Prologo

408 Words
Prologo: TAHIMIK NA PINAGMAMASDAN ni Candice ang view mula sa bintana ng kotse sa backseat habang ang ina nito ang nagmamaneho, palihim naman siyang sinusulyapan ng ina mula sa salamin sa driver seat.Batid ni Carla,ina ni Candice kung ano ang nasa isipan ng anak nito ngayon. Isang mabigat na desisyon ang napagpasyahan ni Carla na iwan ang nag-iisang anak sa kanyang ina na ngayon pa lang makikita at makikilala ni Candice.Kung paglilipat lang naman ang pag-uusap, hindi 'yun ang problema dahil sanay silang mag-ina sa ganoon bagay dahil na rin sa klase ng trabaho mayroon si Carla pero ang maiiwang si Candice sa lola nito na sa unang pagkakataong magkakalayo ng matagal ang mag-ina bagay na mahirap para sa anak maging kay Carla.Hindi man magsalita si Candice batid ni Carla na pareho lang sila ng nararamdaman ng anak. Single parent si Carla,mag-isa niyang tinataguyod ang nag-iisang anak na si Candice,simula ng maagang tumaliwala ang ama ni Candice sa isang car accident.Hindi siya makahingi ng tulong noon sa mga magulang dahil tutol ang mga ito sa naging desisyon niya tungkol sa lalakeng sinamahan na naging dahilan ng sama ng loob ng mga nito kay Carla.Ngunit ng mamatay ang ama ni Carla saka lang muling nagkaroon ng komuniksyon ang mag-ina pero sa kabila ng lahat pinili pa rin ni Carla na itaguyod ang anak mag-isa.Kaya labag man sa looban ni Carla na mahiwalay sa nag-iisang anak kailangan niyang gawin iyon para na rin sa ikabubuti nito. Dahil sa tuwing makakarinig siya ng mga balita tungkol sa mga kabataan na napapahamak at nagiging biktima na anumang karahasan hindi mapalagay ang loob niya at laging naiisip ang anak sa tuwing wala siya sa tabi nito na kadalasan ay kailangan niyang iwan mag-isa sa tinitirhan nila.Wala naman siyang problema sa anak dahil masunurin at talagang mabait ito,hindi rin palabarkada pero ang mga masasamang tao ay nasa paligid lang at walang piniling oras o sino man. Mas lalong tumindi ang takot niya ng isang dalagita sa kanilang lugar ang naging biktima ng isang r**e slay at sa dating pinapasukan ng anak isang ring estudyante ang pinasok sa kanyang unuupahang apartment at pinagsamantalahan, mga sapat ng dahilan upang isipin ni Carla ang makakabuti sa anak.Sa sobrang pagmamahal sa anak ang naging tanging dahilan niya sa buhay para lumaban mag-isa sa kabila ng lahat-lahat ng nangyari sa kanya.Kaya ito sila ngayon, papunta sa bahay ng kanya ina para sa ikabubuti ng pinakamamahal na anak. GERONA J.R.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD