Chapter SevenHagdan

1346 Words
Chapter Seven Hagdan I. PAAKYAT NG HAGDAN si Candice ng makasalubong nito ulit ang grupo ni Aria,yumuko at umiwas ng daan ito upang hindi makasalubong ang mga ito. " Sandali lang," napahinto si Candice ng harangin siya ni Hazel at Monica. " Pasensya na nagmamadali ako," nakayuko pa rin si Candice. " I don't care! You won't go anywhere.....," lumapit na si Aria kay Candice. " Anong kailangan niyo?," hindi na maganda ang kutob ni Candice sa nangyayari. " Ikaw mismo, malandi ka!," biglaang hinila ni Aria ang buhok ni Candice samantalang sina Hazel at Monica at hinawakan siya sa magkabilaan braso. " Ano bang kasing pinagsasabi mo?," tanong ni Candice sa mga ito na walang kaalam-alam kung anong atraso niya sa mga ito. " Maang-maangan effect ka pa,e kitang-kita ko kung papaano pilitang lumapit si Vince sa'yo sa labas ng isang bar," sagot ni Hazel rito. Naaalala ni Candice ang sinasabi nitong pangyayari pero mali ang iniisip nila sa pangyayaring iyon, " Nagkakamali kayo ng inisip kasi napadaan lang naman ako dun, isa wala akong kinalaman kay Vince," sinubukang magpaliwanag ni Candice sa mga ito. " Liar!, as if naman bigla lang magugustuhan ni Vince ang tulad mo,si Aria lang ang bagay kay Vince noh," sabat naman ni Monica. Hinawakan ng mahigpit ni Aria ang mukha ng walang laban na si Candice, " Makinig kang malandi ka!, lumayo-layo ka kay Vince kung ayaw mong gawin kong masalimuot ang buhay mo rito," pagbabantay nito. " Anong balak mong gawin rito?," tanong ni Hazel. " Bitiwan niyo siya," utos nito. " Sure ka Aria?," tanong ulit ni Monica sa utos nito. " Oo,bitiwan niyo siya,".Kaagad na binitiwan ng dalawa ni Candice. Nilapitan ni Aria si Candice, " Wala akong alam sa mga pinagsasabi niyo," depensa ni Candice ng nasa harapan na niya malapit si Aria. " Alam ko, pero wala akong pakialam basta may kinalaman ka kay Vince 'yun na 'yun," sagot ni Aria sabay tulak kay Candice.Nagulat si Candice sa ginawa ni Aria. " Ayus ka lang ba?," tanong ni Harold na nakasalo kay Candice bago pa man ito bumagsak, mabuti na lang at napadaan doon ang binata. " Oo, salamat sa'yo hindi ko alam kung anong aabutin kung hindi mo ako nasalo," laking pasasalamat ni Candice. Asar na asar ang pagmumukha ni Aria sa nangyari, " So, may swerte ka palang tinatago, pero tandaan mo sasusunod hindi lang 'yan ang aabutin mo, stay away from my man or else hindi ka na suswertehin," babala pa ni Aria bago sila umalis ng mga kasamahan niya. " Ang sasama talaga ng mga ugali ng mga 'yun," inis na sambit ni Harold. " Hindi ko alam na ganun pala sila kalala, siguro dapat mas mag-ingat ako sa kanila," laking pasasalamat ni Candice na walang malalang nangyari sa kanya pero ang mas inaalala niya ngayon ay, " Harold, pwede bang huwag mo na 'tong banggitin kina lola Sita at tita Maggie kasi malalaman ito ni mama at ayaw ko silang mag-alala," pakiusap nito. " Sige, pero kapag may ginawa silang masama sa'yo kailangan sabihin mo sa'kin,okay,' kondisyon ni Harold upang hindi na banggitin pa ang nangyari sa kanya. " Sige, pangako," walang problema kay Candice. Kung inilihim iyon ni Candice sa lola,tita,at ina nito naging open siya sa mga kaibigan sina Jaycee at Celine na mas nakakaalam sa ginagawa ng mga bully'ng tulad ng grupo ni Aria. II. Inis na inis si Aria habang paulit-ulit na nagda-dial sa phone niya pero hindi sumasagot sina Hazel at Monica sa mga text o tawag man lang nito.Madilim na sa ibang bahagi ng corridor ng school dahil nag-aagaw dilim na sa labas,kakaunti na lang ang mga estudyante na kasagaran ay naghahabol ng deadline sa kanilang mga project, kakaunti na rin ang mga guro.Ang usapan nina Aria ay magkikita sila matapos makapag-pass ng dalawa ng kanilang project pero hanggang ngayon ay walang balita sa dalawa. Pababa na ng hagdan si Aria ng may mapansin siyang anino, " Pwede ba kung sino ka man huwag mo na ako subukang takutin mas matakot ka sa'kin," babala ni Aria kung sino man ang tao sa paligid.Walang nagpakitang kung sino kaya walang pakialam na dumeretso si Aria sa pagbaba ng hagdan, " AAAHHH!!!!......," mahulog siya sa may hagdan nagpagulong-gulong hanggang huminto sa baba,duguan at nawalan ng malay o patay na ito. " AAAHHHH!!!!!.....," gulat at nanlulumong sigaw ni Mrs.Abadilla ng makita ang duguan si Aria, madaling lumapit ang grupo ng mga estudyanteng ilang dipa lang ang layo sa kanya.Dahil duguan na ang dalaga mas minabuti na lang ni Mrs.Abadilla na dalhin sa ospital ito kaysa maghintay o tumawag pa ng ambulansya, " May pulso pa siya, tulungan niyo kong buhatin siya, just follow may instructions,". III. Dahil grupo ng estudyante ang nakakita at mismong nagdala kay Aria sa ospital madaling kumalat ang balita, parang apoy na madaling naging mainit na usapan sa buong campus. " Kamusta?," napaatras na naman si Candice tulad ng dati ng makita ang estudyanteng palaging nakikita niya sa may hagdan. " Hay, nakakagulat ka talaga ano?.Ikaw, kamusta ka na pala?,".Matagal-tagal na hindi nakikita ni Candice ang estudyante. " Okay naman,ikaw?, nalaman ko ang nangyari sa'yo na-bully ka ng grupo ni Aria," nabigla si Candice dahil alam nito ang nangyari sa kanya,sina Harold, Jaycee, at Celine lang naman ang pinagsabihan niya, " Paano mo nalaman?," tanong ng dalaga. " Nakita ko kasi, pasensya na hah, hindi kita natulungan," sagot nito. " Ah ganun ba, hindi ayus lang 'yun baka madamay ka pa," ani Candice. " Mag-iingat ka palagi, sige bye,mauna na ako," madaling umalis ang estudyante na hindi na hinintay pang makapagsalita si Candice.Hindi alam ni Candice kung siya lang ba o talagang may kakaiba sa pagkakasabi sa kanya ng estudyante na mag-ingat siya. " Hoy!, Candice naka-stop ka na naman dito?," sabay na paakyat ng hagdan sina Jaycee at Celine na siyang bumati sa kanya. " Hindi naman nagkakataon lang," sagot naman ni Candice at ngayon ay magkakasama na sila. " Alam mo hindi magandang tumitigil ka rito, hindi magandang lugar na tambayan dito.a.Ang freak talaga ng pakiramdam ko dito," babala ni Celine na animo'y nilalamig ng matigil sa may hagdan na iyon. " Hay, ayan ka na naman," saway ni Jaycee.Umalis na ang tatlo sa lugar, " Anong ibig mong sabihin kanina Celine?," curious na tanong ni Candice sa pahayag nito kanina. " Hindi mo pa ba nababalitaan?, naghulog sa hagdan si Aria, at sa maniwala ka at hindi comatose siya ngayon," hindi makapaniwalang balita ni Celine. " Sigurado ka ba diyan?, totoo ba 'yun Jaycee?," mahirap paniwalaan ang mga sinabi ni Celine kaya nagtanong pa si Candice kay Jaycee para kumpirmahin. " Oo, biruin mo ikaw 'tong gusto niyang ihulog sa hagdan pero siya 'tong nahulog sa hagdan," kumpirma ni Jaycee. Hindi makapaniwala si Candice sa narinig, " Alam kong mahirap paniwalaan pero 'yun na nga ang sinasabi ko sa'yo, alam mo ba kung saan siya nahulog sa mismong hagdan na 'yun kanina, nakita siyang ng mga estudyante duguan," dagdag pa ni Celine. " Bakit marami na bang nahulog sa hagdan na 'yun?," biglang tanong ni Candice dahil sa gustong palabasin ni Celine na may kung ano sa hagdan na 'yun. " Hindi naman, bukod kay Aria, isang estudyante na rin ang nahulog at namatay sa hagdan na 'yun?," kwento na ni Celine sa nangyari. " Pero hindi naman ganun kataas 'yung hagdan siguro para makapatay, di ba?," konsidera ni Candice. " E, namatay 'yung estudyante na nahulog sa hagdan, malakas siguro 'yung pagkakabagok sa semento kaya ayun na-tege," sinubukang ipaliwanag ni Celine ang pangyayari, " At isa pa malapit na 'yung anniversary ng pagkamatay niya kaya siguro nagpaparamdam siya," dugtong pa nito. " Hay, huwag kang magpapaniwala diyan kay Celine haka-haka lang niya 'yun," kontra naman ni Jaycee sa kaibigan. " Hindi ka ba naniniwala Jaycee?, bakit dun nahulog ni Aria, di ba tinangka niyang ihulog si Candice dun,?," pagpupumilit pa rin ni Celine sa ideya niya. " Celine, ang babaw naman 'ata na magmulto ka dahil lang nahulog ka sa hindi kataasang hagdan nun," katwiran ni Jaycee. GERONA J.R.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD