CHAPTER 4- Lj

1140 Words
Abala na ang lahat sa paghahanda para sa party mamaya ng anak nina Luigi at Ayana na si Heart. Mag pi-pitong taon na kasi ang bata kung kaya't pinaghandaan talaga nila ang birthday nito. Si Aya ay abala sa kusina kakaluto ng mga pagkain samantalang si Luigi naman ay abala sa mga lobo at ibang dekorasyon. Si Joanne ay tumulong na rin sa pag de-decorate ng venue na dito lang din naman gaganapin sa tabing dagat. "Tita Lj, busy ka po ba?" tanong sa akin ni Heart na kakasulpot lang sa tabi ko. Nandito kasi ako ngayon garden area ng bahay nila at kakatapos ko lang din maghiwa ng ibang sangkap para sa mga iba pang lulutuin sa birthday niya. Sumakit kasi ang aking ulo kanina pagising ko dahil sa nangyari kagabi, hindi tuloy ako makatulong ng mabuti sa paghahanda sa birthday party ni Heart. Kasalanan ito ng lalaking nakapasok kahapon sa kwarto ko. "Hindi na rin naman, bakit sana?" malambing na tugon ko naman agad kay Heart. "Color po tayo, Tita Lj hindi pa po kasi dumarating ang friend kong si Carol," aya sa akin ng bata sabay upo sa katabing upuan. Pinagbigyan ko ang kagustuhan nitong mag color at tuwang-tuwa naman si Heart habang nagkukulay kaming dalawa sa drawing book niya. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot dahil hindi man lang kami biniyayaan ni Lito ng anak noong nabubuhay pa siya. Lahat na ng posisyon ay nagawa na namin ngunit sadyang wala talaga. So, Lito and I decided to see a doctor that time, para malaman namin ang katotohanan kung bakit hindi talaga kami nagkakaanak then it turns out that Lito was the one who had a problem. Siyempre sa una nalungkot kami noong nalaman namin 'yon pero kahit ganoon man ang mangyari ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko kay Lito. At magpahanggang ngayon ay siya pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko and I can't imagine myself to be with someone else anymore. "Heart, anak baka ginugulo mo riyan ang Tita Lj mo," wika ni Luigi ng lumapit ito sa gawi namin. "Ayos lang, Luigi wala naman na akong ginagawa, e." "Daddy, nag co-color lang po kami ni Tita Lj," sabat naman ni Heart sa usapan namin ng kanyang ama. "Anak, maya-maya mag ready ka na rin dahil magsisimula na ang party mo," nakangiting sabi sa kanya ni Luigi. "Okay, Dad," tugon naman ni Heart sa kanya. "How about you, Lj hindi na ba masakit ang ulo mo?" tanong naman ngayon sa akin ni Luigi. "Hindi na, Luigi nakainom na kasi ako ng kape," tugon ko. Mabuti na lang talaga at nawala ang sakit ng ulo ko sa kape dahil kung hindi ay talagang malilintikan sa akin ang lalaking nambulabog kagabi sa kwarto ko. Walang hiya siya! Pagkuwa'y bumalik na ulit si Luigi sa kanyang ginagawa samantalang kami naman ni Heart ay nagpatuloy pa rin sa pagkulay. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkululay ni Heart nang bigla itong huminto at naging malungkot ang pagmumukha nito. "Heart, may problema ba?" tanong ko sa kanya. "E, kasi, Tita Lj hanggang ngayon wala pa rin si Carol," nakabusangot nitong tugon sa akin. "Sino ba kasi si Carol, Heart? Tsaka hindi ka ba masaya na ako kasama mo sa pag color?' sunod-sunod na tanong ko sa bata. "Playmate ko po kasi si Carol, Tita Lj daughter po siya bi Tito Randal na friend nina Mommy at Daddy," paliwanag sa akin ni Heart. Nakakatuwa si Heart dahil bata pa lang siya ay hindi siya 'yong tipong mahirap kausapin na bata at napakagaling nitong sumagot. "Oh? E, baka nag re-ready pa ang friend mo wait na lang muna natin siya ha?" pampalubag loob kong tugon sa kanya. "Okay po." Bumalik na ulit kami sa pagkukulay hanggang sa tawagin na ulit si Heart ni Luigi upang makapaghanda para sa party niya. Maging ako ay nag-ayos na rin sa aking kwarto. "Lj, aalis na ako," wika ni Joanne dire-diretso kasi itong pumasok sa loob ng aking silid mabuti na lamang at hindi hubo't-hubad. "Kailangan ko pa kasing habulin ang flight ko sa airport," dugtong pa niya. Lilipad na kasi siya papuntang Vietnam dahil nandoon ang negosyong aasikasuhin niya at doon din naman talaga nakatira ang pamilya niya kaya malamang sa malamang ay matatagalan ulit bago siya makauwi rito sa Pinas. "Anong oras ba ang flight mo?" malungkot kong tanong sa kanya. Palagi na kasi akong nasasanay sa presensiya niya mamimiss ko siya ng husto kahit na mabunganga siyang babae. "Seven." Napatingin naman agad ako pambisig kong relo upang tignan ang oras. It's four-thirty already at kailangan niya na ngang umalis dahil may mga aasikasuhin pa siyang kagamitan. "Mamimiss kita," naluluhang wika ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit. "Mamimiss din kita, Levie Jayn," malungkot din nitong tugon sa akin at sinuklian din niya ang yakap ko. "Huwag kang mag-alala mag v-video call tayo 'lagi para hindi naman natin mamiss ang isa't-isa," pampalubag loob pa niyang turan sabay kalas mula sa pagkakayap sa akin. "Promise mo iyan ha?" paniniyak ko pa sa kanya sabay tulo ng aking luha. Hindi ko na kasi talaga mapigilan ang sarilli kong hindi maiyak. "Oo promise." Tinaas pa nito ang kanang kamay niya bilang panunumpa. And for the last time ay niyakap ko ulit siya ng mahigpit ay pinugpog ko rin ng halik ang buong mukha niya. Nang tuluyan ng umalis si Joanne ay mas umiyak pa ako, siya lang kasi ang nasa tabi ko mula noong namatay na si Lito ni minsan ay hindi niya ako pinabayaan tapos kasama ko pa siya sa bahay ko kaya nakakalungkot talaga. Malaking bahagi na ng buhay ko si Joanne sa araw-araw kaya paniguradong maninibago pa ako nito sa bahay pag-uwi ko mamaya kasama ang bagong driver ko. Kasalukuyan na akong nagpupunas ng luha ko nang may kumatok sa pintuan na aking kwarto agad ko itong pinahintulutang pumasok at si Ayana pala. "Tara na sa baba nagsisimula na kasi ang party," nakangiting wika ni Ayana. "Sorry, Aya ha kung ngayon pa ako naging iyakin tummiming din kasi itong si Joanne, e," hingi ko ng tawad sa aking pinsan. "Ayos lang maski ako ay nalungkot din nga, e ang kaso hindi ko pwedeng ipakita kasi birthday ngayon ni Heart." Lumapit pa ito sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko. "Sige na ayusin mo na iyang sarilli mo tapos bumaba ka na ha? Sakto nasa baba na rin si Randal kasama ang anak at kapatid niya inimbitahan din kasi namin sila," litanya pa niya. "Sige mabuti naman kung ganun ng makilala ko na rin siya," tugon ko. "Oo at huwag kang mag-alala after ng party ni Heart ay sasama na siya sa pag-uwi mo," saad pa ni Ayana, at saka na ako nito iniwan sa aking silid. Inayos ko na rin agad ang sarilli ko upang maging kaaya-aya naman ang pagmumukha ko sa party ni Heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD