NAGISING ako dahil sa dampi ng labi sa aking bibig. Pagmulat ng mga mata ko ay mukha ni Sir Grayson ang bumungad sa akin. He's smiling while looking at me. "Good morning, baby. Sorry kung ginising kita nang ganito kaaga." Bati niya at hinalikan ako sa noo. Nakaayos na siya at amoy na amoy ko ang pabango niya. "G-good morning. Aalis ka na ba?" Inaantok ko pang tanong. "Yes. Pwede mo ba akong ihatid sa airport?" Tanong niya at hinalikan na naman ako sa pisngi. "Ha? Pero baka ma late ka pa. Hindi pa ako nakaayos." Sagot ko. "Bumangon ka na at mag-ayos. Baka talagang ma-late pa ako kapag nagtagal pa 'tong ginagawa natin." Sabi niya at parang napilitan pang umalis sa tabi ko. Agad akong bumangon at pinunasan pa ang gilid ng labi ko. Baka kasi may natuyong laway pa ako roon hindi niy

