Bullies

2192 Words
I. NAGMAMADALI SI Candice paakyat ng hagdanan hindi na nito napansin ang basang parte ng hagdan kaya na-outbalance ang dalaga na kamuntikan na niyang ikasubsob mabuti na lang ay may nakasalo sa kanya,"Ayus ka lang Miss,?,". " Oo,salamat," kaagad na tumayo sa sarili niya si Candice matapos makabawi at masalo ng lalake. " Salamat lang?," kantyaw ng isa pang estudyanteng lalake, dun napansin ni Candice ang grupo.Apat sila kasama ang sumalo sa kanya. " Sus, huwag niyo ng asarin si Miss Ganda, bago ka rito?,"saway ng lalakeng sumalo sa kanya sa mga kasamahan nito sabay tanong sa dalaga. Namukhaan ni Candice ang mga ito, ang grupong walang awang nang-bully sa isang estudyanteng lalake.Nang sumama si Candice kina Jaycee at Celine noong lunch naikwento nila ang tungkol sa grupo nito,notorious sa pang-bu-bully kaya naalarma ang dalaga, " Oo, sige mauna na ako.Salamat ulit," nagmadaling nag-paalam ito. " Hanep ah,ano 'yun seen zone o friendzone?," kantyaw ni Tristan, isa sa mga kabarkada ng lalakeng nakasalo kay Candice na animo'y nadaan ng hangin at hindi nakakibo kaagad ng iwan siya ni Candice. " Ako?! na fre-friendzone?, no way......," sagot ni Vince na bigla naman bumalik ang angas ng makantiyawan ni Tristan. " Okay sabi mo eh," dagdag pa nito. " Tayo na nga," hindi pinatulan pa ni Vince si Tristan. Walang kung anong tawag sa grupo ni Vince pero kilala sila sa eskwelahan bilang mga bully at kahit sino 'ata ay pwede nilang pagtripan basta ba't makursunadahan nila, dahil sa mayaman si Vince malakas ang kapit nito sa eskwelahan kaya lahat ay halos ilag sa kanya at sa grupo nito. II. " Anong ginagawa mo?," may kung sinong biglang sumulpot sa likuran ni Candice kaya, "AY!....," gulat nitong reaksyon,.....ikaw, pala.Huwag ka naman bigla-biglang sumusulpot," dugtong ni Candice ng makilala kung sino ito, ang estudyanteng una niyang nakausap sa unang araw niya sa University. " Pasensya na,napagtripan ka ba nila?,' hulang tanong ng estudyante. " Hindi naman mukhang kabaliktaran,nadulas kasi ako, e nasalo ako ng isa sa kanila akala ko nga pagtitripan na nila ako," sagot ni Candice. " Ah, ganu ba, pero advice lang hah,lumayo ka sa kanila baka magaya ka sa sa'kin," payo ng estudyante kay Candice na tulad din sa sinabi sa kanya ng mga bagong kaibigan sina Jaycee at Celine. " Kung ganun napagtripan ka rin nila,e anong ginawa nila sa'yo?," curious na tanong ni Candice sa nabanggit ng estudyante. " A, mauna na ako, klase ko na," nagmadaling nagpaalam ang lalake na tumingin pa sa relo nito at nagmadaling umalis. " Sandali lang.....," hahabulin sana si Candice rito pero natakbuhan na siya nito. " Candice!!...hoy Candice!!!....," paakyat ng hagdan sina Celine ay Jaycee ng mapansin siya ng mga ito. " Kayo pala," bati ni Candice sa mga ito.Nang lingunin ni Candice ulit ang estudyante madali itong nawala sa panginin niya. " Ano 'yun?.May Hinahanap ka ba?," natatakang tanong ni Jaycee sa kay Candice ng mapansing tila may hinahanap ito. " Wala naman," simpleng sagot ni Candice. III. Lunch break......mahabang pila sa canteen ang naabutan nina Candice, Jaycee, at Celine kaya bago pa man pumila ay naghanap muna sila ng mapupwestuhan. " Magandang spot dito," si Celine ang mismong pumili ng kanilang pwesto. " Kahit saan basta makakain tayo ng maayos," dagdag naman ni Jaycee. " So, ako na ang magiging waiter niyo,mahaba ang pila kaya ako na lang,anong mga order niyo?," pagboboluntaryo nito ni Celine. " Sige,mabuti 'yan.Ang or-," hindi natapos ni Jaycee ang ii-order nito ng isang eksena ang nangyayari sa isang table. Sa isang malaking table kung saan may nakapwesto nang mga babaeng estudyante ang nilapitan naman ng isang grupo ng mga babaeng estudyante ang grupong nakasalubong ni Candice...... " This is our place," sita ng isa sa mga ito.Hindi makapaniwala ang mga nauna sa table ng bigla na lang silang sitahin ng mga bagong dating. " Ano?.E,wala namang reservation na nakalagay dito, a," sagot ng isa sa nakaupo. Tumaas ang kilay ng babaeng sumita sa kanila," We don't need a reservation, bago ka lang dito no, hindi mo kami kilala," mas mataray nitong sagot. " E, sino ba kayo?, anak ng presidente?, o corrupt na mga politiko kaya ganyan ang asta niyo?," hindi nasindak ang babae at sinagot ang estudyanteng nagpapaalis sa kanila. " Huwag mo na silang patulan,sige na humanap na lang tayo ng ibang table ibigay na lang natin 'to sa kanila," pigil ng isa sa kasamahan ng babaeng naglakas ng loob na sumagot. " Bakit tayo aalis nauna tayo rito," giit ng babae sa kasamahan nito. Habang umiinit ang sagutan ng mga babae marami na rin ang nakatingin sa kanila. " Pasensya na aalis na kami,sa inyo na 'to," pagpapaubaya ng isa babaeng pumipigil sa kasamahan kahit na sila ang nauna roon. " Hindi tayo aalis dito," pagpupumilit ng babae habang pinipigilan nito ang mga kasamahang nagsitayuan na sa kanilang kinauupuan. " Bobo ka ba?," ang lahat ay nagulat ng magsalita ang babaeng nasa gitna na kanina pang walang reaksyon at hinahayaan lang ang kasamahan.Sa pagkakaalala ni Candice iyon ang babaeng nakabangga sa kanya. " Ano?.....," gulat na reaksyon ng babae pero bago pa man siya makasagot sa babae na tumawag sa kanya na 'bobo' sapol at sakto sa mukha nito ang juice na biglang binuhos sa kanya ng babae.Hindi lang nag estudyanteng babae ang nagulat sa ginawa nito maging ang mga nakakita sa canteen ang nagulat din. " Makinig ka sa mga kasama mo kung ayaw mong mapahamak," madiin ang bawat salitang binitiwan ng babae sa kanya.Kitang-kita sa mukha ng babaeng hindi ito magpapatalo. " Sige na,halika na......," sapilitan ng hinila ng mga kasamahan nila ang babaeng basa na sa juice ngayon.Sobra-sobrang kahihiyan ang naramdaman ng babae dahil sa ginawa sa kanya.Gusto niyang sambunutan ang babae pero lahat na kasamahan niya ay pinipigilan na siya upang hindi lumaki ang gulo. Matapos ng eksenang iyon tila walang nangyari na bumalik ang lahat sa normal,walang nakita o walang usapang naganap.Basa at talunang umalis ang grupo ng mga babaeng napagtripan ng kilalang bratenilang grupo ng eskwelahan. " Dali!, mga order niyo, mahirap na baka magkaroon pa ng ganap sa pila," pagmamadali ni Celine matapos ng eksenang iyon.Matapos makuha ang order nina Candice at Jaycee dali-daling pumila si Celine. " Kilala mo sila,di ba?," curious na tanong ni Candice. " Oo, kilalang-kilala ang grupo ng mga 'yan dito, e mga bully rin kaya ang mga bruhildang 'yan," pabulong na sagot ni Jaycee para siguradong kahit malayo sila ay hindi sila maririnig ng grupong tinawag niyang bruhilda. " Kaya pala," sambit ni Candice.Naalala ni Candice ang unang pagsasalubong ng landas niya sa mga ito. " Bakit?, na-bully ka na ba nila?," tanong ni Jaycee. " Hindi sa ganun, pero noong unang araw ko dito, nakasalubong ko sila at nabangga nila ako," paliwanag ni Candice. " Ganun ba.Alam mo bukod sa grupo ni Vince, mag-ingat ka sa grupo ni Aria.Bully rin sila,nakakainis nga e kung bakit pa nagkalat sila rito," inis na pahayag ni Jaycee. IV. Madalas sa kanyang kwarto si Candice bumababa lang siya tuwing kakain,papasok sa eskwelahan o kaya naman ay mismong ipapatawag ng lola Sita niya at tita Maggie nito,aminado si Candice na nahihirapan siyang maka-adjust sa bago niyang lugar at mga kasamahan lalo na't ngayon ay wala at malayo ang ina nitong si Carla na labis niyang nami-miss. TOK!TOK!TOK!.... Naka-earphone si Candice ng may kumatok sa pintuan ng kwarto niya, hindi ito kaagad narinig ng dalaga. " Candice!...hija, nandiyan ka ba?," tawag ng tita Maggie nito mula sa labas ng hindi siya pagbuksan kaagad ng pamangkin. Nang buksan ni Candice ang pinto ang tita Maggie nito ang bumungad sa kanya. "Hello!.May importante ka bang ginagawa?,"tanong nito habang pumapasok sa kwarto ng dalaga at tinitingnan ang maaring ginagawa nito. "Wala naman po, bakit ho?,"tanong ni Candice. " Wala, talaga?, so hindi ka busy?,kasi ba nakakadistorbo ako sa'yo?," tanong muli ni Maggie,tumango si Candice, "Hindi po,". "Great!...so magbihis ka na dahil may pupuntahan tayo ng lola Sita mo," isang biglaang lakad para kay Candice," Saan po ba tayo pupunta?". " Basta magbihis ka na lang kasi meron tayong bonding," excited na sagot ni Maggie sa pamangkin nito sabay umalis na rin ng kwarto nito. Sa isang mall pinasyal ni Sita ang apo dahil wala siyang ideya sa gusto o hilig ng apo panay ang tanong nito rito habang si Candice naman ay panay ang tanggi sa kanya kaya sa huli ang lola Sita ni Candice ang namili para sa apo.Sa isang department store ng mga bag,habang pinilian ang apo nakaramdam ng pagkahilo ang matanda at napaupo ito...., " Anong nangyari sa inyo?," nag-aalalang tanong ni Candice sa lola nito habang inalalayan. " Ayus lang ako,hija huwag kang mag-alala nakalimutan ko ang gamot ko," sagot naman ni Sita na nakahawak pa rin sa ulo niya. " Mabuti pa ho'tawagan natin si tita Maggie,umuwi na ho tayo," madaling tinawagan ng dalaga ang tita nito. Ilang minuto pa ay dumating na si Maggie na may dinaanan lang. " Naku,ano na po ba ang pakiramdam niyo?," ag-aalaalng tanong ni Maggie sa matanda. " Okay na ako, hindi na natin kailangang umuwi," sagot ni Sita na nagawa ng makatayo mag-isa. " Sigurado po ba kayo?," tanong muli ni Maggie. " Oo, sa tingin ko dala na rin ito sa gutom, kumain na muna tayo tapos bumili na rin ng gamot, ayaw kong masira ang araw namin ng apo ko," pagmamatigas ni Sita sa desisyon nito. " Okay lang naman po sa'kin kung uuwi na ho tayo, ang importante po kayo," sagot ni Candice na nag-aalala sa nangyari sa kanyang lola Sita. " Kung ganun, mabuti pa tumuloy na tayo sa paborito kong restaurant," hindi na talaga nabago ang isip ni Sita. Sa paboritong restaurant habang naghihintay ng kanilang order umalis na muna si Maggie para bilhan ng gamot si Sita.Sa sandaling naiwan sina Sita at Candice sa isang restaurant nagkaroon ng pag-uusap ang mag-lola bagay na kinatuwa ni Sita dahil nakikipag-usap na talaga ang apo nito sa kanya.Matagal niyang hindi nakasama ang anak na si Carla kaya batid ni Sita ang pakiramdam ng mag-ina ngayong magkahiwalay ang mga ito at bilang lola ni Candice bagay namang hindi nagampanan niya sa matagal na panahon gusto niyang makabawi sa apo,kahit anong gusto nito ay ibibigay niya at susuportahan sa kung anong gusto nito.Pagbalik ni Maggie naabutan nito masayang nag-uusap ang mag-lola na kinatuwa niya,ibig sabihin tagumpay ang plano nila. Sa isang bookstore ang naging sunod na destinasyon ng mag-lola dahil napag-usapan nilang pareho silang mahilig sa aklat katangian na namana ni Candice sa lola Sita niya dahil hindi naman mahilig sa libro ang ina nito. " Sita, ang tagal na nating hindi nagkikita, kamusta ka na?," bati ng kumare ni Sita ng magkita sila mismo nito sa bookstore. "Rowela.Mabuti naman ako,ikaw?, ang tagal mo kayang nawala sa'n ka ba nanggaling?," sabay biso-biso ng magkumare. " Oo nga.Natuwa ako ng husto sa pagbisita ko sa mga apo ko kaya medyo nagtagal ako sa kanila," kwento kaagad ng kumare nitong si Rowela. " Wait, meet may apo she's may unica hija, Candice," pakilala ni Sita sa apo na abala sa pamimili ng libro. " Kamusta po?," magiliw na bumati si Candice kay Rowela. "Oh, I'm fine...How beautiful you are,hija mana sa lola hah," ang matanda na mismo ang lumapit para yakapin at ibiso si Candice, " Salamat po," nakangiting sagot nito. " Lola, may titingnan lang po ako sa banda roon,pwede po ba?," paalam ni Candice sa lola Sita nito. "Go ahead hija," permiso ni Sita. Abalang namimili ng libro si Candice ng may maramdaman siyang kakaiba sa pakiramdam,hindi na bago sa kanya ito dahil minsan na rin niya itong naramdaman pero hindi lang niya matandaan kung saan.Matinding kilabot ang mabilis na gumapang sa buong katawan niya, siguradong nagsitayuan na ang lahat ng balahibo niya, hindi niya sigurado pero parang may nakamasid sa kanya mula sa likuran at ng lumingon siya ay wala naman kung sino ang nasa likuran niya. " Ikaw!!!.....," gulat na reaksyon ni Candice ng may humawak sa balikat niya. " Nagulat ba kita?," tanong ng lalakeng estudyanteng palaging nakakasabay ni Candice sa may hagdan. " Medyo," sagot ni Candice. " Pasensya ka na, nagulat na naman kita," apologize nito. " Anong binibili mo rito?," usisa ni Candice habang may kung anong hinahanap sa paligid. " May hinahanap ka ba?," pansin nito sa hindi mapakaling si Candice. " Wala......," sagot ni Candice.Dahil sa likot ng mata ni Candice na kung saan-saan tumitingin nakita nito si Harold sa kabilang shelves na medyo malayu-layo mula sa kanila, " Harold,". " Ano 'yun?," tanong ng lalake ng may sabihin si Candice na hindi niya narinig. " Wala, hindi mo kilala, oo nga pala may kasama ka rito?," tanong naman ni Candice rito. " Meron 'yung kuya ko," sagot naman nito. " A, nasaan siya?," tanong ni Candice habang palinga-linga. " Nandiyan lang,tumitingi-tingi lang ng libro," sagot nito. Sa gitna ng pag-uusap ng dalawa nag-ring ang cellphone ni Candice, ang lola Sita niya pala 'to na kaagad naman niya sinagot, " Excuse me," paumanhin nito.Matapos ng usapan ng mag-lola sa cellphone ay, " A,mauna na ako,hah,bye," paalam ni Candice sa schoolmate nito. " Sige,bye," sagot nito. GERONA J.R.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD