KINABUKASAN ay nagising ako dahil sa katok mula sa pinto ng aking kwarto. Tiningnan ko ang oras at alas sais pa lang nang umaga. Agad akong bumangon at inayos ang aking sarili at pagkatapos ay binuksan ang pinto. Mukha ni Manong Gilbert ang bumungad sa akin at halata sa mukha niya ang pag-aalala. "Hija, mag-ayos ka na ng sarili mo dahil papunta rito ngayon si Madam Grace. Tumawag sa akin si Michelle dahil hindi mo raw sinasagot ang tawag niya." Sabi niya. "S-sige po. Salamat po Manong Gilbert. Mag-aayos lang po ako." Sagot ko. Agad na rin siyang nag paalam at sinarado ang pinto. Mabilis ang bawat kilos ko. Agad akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Kinuha ko ang rice cooker at agad na nagsaing. Pagkaraan ay kinuha ko ang walis tambo

