasapakin,huwag basta-basta makikisali sa gulo," dinuraan pa ni Tristan at Llyod si Harold.Habang isang malakas na tadyak ang pinabaon pa ni Vince sa binata bago nila ito iwan. GERONA J.R.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD