Dala-dala ang mga gamit namin ay naglalakad kami ni Geraldine hababg tirik na tirik ang araw. "Ate, nauuhaw na ako." Reklamo ng kapatid ko at binitiwan ang dala niyang malaking bag. Wala naman kasi talaga kaming patutunguhan kung saan kami pupunta. Ang gusto ko lang ay makalayo sa apartment na 'yon. Kahit ako ay nauuhaw na rin dahil sa init. "Doon tayo." Turo ko sa isang tindahan sa kabilang daan. Agad akong tumingin sa kaliwa at kanan bago kami tumawid ni Geraldine habang bitbit ang mga gamit namin. "Ate, pabili po ng dalawang tubig. 'Yong tig sampong piso po." Sabi ko sa babaeng nagtitinda. Agad naman siyang nag-abot ng dalawang bote ng tubig at binayaran ko iyon. Kahit sa pag-inom ko ng tubig ay iniisip ko pa rin kung saan ba kami pupunta? Kung saan kami ngayong gabi matutulog

