Crucifix

976 Words
I. HINDI KAYANG SABIHIN ni Candice sa ina na nalulungkot siya sa pag-alis nito.Sa unang araw ni Candice sa bagong papasukang university pa mismo kailangan umalis ng ina nito kaya si Carla na mismo ang naghatid sa anak sa eskwelahan nito.Bago bumaba ng kotse humalik muna si Candice sa ina at simpleng, "Good bye ma, ingat po kayo sa biyahe," pilit na pinipigilan ni Candice na malungkot o umiyak para hindi rin maapektuhan ang ina sa paghihiwalay nila. " Sandali lang anak," pigil ni Carla sa anak na palabas na sana ng kotse.Isang maliit na box ang inabot nito sa anak, " Ano po 'to?," tanong ni Candice ng tanggapin ang box. "Kapalit dun sa kwintas na mawala sa sementeryo, buksan mo," nakangiting sagot ni Carla sa anak habang binubuksan ang box sa utos nito. Isang kwintas na may pendant na crucifix ang laman nito,"Ma, hindi mo naman po kailangang palitan 'yung kwintas ko,saka ako naman po ang nakawala nun,".Nalulungkot pa rin si Candice sa nawawala niyang kwintas. Kinuha ni Carla ang kwintas sa anak at siya na mismo ang nagkabit sa leeg ng anak,"Okay lang,anak.Binili ko talaga ito para sa'yo.Matagal mo na ring iningatan 'yung kwintas na 'yun at ang gusto ko ingatan mo ang kwintas na 'to tulad ng pag-iingat mo sa unang kwintas na binigay ko sa'yo," masaya at maaliwalas ang mukha ni Carla matapos maisuot ang kwintas sa anak, " Ano?, gusto mo ba?,". " Opo, maganda po, salamat ma," sabay yakap ng mahigpit ni Candice sa ina, matagal rin niya itong hindi makikita at mayayakap ng ganoon. " Iyan ang magiging bantay mo habang wala ako sa tabi mo,parang lucky charm ganun, I love you Candice," yumakap rin si Carla sa anak na labis niyang mami-miss at dun na unti-unting bumagsak ang luha ng mag-ina na kanina pa nilang parehong pinipigilan. " Okay, tama na ang iyakan natin may klase ka pa at ako naman ay mahaba-haba pa bibiyahiin," pigil ni Carla para mapatigil ang anak at siya na rin mismo sa iyakan nilang mag-ina. "Okay po," sagot ni Candice na nagpahid na ng luha niya. " Ingat anak palagi, hah," at ganoon rin si Carla. II. Papunta na sa pangatlong subject niya si Candice ng makasalubong niyang ang grupo ng mga babaeng estudyateng maiingay, pababa ang mga ito habang siya naman ay paakyat ng hagdan, isa sa mga ito ang walang pakundangang bumangga sa kanya, " Sa sunod huwag kang hahara-hara," sa halip na humingi ng tawad ay pinagsabihan pa siya ng babaeng mataray ang dating na base sa ayus at asta nito marahil siya ang leader ng grupo.Mga bully,kaagad na nabatid ni Candice sa kung ano ang mga ito, sa dami-dami ng eskwelahang napasukan niya ang klase ng mga estudyanteng tulad nila ay madaling na lang nakikilala nito, "Sorry," si Candice na lang ang nag-sorry sabay yuko at dumeretso. " Talagang ganun ang mga 'yun," isang estudyanteng lalake ang mula kung saan ang biglang sumulpot sa tabi ni Candice. " Sila?," sinisigurado ni Candice na sila ang tinutukoy ng lalake.Tumingin ang lalake sa grupo ng mga babae, " Oo," sagot nito. " Ayus lang hindi na naman bago sa'kin ang mga ganyang klaseng estudyante mas mabuting huwag patulan," walang problemang sagot ni Candice tungkol sa mga ito. " Ganun ba, sana ganun nga palagi," pabulong na pahayag ng lalake. " Ano?," hindi malinaw na narinig ni Candice ang sinabi ng lalake. " Sige, mauna na ako," paalam ng lalake na hindi na inulit pa ang sinabi nito. " Okay,bye," ani Candice. III. Lunch break......halos lahat ng estudyante masaya tuwing lunch break at karamihan sa kanila ay may kaibigan o kaklaseng sinasamahan samantalang si Candice ay mag-isa na naman at para sa dalaga malungkot ang kumain mag-isa ng lunch pero wala naman siyang magagawa dahil wala pa siyang kaibigan, baguhan pa siya kaya kung ang lahat nagmamadali siya ay nanatili sa upuan at hinintay na makalabas ang lahat ng classmate niya sa classroom bago siya sumunod. Iilan na lang ang mga estudyante sa corridor, pababa na ng hagdan si Candice ng makitang may pinagtitinginan ang mga estudyante isa pa lang lalakeng estudyante ang pinagtutulungan i-bully ng pawang mga estudyante rin.Kaawa-awa ang hitsura ng pobreng lalake matapos ma-bully ng grupo, walang awa nila itong iniwan habang ang estudyanteng napagtripan ay walang imik na pinulot ang nagkalat niyang mga gamit, at ni isa man lang sa mga estudyanteng naroroon ay walang nag-offer ng tulong bagay para mahabag pa lalo siya sa estudyante,"Bago ka dito,tama?!......," isang babaeng estudyante ang biglaan na lang tumabi sa kanya, " Oo," sagot ni Candice dito, " Nakakaawa siya," naaawang nasabit ni Candice. "Alam mo huwag ka na lang makialam kapag may mga ganyang eksena kang makikita deadma ka na lang kung ayaw mong madamay....," babala ng babae. Batid ni Candice kung anong ibig sabihin ng babae kaya hindi na siya nagbalak pang tulungan estudyante,iwas gulo. " Pasensya ka na.......," hingal na hingal ang isa pang babaeng estudyante na dumating. " Ayus lang,palagi ka naman ganyan.....," inaasahang sagot ng kausap nito," Di ba lunch break mo naman, sumabay ka na sa'min?," sabay aya kay Candice. Hindi naman inaasahan ni Candice na may mag-aaya sa kanya ngayon first day niya sa lunch break niya, " Okay lang sa inyo?," paninigurong tanong nito. " Oo naman, Ako nga pala si Jaycee," sagot sabay pakilala na rin nito. "Sure ko transferee ka boring kaya mag-lunch mag-isa,I'm Celine" dugtong ni Celine. Masaya si Candice dahil kahit papaano ay may mga bago siyang kakilala, Napangiti si Candice"Tama,,". Kahit na hindi maganda ang naging salubong kay Candice sa unang araw nito sa eskwelahan, una ang mataray na babaeng bumangga sa kanya at ang nasaksihang pang-bu-bully hindi na rin masama dahil may dalawang estudyanteng nag-accommodate sa kanya. JanRoe G. Ikaw?...bully ka ba?... Charot lang....please naman vote kahit isa lang and comment na rin kahit Hi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD