Inabot kami ng halos isang oras sa hapag kainan dahil nawilli kami kakakwento at kakatawa. Kung hindi pa tumawag ang asawa ni Aya ay baka hindi pa talaga kami tumayo mula sa aming mga upuan at nilisan ang dinning area. Minabuti na lang muna namin ni Joanne na magpahinga kahit papaano kasi ay napagod naman kami sa biyahe may mga sarilling kwarto kami rito ni Joanne sa pamamahay ni Aya ganyan niya kami ka mahal. Mula kasi high school ay kaming tatlo na talaga ang magkakasama magpahanggang ngayon kaya mahal na mahal din talaga namin ang isa’t-isa.
Pagpasok ko ng kwarto ay nagbihis muna ako at saka humilata sa malapad na kama tinignan ko rin muna ang phone ko kung may text ako galing sa aking secretary nang wala akong makitang mensahe mula sa aking cellphone ay binalik ko na agad ito sa loob ng sling bag ko at nilabas ko muna ang mga damit ko sa loob duffel bag at nilagay sa cabinet nang matapos ay natulog na muna ako sa kama.
Nagising ako dahil may mahinang kumakatok sa pintuan ng kwarto kinusot-kusot ko ang mga mata habang tinutungo ang pintuan upang buksan ito. Si Joanne ang bumungad sa akin pagbukas ko at nakangiti pa ito.
“Halika na sa labas mag ba-barbecue tayo,” nakangiting saad niya, ngunit inirapan ko lang ito.
“Disturbo,” maktol ko, habang nakasimangot.
Inaantok pa ako pero binulabog niya na ako tsaka maaga pa kaya para sa barbecue.
“Mag a-alas sinco na, girl kaya bilisan mo riyan,” namemewang niyang wika na parang Nanay ko.
“Bilisan mo na riyan, Levie Jayn at naghihintay sa baba si Ayana,” utos niya at agad na itong tumalikod.
Kaya wala na akong nagawa kaya sinara ko na lamang ang pintuan at tinungo ko na ang banyo para maghilamos pagkatapos ay sinuklay ko lang sandali ang buhok ko at saka lumabas ng kwarto at bumaba.
Sariwang hangin agad ang sumalubong sa akin ang sarap talaga ng hanging dagat naghahalo rin sa ang amoy ng barbecue sa hangin. Natakam tuloy ako.
“O, Lj nandito ka na pala gusto mo bang maligo sa dagat?” tanong sa akin ni Ayana, nang makita niya ako.
“Ayoko, tulungan na lang kita riyan,” tugon ko at saka lumapit sa kanya.
Tinulungan ko si Ayana sa pag barbecue samantalang si Joanne naman ay abala sa pag-ayos ng mesa na narito sa labas.
Napuno kami ng tawanan at kwentuhan habang abala kami sa aming mga ginagawa kung kaya’t hindi man lang namin namalayang tapos na pala kami ni Ayana sa pag ba-barbecue. Naparami pa ang pag-ihaw namin ni Ayana dahil sa kadaldalan naming tatlo.
“Kumain na muna tayo,” aya sa amin ni Joanne.
Kaagad na rin kaming dumulog sa hapag kainan at kumain maya-maya pa ay dumating na ang asawa ni Ayana na si Luigi.
“Mabuti naman at nakadalaw ulit kayo, Lj at Joanne,” saad niya nang makita niya kaming kumakain sa mesa.
“Oo baka kasi matagalan na kasi ulit kaming makadalaw ulit sa inyo,” tugon ko naman agad sa kanya.
“Sumabay ka na sa amin, Luigi habang marami pang pagkain,” aya naman ni Joanne kay Luigi na ikinatawa naman naming lahat. Nakasanayan ng makipagbiruan ni Joanne kay Luigi dahil matagal na silang magkakilala.
“Kahit kelan ka talaga, Joanne,” pailing-iling na saad naman ni Luigi kay Joanne habang natatawa.
“O siya, magbibihis muna ako,” paalam muna ni Luigi at saka na ito pumasok sa loob ng kanilang bahay.
Minuto lang ay lumabas na rin ito at sumabay na sa amin sa pagkain kaya napuno na ng tawanan at kwentuhan ang hapag hanggang sa matapos kami sa pagkain.
Kasalukuyan na kaming umiinom ngayon dahil nag-aya sina Luigi at Joanne lumipat din kami ng pwesto malapit sa dagat para presko.
“Luigi naubusan na tayo ng ice,” sigaw ni Joanne kay Luigi, medyo may tama na kasi ito ng alak maging ako ay ganun na rin.
Kaagad namang nag-utos si Luigi sa isang katulong nila na kumuha ng ice sa freezer ng ref nila ngunit naubos na rin ito.
“Tawagan mo si Randal, Lu magpabili ka muna sa kanya marami pa kasing natira e,” utos naman ni, Aya sa asawa niya.
“Oh, sige tawagan ko lang siya.” Lumayo agad si Luigi sa pwesto namin upang makatawag kay Randal, may kaingayan din kasi rito sa pwesto namin dahil nagpatugtog si Joanne sa Bluetooth speaker niya.
Nagpasya muna akong pumasok sa loob ng bahay upang makapag banyo tutal ay hinihintay pa naman namin ang ice. Dumeritso agad ako sa kwarto ko sa at nag CR, naghilamos na rin ako dahil namumula na ang pagmumukha ko dahil sa alak.
Pagkatapos kong gumawi sa banyo ay lumabas na rin ako at humiga muna ako sa kama maya-maya na lang ulit ako bababa wala pa naman siguro ang ice.
Maya-maya lang ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan ko ngunit hindi na ako nag abala pang tignan kung sino dahil sobrang inaantok na ako.
"May kailangan ka ba, Jo?" tanong ko pero pikit pa rin ang mga mata ko.
Hindi ito sumagot kaya hinayaan ko na lang siguro ay may kinuha lang. Ugali na rin kasi niya minsang hindi tumugon may pagkabastos din kasi talaga ang babaeng iyon. Nang makaramdam ako ng init sa katawan ay hindi na rin ako nag alangan na hubarin ang damit ko pati na rin ang bra ko.
"T*ng-ina!"
Agad namang kumunot ang noo ko nang may narinig akong mahinang pagmumura at sigurado akong hindi na si Joanne iyon dahil baritono ang boses at isa pa ay hindi naman ugali ni Joanne ang magmura.
Kaya minulat ko na ang mga mata ko at ganun na lang ang gulat ko nang makita ko ang isang matangkad at malaking lalaki sa may pintuan ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa kahihiyan at gusto ko na lang magpalamon ng buong-buo sa lupa.
Paano nakapasok ang mambubuso lalaking ito sa kwarto ko?