Diary

1447 Words
I. MAY USAPAN SINA Candice, Celine at Jaycee kaya nagmamadali ang dalaga ng hindi na nito nagawa pang mapansin ang kasalubong na tulad din niya ay hindi siya nakita na naging dahilan ng kanilang banggaan. "Naku...sorry...sorry pasensya na,"dahil aminado naman si Candice na kasalanan niya ang nangyari kaagad nitong tinulungan ang nakabangga na nauna ng namulot ng mga gamit sa sahig. Nang ibigay ni Candice ang mga napulot na libro sa nakabangga nito,"I-ikaw??......" laking gulat ni Candice ng makita kung sino ito.Ang lalakeng nakabangga niya rin sa sementeryo,"....ikaw 'yung lalake sa sementeryo,". "Sa-salamat mauna na ako," nagmamadaling kinuha ng lalake ang gamit niya kay Candice at nagmadaling umalis, " Anong nangyari dun?.Hindi ba niya ako natatandaan?," medyo hindi inaasahan ni Candice na hindi siya matatandaan ng lalake pero hindi niya maintindihan kung bakit parang ilang ito sa kanya. "Hayain mo na siya," napalingon si Candice.Sina Celine at Jaycee na nasa likuran. "Kayo pala.......," sina Jaycee at Celine, "...sandali lang papunta pa lang kayo??....ano ba 'yan nagmamadali pa naman ako, tuloy nabangga ko siya," dismayadong dugtong ni Candice ng makita ang dalawa na kasunod lang pala niya. " Hindi mo nama sinsadya di ba,kaya okay lang 'yun," katwiran ni Jaycee Bago pa man makaalis sa kinatatayuan nito si Candice ay may notebook itong napansin sa isang sulok,dali-dali niya itong kinuha,"Sa kanya kaya 'to?," hindi sigurado si Candice dahil hindi niya ito napansin ng mabangga ang lalake. "Candice kung hindi ka sigurado huwag mo na lang isaulo sa kanya 'yan," payo ni Celine.Hindi maintindihan ni Candice ang dalawa sa pinakikita nitong reaksyon. " Bakit naman?.E paano kung sa kanya 'to?," tanong nito. Napatingin si Celine kay Jaycee may kung anong meron sa tinginan ng dalawa, " So bakit nga?," tanong muli ni Candice ng makita ang tinginan ng dalawa. " Alam mo Candice medyo kumplikado kung dito namin sa iyo ipapaliwanag kaya mabuti dumeretso na tayo at dun na lang namin sa'yo ipapaliwanag ang lahat. Sa kwento ni Jaycee nalaman ni Candice ang tungkol sa lalakeng nakabangga niya ng dalawang beses.Ang lalakeng iyon ay si Terrence, loner dahil palaging nabu-bully ng grupo ni Vince at kung sino man ang lumapit o makipagkaibigan sa kanya ay nadadamay lang sa pangbu-bully kaya mas pinipili nitong mag-isa upang wala siyang madamay na ibang tao.Sa hindi malamang dahilan galit na galit ang grupo ni Vince kay Terrence kaya ito ang paborito nilang i-bully at ang kawawang Terrence kahit anong gawin sa kanya ay hindi siya lumalaban at tinatanggap lang lahat ng pangbu-bully. " Kaya kung ayaw mong madamay lumayo ka sa kanya," muling babala ni Jaycee. Napatingin si Candice sa notebook,sa hitsura nito sigurado siyang isang diary ito dahil sa style na design ng cover , " E, papaano 'to," sabay tukoy nito sa notebook. " Mas mabuti pa i-surrender mo na lang 'yan sa lost and found sa school,sasamahan ka namin," isang magandang suggestion mula kay Celine. Nag-isip-isip si Candice 'yun na nga marahil ang magandang gawin, " Okay,". Bago mag-lunch ang tatlo sinamahan nina Jaycee at Celine si Candice sa lost and found office ng school. " Tao po! Tao po!....," paulit-ulit na tawag ng tatlong sa loob dahil tahimik roon. " Wala 'atang tao," ani Celine. " Hay,.....kahit ako hindi tatao dito, nakatakot, masyadong magulo," pansin naman ni Jaycee sa loob ng office.Magulo nga ang opisina maraming mga papel at folder sa lamesa at sa sahig na inaalikabok na rin. " Tao po!tao po!....," tumawag muli ang tatlo pero walang talagang sumasagot.Sobrang tahimik ng opisina at tanging tawag lang nila ang maririnig, " Wala talaga," ani Celine na halatang naiinip na. " Sandali lang tumingin-tingin muna tayo,dito baka may dumating.....," pamimilit ni Candice.Pumayag naman ang dalawa.Nakakabingi ang katahimikan ng buong lugar ng hindi na sinubukan tumawag pa ng tatlo ng may ingay na sumabog sa buong kwarto. " Sorry,guys nagugutom na talaga ako e," nahihiyang paumanhin ni Celine ng nag-alburto ang gutom niyang tiyan. " Sorry, hah, mapilit ako,mabuti pa mag-lunch na tayo," kaagad na humingi ng pasensya si Candice dahil kung hindi siya nagpumilit hindi mag-aalburuto ang tiyan ni Celine sa gutom." Ayus lang,talagang maingay 'to kapag gutom," nagawa pang mag-biro ni Celine. " Okay,bumalik na lang tayo mamaya baka nag-lunch din 'yun tao rito," ani Jaycee. Isang minuto bago makaalis ang tatlo siyang naman lumabas ang in-charge sa opisina na galing palang banyo dahil nag-alburuto rin ang tiyan hindi nga lang sa gutom. " Tao po!!...,' may dumating na estudyante. " O, anong kailangan mo may hinahanap ka o may i-su-surrender?,' kaagad na tanong ng in-charge. Pakunwaring nagtakip ng ilong ang estudyante ng may maamoy na masamang hanging, " A-no po....may—," pinatigil ng in-charge magsalita ang estudyante," Sandali lang....".Pinuntahan ng in-charge ang banyo at isinara nito batid niyang galing sa loob nito ang masamang hangin, "..pasensya ka na....,ano nga 'yun?,". " May nag-surrender po ba ng notebook dito,kanina ko lang po naiwala?," tanong ng estudyante. " Wala pa namang nagpupunta rito para mag-surrender ng notebook pero kung—," natigilan ang in-charge at napahawak sa tiyan, " ...pasensya ka na kanina pa kasi ako sa sa banyo pero maghanap na na lang ba ka ka——," hindi na natapos ng in-charge ang pagsasalita at deretsong tumakbo sa banyo na nag-iwan pa ng masamang hangin. II. Alas onse na ng gabi hindi pa rin dinadalaw ng antok si Candice na nakatutok sa notebook ng hawak-hawak nito, ang notebook ni Terrence na dapat ay isu-surrender nila sa lost and found.Gusto sana niyang isauli ito mismo sa may-ari na si Terrence pero dahil sa babala nina Jaycee at Celine napa-isip rin siya,isa pa hindi rin naman siyang sigurado kung sa kanya nga rin ang notebook,walang pangalang sa labas ng cover kaya natutukso si Candice na buksan ang notebook, " Ikaw nga kaya ang may-ari nito?," bulong ng dalaga, " Hindi naman masama kung—," natukso si Candice na talagang buksan ang notebook ngunit bago pa man tuluyang matanggal ni Candice ang panara ng notebook nag-ring na ang cellphone niya, " Ma,". " He-l-l-o.....Ca-ca—," hindi malinaw ang linya ni Carla. " Ma, malabo po kayo,sa-sandali lang po....," lumabas ng kwarto si Candice para humanap ng magandang signal. " Ma, malinaw na po kayo....,".Kinailangan pang bumaba ni Candice para lang makahanap ng magandang signal sa may sala ng bahay. " Kamusta ka na,anak?," sabik ang boses ni Carla sa kabilang linya. " Okay naman po ako,e kayo ho,gabi na, dapat po nagpapahinga na kayo," sagot ng dalaga na hindi pinalampas na mag-alala sa ina. " Huwag kang mag-alala Candice nakapag-pahinga na ako,e hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok kaya tinawagan na kita,e ikaw, bakit hindi ka pa natutulog?," balik-tanong naman ni Carla sa anak. " Hindi rin po ako makatulog," sagot ni Candice.Matagal rin ang naging pag-uusap ng mag-ina sa cellphone,nagkamustahan at nagkwentuhan na para bang sa mga oras na iyon ay magkasama sila at sa sandaling iyon ay napawi ang pananabik nila sa bawat isa. Kakatapos lang mag-usap ang mag-ina,pabalik na sa kanyang kwarto si Candice ng may napansin itong kung ano malapit sa may kusina." Ano 'yun?," naglakas-loob si Candice na tingnan kung anuman ang naririg niyang ingay sa may kusina.Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa may kusina iniiwasan niyang huwag gumawa ng kahit kaunting ingay upang hindi siya mapansin. " May tao?," pansin si Candice ng palapit na siya dahil bukas ang ilaw sa may kusina.Nagdalawang-isip si Candice na dumeretso upang tingnan kung sinong nandoon, hindi siya sigurado paano kung may napasok sna masasamang loob.Bago pa man makapagdesisyon si Candice kung anong dapat niyang gawin ay nakaramdam na naman siyang na kakaibang lamig at kilabot sa paligid,mas malamig ang nanggagaling hangin sa likuran niya pakiramdam niya ay may bukas na freeezer na nakatapat sa kanya, may kung ano sa likuran niya. " Senyorita Candice?....Harold?....," biglang nawala ang lamig at kilabot na nararamdaman ni Candice ng lumabas ang katulong na si Karen. Lumingon si Candice, si Harold pala ang nasa likuran niya pero hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang nakakalilabot na pakiramdam na iyon at biglang paglamig ng hangin na bigla rin namang nawala. " Ayus lang po ba kayo,senyorita Candice,kasi namumutla po kayo?," tanong ni Karen ng mapansin ang hitsura ni Candice. " Oo, nauuhaw lang ako," sagot nito. " Mabuti pa ako na lang ang kukuha ng tubig, Karen samahan mo lang ma'am Candice sa kwarto niya,ihahatid ko na lang ang tubig dun," pagboboluntaryo ni Harold. " Hindi na,kaya ko na naman," kaagad na tumanggi si Candice upang hindi na makaabala. " Naku, ma'am pasensya na po kayo baka natakot ko po kayo," paumanhin ni Karen na akalang natakot niya ang amo. " Hindi naman,konti lang," sagot ni Candice. GERONA J.R.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD