“That Ms. Kinsley is your real fiancee.” Tumiim-bagang si Alpheus sa narinig pero bago pa nito maibuka ang mga labi ay naagapan na ito ni Isla sa kamay. She discreetly squeezed his hand, sending him a message. Nang bumaling ito sa kanya ay pinanlakihan niya ito ng mga mata na sinasabing huwag nitong babanggitin ang tungkol sa pagiging mag-asawa nila. He threw her a displeased glare but didn’t say anything. Masunurin naman pala. Ayaw lang kasi niyang i-anunsyo nito sa lahat ang totoo nilang estado ngayon. Kakasabi lang ng ama nito na si Kinsley ang tunay nitong fiancee. Kapag sinabi ni Alpheus na nagpakasal sila ay para na ring ginawa niya kay Kinsley ang ginawa sa kanya ni Frida. Na totoo namang ginawa nga niya dahil um-oo siya sa kasal. Pumirma siya bilang legal nang Mrs. Isla San Madr

