CHAPTER 3-Randal

1339 Words
Kakapatulog ko lang sa anak kong si, Carol may lagnat siya ngayon kung kaya't gabi na siya nakatulog dahil panay ay iyak niya at hanap sa mama niya. Naawa ako sa anak ko dahil kahit alam niya ng patay na si Cathy ang yumaong kong asawa ay umaasa pa rin ang anak ko na babalik pa ang mama niya. Lalo na't nakakausap niya raw ito sa kanyang panaginip bilang ama ay nasasaktan ako para sa aking anak dahil umaasa siya wala. Gustong-gusto kong ipaintindi sa kanya ang totoo ngunit ayoko namang masaktan ang kanyang damdamin. Limang taon pa lamang siya masyado pa siyang bata para maintindihan ang lahat ng bagay. Kinintalan ko ng halik ang kanyang noo bago ako bumangon mula sa kama ilalagay ko muna sa lababo ang plangganang nilagyan ko ng tubig at bimpo. Pagtayo ko ay siya namang pag ring ng cellphone ko kaya agad ako itong kinuha mula sa bulsa ng short ko. Si Kuya Luigi ang tumatawag kaya kaagad ko itong sinagot. [Hello, kuya magandang gabi po] magalang kong bungad agad sa kanya sa kabilang linya. [Magandang gabi rin, Randal, kamusta ang lagay ni Carol?] tanong niya. [Kakatulog niya lang po, kuya] tugon ko naman. [Mabuti naman kung ganun, Randal pwede pa muna kitang madisturbo?] Tinignan ko muna ang oras sa orasan na nakasabit sa ding-ding ng kwarto ni Carol. Alas onse na kaya pala dama ko na ang labis na pagod at antok ngunit nahihiya naman akong tanggihan si Kuya Luigi dahil napakabuti lang nitong tao. [Ano pa ba iyon, Kuya?] tanong ko. [Magpapabili lang naman sana ako ng ice sa'yo nag iinuman kasi kami ngayon dito sa bahay kasama ang kaibigan at pinsan ng Ate Ayana mo, ang kaso ay naubusan na kami ng ice] Madali lang naman pala ang iuutos niya at marami pa namang bukas na tindahan malapit dito kahit na gabi na. [Sige po walang problema magpapalit lang ho ako] [Sige salamat, Randal] Pagkatapos naming mag-usap ni Kuya Luigi ay hinatid ko lang saglit ang planggana sa lalabo at ginising ko rin ang bunsong kapatid ko na si Anna upang samahan muna si Carol sa kwarto. "Sandali lang ako, Anna," pagpapaalam ko kay Anna. "Sige po, Kuya mag-iingat po kayo," tugon naman agad nito at pinaalalahanan pa ako. Sinulyapan ko muna si Carol bago tuluyang lumisan ng bahay. Paglabas ko ay tahimik na banda rito sa amin dahil nasa dagat kami ngunit pagdating sa dulo ay marami-rami ng mga tao. Marami kasing mga resorts dito kung kaya't marami ring mga dayuhan. Tahimik ko lamang na binaybay ang daan hindi naman delikado dahil kilala na ako habang naglalakad ako ay tahimik akong nagpasalamat sa Diyos dahil dininig niya ang panalangin ko. Magkakaroon na kasi ako ng stable na trabaho ni rekomenda kasi ako nina Kuya Luigi at Ate Ayana bilang driver sa pinsan mismo ni Ate Ayana. Sa wakas ay hindi na ako namomroblema sa araw-araw kung saan ako maghahanap ng trabaho at kung saan kami kukuha ng mga pangangailangan namin. Pa raket-raket lang naman kasi ang trabaho ko mabuti na lang nga tinutulungan ako nina Kuya Luigi at Ate Ayana kahit na hindi ko naman talaga sila kaano-ano. Mga amo ko sila at minsan akong rumaraket ako sa Firm ni Kuya Luigi dahil isa itong Architect, sa mga sasakyan ako nakatuka dahil may alam ako pagdating doon. Kung wala naman akong raket sa Firm ay kahit ano pinapatos ko para lang may pangkain kami. Ang hirap talaga maging mahirap. Pagdating ko sa may tindahan ay bumili ako ng dalawang bag ice pagkatapos ay naglakad na ulit papunta sa bahay nina Kuya Luigi malapit lang din naman kasi. Pagdating ko kina Kuya Luigi ay nag iinuman nga sila malapit sa dagat at nagkakatuwaan pa. "Magandang gabi po," makapanabay kong bati sa kanilang tatlo. "Oh, Randal nandito ka na pala," wika ni Ate Ayana, at kinuha naman agad sa akin ni Kuya Luigi ang dala-dala kong ice. "Salamat, Randal halika uminom ka muna rito," aya pa ni Kuya sa akin. "Yeah join us," wika naman ng isang babae. Tanging ngiti lamang naitugon ko sa kanilang pareho dahil ang tanging gusto ko munang gawin ngayon ay makapagbanyo dahil parang sasabog na ang pantog ko. Kanina ko pa kasi pinipigilan ang maihi dahil malapit na rin naman na ako sa bahay nina Kuya Luigi. Magtatanong pa sana ako kina Kuya Luigi kung saan ang banyo sa loob ng bahay nila ngunit abala na ang mga ito kakainom at kakatawa. Kung kaya't pumasok na ako sa loob ng bahay nila sa mga katulong na lang nila ako magtatanong. Ngunit pagpasok ko ay wala akong nadatnang tao sa loob natulog na siguro gabing-gabi na kasi. Kaya ako na lang ang naghanap humakbang na ako paakyat ng hagdan at ang unang kwarto agad ang binuksan dahil nagbabakasakali akong iyon ang CR. Ngunit hindi banyo ang napasukan ko kundi kwarto at may isang babaeng nakahiga sa malaking kama. Sunod-sunod akong napalunok nang makita ko ang maputi at makinis nitong mga binti. Hindi ko man lang magawang iatras ang mga paa ko at hindi ko alam kung bakit at tuluyan na talaga akong pinagpawisan ng hinubad ng babae ang kanyang damit at bra. Napamura na lamang ako mariin nang maramdaman ko ang pagtigas ng bagay na nasa pagitan ng mga hita ko. Nawala na rin sa isip ko na ihing-ihi na ako bakit ba kasi siya naghubad? "Bastos!" singhal niya sabay bato na matigas na bagay sa akin. Natamaan ako dahil hindi ko iyon napaghandaan. "Who are you and what are you doing here?!" galit na galit niyang tanong habang nakatayo na ito sa harapan ko. Ngunit hindi ako nasindak sa galit niya dahil nakatuon ang mga mata ko sa nagmamayabang niyang mga dibdib sa aking harapan. Bigla na lang kasi itong tumayo at nakalimutan niyang takpan iyon. "S**t!" "You pervert!" Tumabingi ang mukha dahil isang malakas na sampal ang ginawad niya sa akin at hindi ko iyon napaghandaan. "Get out!" galit na galit niyang sigaw sa akin. "I said get out now!" sigaw ulit niya. "S-sorry po nagkamali lang po ako ng pasok akala ko po kasi banyo itong kwarto ninyo," kandautal-utal kong paghingi ng tawad sa kanya. Alam kong maling-mali ang ginawa ko ang g*go ko kasi e. "Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa ginawa mo?!" Nataranta ako sa sinabi niya kapag ginawa niya iyon ay wala akong laban at kawawa ang anak ko. "M-ma'am hindi ko po sinasadya, huwag naman po sanang—" "Lumabas ka na ngayon din bago pa tuluyang magdilim ang paningin ko sa'yong hayop ka!" Kulang ang salitang galit sa nakikita kong ekspresyon ngayon sa pagmumukha niya. Pulang-pula na ito at nakakamatay na ang tingin nito. Nakakatakot siya kaya lumabas na ako. "G*go," mura ko sa sarilli ko nang masara niya na ang pintuan ng kwarto. Ang tanga-tanga ko talaga kung bakit ko pa kasi tinignan iyon dapat una pa lang ay umalis na ako. "Ang bobo mo talaga, Randal!" galit kong anas sa aking sarilli. Kapag kinasuhan ako ng babaeng iyon ay wala talaga akong laban nito dahil sobrang mali ang ginawa ko. Pero sana naman huwag niyang totohanin hihingi ulit ako ng tawad sa kanya bukas. Hindi ako pwedeng makulong dahil ako na lang ang meron si Carol at hindi ko kayang mawalay sa anak ko. "Oh, Randal nandito ka lang pala." Nagulat ako dahil sa biglang pagsulpot ni Kuya Luigi. Hindi ko man lang napansin na nakaakyat pala siya. "Nakita mo na si, Lj? Ito ang kwarto niya e," tanong niya sa akin at tinuro nito ang kwarto ng babaeng nagawan ko ng kasalanan. "Sa kanya ka magtatrabaho, Randal at bukas sasama ka na sa kanila para makapagsimula ka na," litanya ni Kuya Luigi. "P-po?" utal kong tanong. "Ang sabi ko siya magiging bagong amo mo," saad ni Kuya Luigi, at iniwan na ako nito. Para akong binuhusan nang malamig na tubig dahil sa aking narinig. Siya ang amo ko? Ibig sabihin sa kanya ako magtatrabaho... pero may kasalanan ako sa kanya. Paano na ako nito? .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD