Chapter SixSi Vince at Aria

1322 Words
I. PAGPASOK NI Candice sa ladies room hindi niya inaasahan na makikita din roon ang grupo ni Aria, hindi alam ni Candice kung anong nangyayari pero ang napansin niya bago pa man siya makapasok sa isa sa mga cubicle,umiiyak si Aria,napayuko si Candice para hindi siya mapansin ng grupo. "Hindi 'to pwedeng mangyari sa'kin.Paano na ako?, sigurado ako itatakwil nila ako.Hindi pwedeng mangyari 'to sa'kin....ano na lang ang magiging tingin sa'kin ng mga tao?,"patuloy sa paghagulgol si Aria. Nakayukong pumasok si Candice sa isang cubicle, dinig na dinig pa rin niya ang pag-uusap ang grupo ni Aria. "Girl, sabihin mo na lang kasi sa kanya, total siya naman ang ama niyan, ano'to iiwan ka na lang niya sa ere...thank-good bye??..... ," inis ang boses ng isang babae, si Monica. "Oo nga, girl.Dapat sabihin mo na 'yan sa kanya para magtino na 'yang lalakeng iyan," matapang namang suhestiyon ni Hazel. Hindi man tukuyin ng mga kababaihan ang isaktong problema pero malinaw na malinaw ang isyu ni Aria.Ang malditang si Aria, ay para bang ibang tao ngayong may pinagdadaanan ito. "Mga sira ba kayo?!.Kapag sinabi ko sa kanya 'to baka hiwalayan niya ako.Hindi ko makakayang hiwalayan niya ako lalo na't ganito ako," disperadong kontra ni Aria sa payo ng mga kaibigan nito sa kanya. "Kung hindi mo pala sasabihin 'yan sa kanya, e, o anong balak mo?.Itago hanggang lumubo ka o baka naman gusto mong ipalaglag ?," inis na inis na sagot ni Hazel kay Aria. Ilang sandali din natahimik si Aria sa pag-iyak,wari'y ba ay pinag-iisipan ang sinabi ni Hazel, hindi naman maganda ang dating ng katahimikang iyon ni Aria sa mga kaibigan nito, "Tama, ipalalag ko na lang ito kaysa naman hiwalayan niya ako at magalit ang pamilya ko sa'kin," hindi makapaniwala ang mga kaibigan ni Aria sa sinabi nito.Maging si Candice na nasa loob ng cubicle na naririnig ang lahat ng pina-uusapan nila ay nagulat din at hindi sinasadyang makagawa ng ingay sa loob ng cubicle. "Baliw ka na!.Sige kung kaya ng konsensya mo, bahala ka!," nagngingitngit na giit ni Hazel.Sa sinabing iyon ni Hazel tila nagising si Aria sa saglit nitong kabaliwan. Dahil sensitbo ang mga narinig ni Candice sa pag-uusap na iyon dali-dali siyang lumabas ng cubicle pero paglabas niya ay hindi sinasadyang pagsalubong si Aria sa kanya kaya nabangga na naman niya ito sa ikalawang pagkakataon, " Sorry....sorry.....," dali-daling nag-sorry si Candice habang nakayuko pa rin ito. II. Sa rooftop kanina pang naghihintay si Aria, naiinip na ang dalaga sa kausap nito kaya tinawagan na niya ito sa cellphone, " Hello!, nasaan ka na ba?!, kanina pa akong naghihintay sa—," hindi pa nakakatapos magsalita si Aria ng binabaan na siya ng kausap nito sa cellphone. "Ano bang drama ito?," bahagyang nagulat si Aria ng makita ang kausap nito sa cellphone ay nasa likuran na niya. "Drama?,hindi ito drama pwede ba simula ngayon umayos ka na," mainip na ulong salubong ni Aria sa kausap nito. "Umayos?.Ikaw ang umayos kundi hihiwalayan kita!," tila walang pakialam ang lalake sa galit ni Aria ng sagutin niya ito. "Ano Vince?,hihiwalayan mo'ko?.Sige, tingnan natin kung mahihiwayan mo'ko ngayon......buntis ako!!!...." galit na galit na sagot ni Aria kay Vince na walang pakialam sa kanya. Wari'y nabinggi si Vince sa sinabing iyon ni Aria, " Anong sinabi mo?," tanong nito muli.Hindi makapaniwala si Vince sa sinabi ng babae. "Nabinggi ka?!.BUNTIS AKO," diniinan ni Aria ang inulit nito. Kumulimlim ang mukha ni Vince, hindi na matantsa ni Aria kung ano bang nasa isipan ng lalake sa mga oras na iyon.Lumapit pa si Vince sa babae nasindak si Aria at bahagyang napaatras mas lalo siyang natakot sa lalake ng hawakan siya ng mahigpit sa braso,"Huwag na huwag mo'kong tatakutin, babae ka.Walang kahit na sino na pwedeng magdikta sa'kin!," malinaw na pagbabanta mula kay Vince. Hindi makapaniwala si Aria sa galit na pinakikita ng binata sa kanya ngayon.Ngayon lang niya nakitang ganun si Vince sa kanya.Kahit na medyo nanginginig pa si Aria pilit pa rin itong nagtapang-tapangan, pilit rin itong kumawala sa pagkakahawak ni Vince sa kanya, "Bitiwan mo ako Vince!,buntis ako, naiintindihan mo!, buntis ako!!! At ikaw ang ama, wala ng iba,tapos na ang masasayang araw mo," paulit-ulit na ni Aria para ipamukha kay Vince ang kalagayan niya. Hindi nagustuhan ni Vince ang mga sinabi ni Aria sa kanya kaya mas lalong hinigpitan pa ng lalake ang pagkakahawak sa braso ng babae. " Bitiwan mo ako,Vince, nasasaktan na ako!," kumakawala na si Aria dahil ramdam na niya ang sakit sa pagkakahawak ni Vince. "Ikaw'ng babae ka!, hindi mo'ko kayang paikutin.Hindi ko anak 'yan, Hindi!, Naiintindihan mo?,Hindi!.At pagpinilit mo pa ang bagay na 'yan,masasaktan ka," halos nanlisik na ang mga mata ni Vince sa galit. Patulak na binitiwan ni Vince si Aria dahilan kaya kamuntikan na itong matumba.Matapos bantaan ni Vince si Aria wala nitong pakialam na iniwan ang dalaga.Dahil sa takot hindi na mapigilan ni Aria ang panginginig nito,halos mapaluhod na siya. III. Hindi matanggap ni Vince ang sinabi ni Aria sa kanya na buntis ito sa siya ang ama kaya pinili nitong maglasing kasama ang mga kabarkadang sina Tristan at Llyod. Hawak-hawak ang bote ng alak lasing na winawasiwas ni Vince ito, " H-hindi.....hindi pu-pwedeng ako....ako?....ang ama ng lintik na batang 'yun...ano bang malay ko, di ba.....di ba....," lasing na lasing na ang lalake. Tinapik sa balikat ni Tristan si Vince na kahit papaano ay nakainom na rin, " E,paano kung ikaw, bro?,di girlfriend mo si Aria," tanong nito. " Walang akong pakialam!....hindi akin 'yun, mas mabuti pang malaglag siya sa hagdan para malaglag 'yun laman ng tiyan niya....'yun magandang mangyari......," wala na sa katinuan si Vince dahil tuluyan ng sinapian ito ng ispirtu ng alak. " Bro, huwag ka namang magsalita ng ganyan," saway naman ni Llyod sa masamang sinabi ni Vince. Lumagok pa sa bote si Vince at nagpunas na tumulong alak sa pisngi nito, " Wala akong pakialam!!!...,". Napailing na lang sina Tristan at Llyod sa mga pinagsasabi ni Vince. IV. Sa labas ng bar na pinag-inuman nina Vince hindi sinasadyang napadaan sina Candice kasama sina Jaycee at Celine na may dinaanan at mas lalong hindi inaasahang ang pagkikita nila ni Vince na noon ay palabas na ng bar. " Ca-candice??....ikaw nga.......," kahit na lasing si Vince ay nakilala pa rin nito si Candice.Kahit na inaakay na si Vince ang mga kaibigan nagpumilit pa rin itong lumapit kay Candice.Nagulat sina Candice, Jaycee at Celine ng lapitan ni Vince ng sapilitan si Candice. " Sa-sandali lang," awtomatikong napalayo si Candice sa lasing na lalake. " Bro,tama na lasing ka na," pinigilan naman kaagad nina Tristan at Llyod ang lasing nilang kabarkada. " Huwag niyo kong pigilan...anong akala ng Aria na 'yun... pwedeng-pwede ko siyang palitan....," ayaw magpapigil ni Vince na sapilitang lumapit kay Candice,hinarangan naman siya nina Jaycee at Celine. " Pwede ba iuwi niyo na 'yang lasing niyong kaibigan, harassment na ang ginagawa niya," utos ni Jaycee sa dalawa. Hinila palayo nina Trista at Llyod si Vince, " Ano ba Vince mapapahamak tayo sa ginagawa mo e," pamimilit ni Tristan. " Oo nga, umuwi ka tayo,lasing na lasing ka na," dagdag pa ni Llyod. Nagawa nina Trista at Llyod na hilahin palayo si Vince at ipasok sa kotse para iuwi na ito habang naiwang gulat sina Candice,Jaycee,ay Celine sa nangyaring eksena. " Grabeh,talaga ang mga 'yun,ano?," inis na komento ni Jaycee habang pinanonood palayo ang tatlo. " Sinabi mo pa," dagdag naman ni Celine. " Pero Candice hindi magandang pangitain 'yung nangyari, baka sunod ka na sa trip ni Vince," hindi maganda ang pagkakaintindi ni Jaycee sa nangyari. " Bakit mo naman nasabi?," tanong ni Candice. " E, kasi kahit na lasing siya nakilala ka niya,at gusto ka pa niyang lapitan," paliwanag ni Jaycee sa masamang kutob nito. " Kaya ngayon mas mabuting todo ingat at iwas ka sa kanya," dagdag muli ni Celine. Hindi malayong totoo ang mga kutob ni Jaycee dahil ilang ulit na rin siyang hinaharangan nito. GERONA J.R.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD