CHAPTER 7- Randal

1809 Words
Laking pasalamat ko ng mapakiusapan ko si Ma'am Lj nakahinga rin ako ng maluwag dahil matutuloy ang pagtatrabaho ko sa kanya. Mabuti na lang talaga at hinayaan niya akong makapagpaliwanag kaybuti naman pala ng kanyang puso. At hindi lang siya mabait dahil napakayaman pa niya manghang-mangha ako sa bahay na meron siya ang laki at napakaganda. Dati ay nakikita ko lang ang ganitong klaseng bahay sa mga palabas ngayon ay aktwal ko ng nakita. Naalala ko tuloy si Carol gustong-gusto rin kasi niya ang mga bahay na tulad kay Ma'am Lj. Ngunit ang pagkamangha ko sa bahay ni Ma'am Lj ay napalitan ng makita ko na siya, agad akong napamura sa aking isipan ng makita ko ang nakahantad nitong katawan. Hapit na hapit kasi sa kanyang katawan ang mga suot niyang itim na sleeveless at skinny shorts na napaikli kitang-kita ang kinis at kaputian niya. Gusto ko mang pagalitan ang sarilli ko ngunit sadyang nangingibabaw talaga ang pagnanasa ko sa aking amo na kahit alam ko namang mali. Iba talaga ang tama sa akin ni Ma'am Lj sa katunayan nga ay magpahanggang ngayon ay hindi pa rin maalis-alis sa aking isipan ang dalawang dibdib niyang nakita ko kagabing lumantad sa aking harapan. Kinakausap niya ako pero parang hindi ko iyon maintindihan dahil ginugulo talaga niya ang utak sa ibang bagay lalo na't sumasaludo na ang utol ko na nasa pagitan ng hita ko. At mas lalo pa itong tumayo ng kinapa ni Ma'am Lj ang noo at leeg ko sumasakit na ang puson ko. Pambihira! Pagkatapos niya akong kausapin ay malalaking hakbang agad ang ginawa ko patungo sa aking silid at saka nagsalsal. Ilang malulutong na mura at ungol ang napakawalan ko bago ako tuluyang makaraos. Naghugas na agad ako ng katawan sa banyo dahil sa kagagawan ko. Pagkatapos kong gumawi sa banyo ay humiga agad ako kamang sakto lang para sa akin. Nakonsensiya ako sa ginawa ko dahil amo ko pa mismo ang pinagnanasaan ko pero sadyang iba talaga ang epekto niya sa akin, e. Upang malibang ay tumawag na lamang ako kay Anna para makamusta sila ngunit hindi na nito sinasagot ang tawag malamang ay tulog na tulog na ito kaya bukas na lang ulit ako tatawag sa kanila kaya natulog na lang din ako. KINAUMAGAHAN, pagising ko ay gumayak na agad ako dahil maaga pang pumapasok si Ma'am Lj sa kanyang trabaho. Nang matapos na ako ay naglinis muna ako ng kotse dahil ang dungis na nito, hindi nagtagal ay tapos na rin ako kaya sinuot ko na ang puting polo ko na siyang umiporme ko. Paglabas ko sa aking silid ay dumiretso ako sa pool area ng bahay ni Ma'am Lj at sakto naghahain na ng pagkain si Mae. "Randal, gising ka na pala, gutom ka na ba kumain ka na riyan para paglabas ni Ma'am Lj diretso alis na kayo," litanya ni Mae. "Hindi pa ba gising si Ma'am?" tanong ko. "Tulog pa siya ng ganitong oras palagi rin kasing puyat si Ma'am Lj sa trabaho," salaysay ni Mae. "Siya nga pala, Randal hindi iyan madalas umuwi si Ma'am Lj," dagdag pa ni Mae. "E, saan siya umuuwi at natutulog?" tanong ko naman. "Doon sa Starlight sa resorts niya." "Ganun? Ang laki-laki ng bahay niya tapos hindi niya inuuwian? Sayang naman," nanghihinayang kong saad, na ikinatawa naman ni Mae. "Sira! Mas gusto kasi roon ni Ma'am Lj sa resorts niya para wala ng hassle sa trabaho niya," tugon ni Mae. "Ibig sabihin may bahay din doon si Ma'am Lj?" "Wala pero may sarilli lang siyang kwarto roon." "Mahal na mahal kasi talaga ni Ma'am Lj ang trabaho niya dahil pangarap nila iyon ng asawa niya," kwento pa ulit ni Mae sa akin. Pambihira may asawa na pala si Ma'am Lj tapos pinagnanasaan ko pa siya? Hindi talaga tama ang ginagawa ko. "May asawa na pala si Ma'am Lj?" tanong ko kay Mae sabay upo sa silya upang makakain. "Oo si Sir Lito pero matagal ng sumalangit, at simula noong namatay si Sir, e, work here, work there na talaga si Ma'am Lj." Patango-tango naman ako habang nagkukuwento si Mae. Parehas na pala kaming biyoda at biyodo ni Ma'am Lj sa mga asawa namin matagal ng walang nag-aalaga sa amin at walang nagpapasaya sa aming mga puso. "O siya, Randal maiwan na muna kita at maglalaba pa ako kain ka lang nang kain diyan," paalam na ni Mae sa akin. "Kung gusto mo ng kape kuha ka na lang sa kusina ha?" bilin pa niya. "Salamat, Mae pero hindi ako mahilig sa kape," pasalamat ko naman sa kanya at saka na ako nito iniwan upang gawin ang kanyang susunod na gawain. Maya-maya pa ay dumating na rin si Ma'am Lj at napakapormal ng kanyang kasuotan business attire ang suot kung kaya't walang makikitang maselang parte ng katawan tanging ang maamo lamang nitong mukha na kaysarap titigan sa buong araw. "Morning po, Ma'am Lj kain po tayo," bati at pag-aya ko sa kanya. "Sige lang, by the way nakapag carwash ka na ba?" tanong nito sa akin. "Opo, Ma'am kanina pa po aalis na po ba tayo?" tanong ko naman sa kanya. "If you're done with your breakfast then alis na tayo." Uminom na ako ng tubig at saka tumayo mula kinauupuan ko nabusog na rin naman ako sa kinain ko. "Tara na po, Ma'am!" aya ko na sa kanya at tinungo na namin ang garahe. Sumakay na kami saka tuluyang umalis sa pamamahay ni Ma'am Lj minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa Starlight Hotel and Resorts Si Ma'am Lj ang may-ari nito at labas pa lang ng lugar ay maganda na ano pa kaya sa loob. Tinuro sa akin ni Ma'am Lj ang sarilli nitong parking space ang galing dahil may sarilli siyang parking space at ang laki pa kahit isa lang naman ang kotse niya. Pagkababa namin ay tinulungan ko rin siya sa kanyang dalang isang bag at apat na folders na punong-puno. "Follow me, Randal," utos niya at nagpatiuna na ito sa paglalakad. Pagpasok namin sa loob at kaliwa't-kanang bati agad ang natatanggap niya mula sa kanyang mga empleyado. At tanging pagtango lamang na tinutugon nito hindi rin nakatakas sa mga mata ko ang mata ng mga kababaehan na nasa akin hindi naman sa pagmamayabang pero halatang hangang-hanga sila sa akin at may iba pang kinikilig. Parang artista tuloy ang dating ko rito sa resorts ni Ma'am Lj. "Salamat, Randal mag ikot-ikot ka na lang muna rito then kapag nagutom ka na sa tanghali mag order ka lang ng gusto mong kainin sa restuarant. You can also have your coffee break," litanya nito sa akin. "Sige po, Ma'am Lj salamat po," pasalamat ko naman agad sa kanya. "By the way, leave your mobile number here, para matawagan kung sakaling may pupuntahan ako." Humiram ako ng ballpen sa kanya saka sinulat ang muber ko sa scratch paper na binigay niya pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas sa office niya. Tulad ng sinabi ni Ma'am Lj ay nag ikot-ikot nga muna ako sa buong resorts niya at tunay ngang kayganda nito napakalinis at napakasariwa ng hangin. Kaya ang daming pumupunta rito upang mag relax at siguro ang iba ay bagong kasal. Bigla ko tuloy naisip si Carol kung malalaman niyang may resorts ang ako ko ay malamang magkukumahog iyong sumama sa akin. 'Di bale mag-iipon ako para madala ko siya rito at para makakain din siya ng mga masasarap na pagkain dito. Pagsapit ng tanghali ay kumain ako sa restaurant simple at mga kilalang pagkain lang ang inorder tsaka hindi gaano karami dahil nakakahiya naman kay Ma'am Lj baka isipin nu'n na abusado ako. Pagkatapos kong kumain ay tumambay na lamang ako sa pool area ng resorts niya binabantayan ko rin ang cellphone ko baka kasi bigla na lang akong tawagan ni Ma'am Lj. Ngunit sumapit na lang ang hapon ay hindi naman ako nakatanggap ng tawag mula sa kanya. "Igawa mo muna si Ma'am Lj ng kape bilis para maihatid ko na agad sa office niya," dinig kong wika ng isang staff ng mapa daan ako. "Ms, mawalang galang na 'yong kaoeng inutos mo sa kasamahan mo para iyon kay Ma'am Lj tama?" magalang kong tanong sa babaeng staff. "Yes, Sir sa kanya nga po, bakit po sana?" tanong naman agad nito sa akin. "Ako ang bagong driver niya si Randal at kung maaari sana ay ako na lang ang maghahatid ng kanyang kape may sasabihin din kasi ako sa kaniya," presinta ko. Mula kasi kanina ay hindi ko siya nakitang lumabas dito kaya mas mainam kung ako ang maghahatid ng kape niya baka may iuutos siya sa akin. "Sige, Sir maupo po muna kayo habang naghihintay ng kape ni Ma'am." "Samahan mo na lang din ng sandwich, Ms," request ko pa, at tumango naman agad ito bilang tugon. Hindi nagtagal ay dumating na ang order ni Ma'am Lj kaya dinala ko na agad iyon sa office niya. Bago ako pumasok sa loob ng office niya ay kumatok muna ako ng tatlong beses ng marinig ko ang pahintulot nito mula sa intercom na nakasabit sa gilid ng pintuan niya ay pumasok na agad ako. "O, Randal, bakit ikaw ang naghatid ng kape ko? May tao akong inutusan para riyan." "Magandang hapon po, Ma'am ako po talaga ang nagpresintang maghatid nito sa inyo, Ma'am," tugon ko sabay lapag ng tray sa ibabaw ng desk niya. "Thank you then," pasalamat naman agad niya sabay kuha ng kape sa tray. "Sa'yo ba 'tong sandwich? Hindi naman kasi ako nag order nito," tanong pa niya ng makita niyang ang sandwich. "Ako po nag request niyan, Ma'am at para po talaga sa inyo iyan para mabusog po talaga kayo mukhang busy po kasi talaga kayo sa buong araw, e." "This is my life, Randal tanging bahay at trabaho lang ako at libangan ko na itong pagtatrabaho ko," salaysay pa niya. "Grabe naman kayo, Ma'am balak niyo po talaga sigurong maging bilyonarya?" pabirong tanong ko pa. "I am already. Sadyang ganitong buhay na talaga ang nakasanayan ko," turan pa niya. "Pero, Ma'am hindi rin po masamang mag enjoy minsan," suhestiyon ko. "Paminsan-minsan nag eenjoy naman ako kasama sina Aya at ang best friend naming si Joanne. Ang kaso wala naman naman ngayon dito sa Joanne sa Pinas at busy naman si Aya sa pamilya niya so, paano ako mag eenjoy ngayon niyan kung ako lang mag-isa 'di ba?" May punto nga naman si Ma'am Lj. "Sa bagay sige, Ma'am labas na po muna ako at baka marami pa kayong gagawin," paalam ko na sa kanya saka lumabas sa kanyang office. "Mommy sakay po tayo mamaya sa roller coaster," dinig kong wika ng bata sa kanyang ina habang naglalakad ako sa pasilyo. Bigla ko tuloy naisip na dalhin sa perya si Ma'am Lj mamaya pagkatapos ng trabaho niya para naman makapag enjoy siya. Nakapunta na kaya siya ng peryahan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD