Nang makalapag na ang private plane na sinasakyan namin ay 'tsaka lang kami ni Liezel lumabas mula sa puwesto namin. Naroon pa rin si Grayson at nakaupo. Hindi ba siya bababa? "Mr. Pritzker, may kailangan pa po ba kayo?" Magalang na tanong ni Liezel sa kaniya. Agad naman siyang tumingin sa akin na ikinaiwas ko ng tingin. "I extended my vacation here." Sagot niya. "Okay po, Mr. Pritzker. No problem po." Sagot ni Liezel habang ako ay tahimik lang sa tabi niya. Tumango lang din si Grayson at agad ng tumayo at sobrang lapit niya sa kinatatayuan ko kaya napaatras ako. Hindi pa rin ako nakatingin sa kaniya. Kaya nang maglakad siya patungo sa pinto ay 'tsaka lang ako nakahinga nang maluwag. Agad kung nilinis ang lamesa niya at dinala ang baso na kanina ay binigay ko sa kaniya. "Ronaly

