Chapter 17

1998 Words

Panay ang tingin ko sa pinto kung saan naroon ang kapatid ko. Halos kalahating oras na sila sa loob at wala pa ring lumalabas na doctor o kahit nurse man lang. "Ronalyn." Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Michelle at Ralph na nagmamadaling naglalakad patungo sa kinaroroonan ko. "Kumusta si Charles?" Nag-aalalang tanong ni Ralph. "Wala pang lumalabas na doctor sa operation room." Sagot ko. "Nabalitaan ko ang ginawa ni Ma'am Grace kahapon." Turan ni Michelle. Malungkot ko siyang tiningnan. "Pumayag ka?" Tanong niya muli. Tumango lang ako. "Paano na ang trabaho mo niyan? Paano na kayo ng mga kapatid mo?" Nag-aalalang tanong niya. "Huwag mo na kaming alalahanin, Mich. Makakahanap din ako ng bagong trabaho. Sa ngayon ay kailangan ko munang alagaan si Charles

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD