I.
?(Bagong Tahanan)?
ISANG MALAKING gate ang hinintuan ni Carla,isang binata ang kaagad na lumabas at pinagbuksan sila ng gate. Pagbaba ni Candice ng kotse nanibago siya sa paligiran, maraming naglalakihang puno at ganun na rin ang malaking lumang bahay sa harapan niya.Isang matandang babae ang may istriktong dating ang lumabas, may kasama itong babae na pawang hindi rin kilala ni Candice, lumapit ang mga ito sa kanyang ina.
" Kamusta ang biyahe?," tanong ng matanda matapos magmano ang ina rito.
" Sigurado napagod kayo," sabay nakipagbiso ang ina sa isa pang babae na kaedad lang din ng ina niya.
Naninibago sa lugar at sa mga bagong mukhang ngayon lang nakita ni Candice na nanatili sa kinatatayuan niya na malapit sa pinto ng kotse habang pinagmamasdan ang ina.
" So,siya na pala ang apo ko,?," matapos ng magkamustahan ang tatlong babae sa muli nilang pagkikita, napansin nilang hindi lumapit si Candice sa kanila.
Sumenyas ang inang si Carla na lumapit si Candice, " Ma, Maggie, 'eto po si Candice, at Candice ito ang lola Sita mo......," nag-bless si Candice sa lola nito, "......at 'eto naman ang tita Maggie mo, pinsan ko....," nag-bless rin ito sa tiyahin.
" Masasanay ka rin dito,Candice,hija...," pahayag ni Sita upang mabawasan ng kaunti ang pagkailang ni Candice sa kanila, "...and welcome home dito sa Barrio San Materosa....," dugtong naman ni Maggie sa pamangkin niya.
" Salamat po," nakuha ng ngumiti ni Candice sa mga ito.
" So,what are we waiting for let's go inside para makapagpahinga na kayo at ng makakain na rin.Nagpahanda ako para sa inyo,syempre present ang specialty ko, 'yun paborito mo Carla," pagmamalaking aya ni Sita sa anak na na-miss niya ng matagal.
???????
II.
Sa unang pagkakataon makikila ni Candice ang kanyang lola Sita pero ang lolo nito, si Jose, tanging ang puntod na lang ang kanyang masisilayan.Hindi man maintindihan ni Candice ang pagkawala ng lolo Jose niya pero kitang-kita naman niya ang pangungulila sa mukha ng ina, na sa tingin ni Candice ay pareho sa pagkawala ng kanya ama.Malaki naman ang panghihinayang na naiwan kay Carla sa pagkawala ng kanyang ama dahil sa huli nitong sandali ay wala siya sa tabi nito at hindi man lang siya nakapagpaalam ng maayus o masabi man lang kung gaano niya ito kamahal.Ilang sandaling nag-alay ng katahimikan sila sa puntod.
Paalis na sila ng sementeryo abala sa pag-uusap sina Carla,Sita at Maggie habang nasa hulihan si Candice nang biglang humangin ng malakas at matangay ang suot-suot niyang sombrero, dahil biglaan ang paghangin awtomatikong napahabol si Candice sa sombrero niyang tinangay at sa paghabol niya rito hindi niya sinasadyang mabangga ang isang lalake at pareho silang bumagsak sa damuhan.
"Sorry," kaagad na humingi ng paumanhin ni Candice.Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang dalaga dahil sa mismong binata siya bumagsak.Madali itong tumayo.
"A-ayus lang.....," nakuha naman sumagot ng lalake, "...sa'yo ba 'to miss?.," sabay abot nito ng sombrero kay Candice.Nasalo ng lalake ang sombrero nito.
"Oo, salamat.Sorry ulit hah,pasensya na talaga," nahihiyang tinanggap ni Candice ang sombrero sa binata,pero sobra siyang nahihiya sa nangyari gayong nabagsakan pa niya ito.
Kung nahihiya si Candice sa lalake dahil sa nangyari ganoon din naman ang binatang nakabangga nito.
" Mi-," naglakas-loob ang binata na tanungin sana si Candice na nasa malayo ang tingin at ng makitang malayo-layo na ang kanyang ina na walang kaalam-alam na hindi na pala siya nakasunod sa kanila nagmadali itong umalis,"Thank you ulit at sorry talaga,mauna na ako.....," nagmamadaling nagpaalam si Candice sa binatang may sasabihin pa sana.
"Bye......," pabulong na lang na paalam ng binata habang pinagmamasdang umalis si Candice.At kahit na malayo na si Candice tinatanaw pa rin siya ng binata, na nagbabakasakaling lingunin siya sa huling pagkakataon hanggang sa hindi na kayang abutin ito ng maningin niya.
" Ang ganda niya.Ma, sayang hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya, sana magkita kami ulit....," hiling ng binata sa puntod ng kanyang ina, "...ano 'to?...kwintas.....," isang makinang na bagay ang dinampot ng binata sa damuhan, isang kwintas na may angel's wing na pendant.
" Sa kanya kaya 'to?....," kaagad na pumasok sa isipan ng binata si Candice ng makita ang kwintas, "...kasi para siyang anghel....," matamis na ngiti ang namutawi sa mukha nito. Tila may maganda siyang dahilan para hanapin 'to.
???????
III.
Naghihilamos sa banyo si Candice ng mapansing nawawala na pala ang kwintas niya.Kaagad siyang naghanap sa banyo, una niyang tiningnan ang sahig baka sakaling nalaglag doon.Walang kwintas na nakita si Candice sa banyo kaya sunod na naghanap siya sa buong kwarto at ng hindi niya makita doon sinubukan hanapin ng dalaga sa bahay ang kwintas sa mga lugar kung saan siya napadaan pero talagang hindi niya makita ito.
" Nasaan na ba 'yun?,".Hindi na alam ni Candice ang gagawin ngayon nawawala ang pinakamahalagang bagay sa kanya,ang kwintas na regalo ng kanyang ina noong seventh birthday niya.
Sa frustration na makita ang kanyang kwintas ngayon lang napansin ni Candice ang isang open hallway ng bahay kung saan makikita ang isang garden.Tinungo ito ni Candice at saglit na nawala sa isip ang nawawalang kwintas.Tumingi-tingin sa paligid si Candice maraming magagandang bulaklak ang nakatamin doon at talagang maganda ang pagkakaayus.Ngayon lang nakakita ng isang magandang garden ang dalaga kaya namangha ito kaagad.
Biglang nakaramdam ng kakaibang lamig sa paligid si Candice at biglaan na lang nakaramdam ng kilabot sa katawan ang dalaga " AH!!!.....," saglit na napasigaw ang dalaga ng may humawak sa balikat niya.
" S-Sandaling l-lang miss....," nag-panic naman ang lalakeng humawak sa balikat ni Candice na kapwa nagulat rin a naging reaksyon ng dalaga.
" Ikaw.....," nakilala ni Candice ang binata.
" Pasensya kung natakot kita?," paumanhin ng lalake.
" Hindi naman, medyo nagulat lang ng konti," sagot ni Candice.
" Ako nga pala si Harold, nagtatrabaho ako rito sa lola mo.Pasensya na talaga," pakilala ng lalake at paumanhin muli.
" Candice, pasensya na rin sa pagsigaw ko," paumanhin at pakilala naman ni Candice kay Harold.
GERONA J.R.