Marami ang gustong makapag-aral ngunit walang sapat na pera upang magpatuloy sa pag-aaral. Merong iba na kailangan pang tumigil at mag trabaho upang mag-ipon sa kanilang pag-aaral para sa gustong pangarap. Hindi rin madali ang mag-aral nang apat na taon sa kolehiyo. Kailangan mong magtiis at magsumikap. Ngunit alam ko na sa dulo nitong nararanasan nating hirap ay isang tagumpay na madadala natin hanggang tayo ay tumanda. "Congratulations, Ronalyn! We are so proud of you." Masayang bati ni Ma'am Carolina at niyakap ako. "Congrats, ate!" Bati rin ni Geraldine. "Congrats din, ate." Sabi ni Charles at yumakap din sa akin. Sa apat na taon ko sa kolehiyo ay hindi naging madali. Ngunit sulit lahat ng puyat at pagtitiis ngayong graduate na ako sa matagal ko ng pinapangarap-ang maging isa

