Chapter FiveSi Terrence

1205 Words
I. DADAAN SANA SA lost and found si Candice para i-surrender ang notebook ng maalala nito na naiwanan pala niya sa side table.Dahil hindi niya dala ang notebook na isu-surrender sana dumeretso na lang ang dalaga. Nakakabingi ang katahimikan ng corridor na nilalakaran ni Candice walang ibang tao kundi siya malayo-layo si Candice sa classroom kung saan lumabas ang grupo ni Vince kaya napaatras siya at hinintay na makalayo ang mga ito. " Ano kayang ginagawa ng mga 'yun?," nag-usisa si Candice ng tuluyang makaalis ang grupo.Pagpasok si Candice sa classroom, noong una ay wala siyang nakita pero ng may makarinig siya ng mahinang unggol napaatras ito ng bahagya. " Sinong nandiyan?," sinubukan ni Candice na magtawag kung may tao ba sa silid at ng buksan nito ang ilaw para makita ng malinaw ang buong silid laking gulat ni Candice ng tumambad si Terrence na nakahandusay sa sahig at duguan ang mukha. " Anong nangyari sa'yo?," dali-daling lumapit si Candice sa nakahandusay na si Terrence para tulungan. " A-ayus lang ako,u-umalis ka na," kahit na bugbog na si Terrence ay tinanggihan nito ang tulong ni Candice. " Hindi kita pwedeng iwan, kailangan mong madala sa clinic," hindi nakinig si Candice at sinubukang itayo si Terrence. " Ayus lang ako,wala 'to," patuloy pa rin sa pag-tanggi si Terrence na pinilit na makatayo at lumayo kay Candice. " Hindi ka okay,duguan ka nga,kailangan mong madala sa clinic," pamimilit ni Candice sa lalake. " Salamat, pero talagang okay lang ako," walang nagawa si Candice habang pinanonood lang niya na umalis si Terrence na iika-ika dahil sa mga bugbog nitong tinamo,labis na awa ang nararamdaman niya para sa binata. Naiwang nakatayo sa silid si Candice ng nakaramdam na naman siya ng panglalamig, biglang humina ang ilaw at nagpatay-sindi ito nakaramdam ng takot ang dalaga sa silid kaya madali itong tumungo sa may pinto ng tuluyang namatay ang ilaw sa sobrang takot ay nakapikit na tumakbo siya, dahil nakapikit hindi na niya nakita si Harold na nakabangga niya. " Candice?.....," nakilala kaaagad nito ang boses. " Harold.....," nakahinga ng maluwag si Candice matapos ang nakakakilabot na nangyari sa kanya. " Anong ginagawa mo sa classroom na 'yun?, may klase ka ba dun?," sunod-sunod na tanong ni Harold na nakita mismo kung saan lumabas si Candice. " Wala akong klase dun, ano lang.......," nag-iisip ng magandang dahilan si Candice, "......nag-ayus ako ng damit dun," dugtong nito ng makaisip ng idadahilan. " A,ganun ba, wala ka pa bang klase ngayon?, ihahatid na kita," offer ni Harold na hindi na inusisa pa si Candice. " Meron,pero ayus lang ako may usapan kami nina Jaycee at Celine,sige mauna na ako," nagmadaling umalis ito. II. Mabilis ang lakad ni Candice na para bang may humahabol sa kanya, dahil sa nangyaring kakatakutan sa kanya nangangatog pa rin sa takot ito na pinipilit naman niyang alisin at pakalmahin ang sarili ngunit may dapat pa pala siyang katakutan ng makasalubong niya ang grupo ni Vince, paatras na sana siya ng batiin siya mismo ni Vince. " Hi!, Miss,".Hindi kaagad kumibo si Candice. Lumapit pa sa kanya si Vince, " Do you remember me?, 'yung sumalo sa'yo sa may hagdan," paalala ni Vince dahil walang reaksyon sa kanya si Candice. Sa tanong na 'yun ni Vince nakakuha ng palusot si Candice, " Sorry, hindi kita maalala, mauna na ako,". Kunwari ay nakalimutan ni Candice ang binata at dederetso sana ng hawakan ni Vince ang braso niya. " Paano ba 'yan, bro, nakalimutan ka?, ikaw.....," pangbubuyo ni Tristan sa barkada nito. " Okay,miss if you don't remember,ipapaalala ko sa'yo.Ako 'yung sumalo sa'yo ng kamuntikan ka ng mapasubsob sa hagdan," paalala ni Vince na nakahawak pa rin sa braso ng dalaga. " Ah, oo,tama I remember you, thanks ulit, pero mauna na ako may klase pa ako e," sinubukan ulit ni Candice na makaalis pero hindi pa rin siya binibitiwan ni Vince. " Okay sa'kin ang thank you but I want to know your name, hindi naman masamang malaman ang name mo, di ba?," may bakas ng pamimilit sa tono ni Vince. Sa puntong iyon unti-unting naiintindihan ni Candice kung bakit kailangan iwasan ang grupo ni Vince,sadyang mapilit ito,talagang bully.Alam ni Candice na kung hindi niya sasagutin si Vince hindi siya bibitiwan nito kaya walang siyang pwedeng gawin kundi sagutin ito pero maswerte pa rin siya ng may grupo ng professor na parating.Binitiwan ni Vince si Candce, " Sorry, mauna na ako," madaling nagpaaalam ang dalaga para lang makalayo. " Ano ba 'yan??....mukhang panis ang charm mo dun,pre.....," pangangatiyaw ni Llyod ng hindi makuha ang pangalan ni Candice. " She's different pero ano mang ang mangyari babagsak pa rin siya sa'kin," kumpiyansang pahayag ni Vince habang pinagmamasdang mabuti si Candice palayo sa kanya. " Whoaa.....ano ba 'to challenge?.Nahihirapan 'ata si King Vince," dagdag ni Tristan. III. Hindi maalis sa isipan ni Candice ang hitsura ni Terrence ng makita niya ito sa bakanteng classroom,duguan at nanghihina ngunit sa kabila ng lahat hindi ito humingi ng tulong sa kanya sa halip ay tumanggi pa ito sa tulong na inalok dito.Sa unang beses na pagkikita nila sa sementeryo pakiramdam nito mukhang mabait naman ito kaya napa-isip siya kung bakit nabu-bully ito. May nakaharap na libro kay Candice sa library pero halata sa kanyang isip ay wala rito ang isipan niya, " Hoy!!...loading lang ang peg?," pansin ni Celine na kinailangan pang pumitik sa hangin sa harap ng para mukha ni Candice makuha lang ang pansin ni Candice. " Hah?, ano 'yun?," halatang lutang nga si Candice. " Lutang ka.Ano bang iniisip mo?," dugtong na tanong ni Jaycee. " Alam niyo ba kung bakit palaging nabu-bully si Terrence?," biglaang tanong ni Candice.Tila na-on-the-spot ang dalawa sa tanong na 'yun ni Candice.Hindi nila inaasahang si Terrence pala ang laman ng isipan nito. " At bakit mo naman natanong 'yun?," tanong na sagot ni Jaycee. " Kasi....nakita ko kasi si Terrence bunugbog ng grupo ni Vince, bakit parang ang laki ng galit nila sa kanya?," curious na tanong ni Candice. " Ang totoo hindi rin namin alam, basta siya lang ang hilig nilang pagtripan dahil siguro kahit anong gawin sa kanya o ipagawa wala siyang angal o hindi man lang tumanggi, at kahit kailan hindi siya lumaban sa mga ito, tinatanggap lang nila lahat," mahabang sagot ni Jaycee sa curious na si Candice. " Sa tingin ko talagang duwag lang siya at takot," komento naman ni Celine. " Nakakaawa naman siya," hindi mapigilan ni Candice na maawa sa binata. " Alam mo Candice hanggang awa ka na lang, wala kang pwedeng gawin kung ayaw mong madamay sa kanila," babala muli ni Jaycee sa bagong kaibigan. " Mabuti pa para mawala 'yang awang nararamdaman mo i-surrender mo na lang ang notebook nito sa lost and found, para wala ka ng attachment sa kanya," may puntong ideya ni Celine. " Tama, so dumaan na tayo sa office ng lost and found," game na aya ni Jaycee. " Hindi pwede kasi maiwan ko 'yung notebook sa bahay,e dapat nga sana dadaan ako dun," hindi magandang balita ni Candice. " Okay, may bukas pa naman," walang problemang sagot ni Jaycee, " At huwag mo ng kakalimutan," dugtong naman ni Celine.Tango at ngiti ang sinagot ni Candice sa mga ito. GERONA J.R.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD