Hindi na ako nakihalobilo sa mga tao sa party ni Heart dahil nga malungkot talaga ako kaya tamang tanaw lang ako mula rito sa loob ng kanilang mansion.
Everyone is enjoying the party especially the kids, nakakatuwa silang pagmasdan kung biniyayaan lang sana kami ni Lito noon ng anak ay malamang isa rin siya sa mga nakihalobilong bata sa party ni Heart.
"Ma'am Lj, hindi po ba kayo lalabas?" tanong sa akin ng isang kawaksi nina Aya at Luigi.
"Hindi na dito na lang ako," tugon ko.
"Sige, Ma'am kayo po ang bahala kapag may gusto po kayo tawagin niyo lang po ako," turan pa niya.
"I'm fine, salamat," pasalamat ko naman sa kanya at iniwan na ako nitong mag-isa rito sa sala.
Maya-maya pa ay pumasok naman si Ayana dito sa loob dahil may kinuha siya.
"Lj, kapag nagutom ka o na uhaw kuha ka lang diyan ha? Pasensiya na at hindi muna kita maasikaso," bilin pa niya sa akin.
"Ayos lang ako rito, Aya mag enjoy ka na muna kasama si Heart," nakangiting tugon ko.
Ngitian pa muna ako nito bago naging abala ulit sa party ng kanyang pinakamamahal na anak.
Hanggang sa natapos na ang birthday ni Heart ay hindi talaga ako lumabas minabuti ko na lang din na ayusin ang mga dala kong gamit dahil uuwi na rin ako ngayong gabi at makakasama ko na ang bagong driver ko.
Pagkatapos kong asikasuhin ang mga dala ko sa aking silid ay bumaba na agad ako.
"Lj, okay ka na ba?" tanong sa akin ni Aya inabangan kasi ako nito sa baba ng hagdan nila.
"Yeah, naayos ko na lahat ng mga gamit ko," tugon ko naman agad sa kanya.
"Mabuti naman kung ganun tara na sa labas para makilala mo na rin ng personal si Randal." Lumabas na agad kaming dalawa.
"Ano, Lj ready ka na ba?" tanong naman sa akin ni Luigi paglabas namin ng asawa niya.
"Oo, Luigi pasensiya na at hindi ako nakipaghalobilo sa inyo kanina sa party, " hingiy paumanhin ko pa sa kanya.
"Wala iyon ang mahalaga ay nakadalaw ka ulit dito sa amin." Mabuti na lang talaga at mabait itong napangasawa ng pinsan ko.
Saglit pa ay na nabaling na lahat ng atensyon namin sa lalaking kakasulpot lang sa gawi namin at ganun na lang ang gulat ko ng mamukhaan ang lalaki. Siya lang naman ang lalaking nambuso sa akin kagabi sa kwarto ko.
"Lj, this is Randal Balboa and he's going to be your new driver." Anak ng buko! Bakit siya?!
Nakitaan ko ng hiya ang pagmumukha ng lalaking ito ngunit hindi pa rin talaga mawala-wala ang inis sa aking puso dahil kagagawan niya kagabi. Bwisit siya!
"Maiwan muna namin kayong dalawa ha? Para makapag-usap kayo ng maayos," wika naman ni Aya at iniwan na agad kami nilang mag-asawa.
Sumiklab agad ang damdamin ko ng kaming dalawa na lang ni Randal ang naiwan kung kaya't pinukol ko ito ng masamang tingin.
"M-ma'am, alam ko pong sobrang mali ang nagawa ko kagabi sa inyo pero maniwala ho kayo hindi ko talaga iyon sinasadya. Naghahanap po kasi ako ng banyo kagabi at sa kakamadali ko po ay napadpad ako sa silid ninyo patawarin niyo po sana ako, Ma'am huwag niyo po akong kasuhan parang awa mo na kailangan po ako ng anak ko at tanging ako lang ang inaasahan niya at ako na lang din ang tanging meron siya," pagmamakaawa niya at kulang na lang ay lumuhod ito sa harapan ko.
Ang kaninang inis at galit ko ay napalitan naman agad iyon ng awa. Sa tingin ko ay nagsasabi naman siya ng totoo at hindi ko naman talaga tototohanin ang pagsampa ng kaso laban sa kaniya. Totoo nga ang sabi ni Aya na single parent at mabait siya.
Bumuntong hininga muna ako bago ko ito sinagot.
"Wala ka bang pinagsabihan tungkol sa nangyari kagabi?" seryosong tanong ko sa kanya.
"Wala po, Ma'am," umiiling naman agad nitong tugon.
Mabuti naman kung ganun dahil kung nagkataon na may sinabihan siya sa kulungan talaga ang bagsak niya.
"Palalampasin ko itong ginawa mo ngayon pero sa susunod na mangyayari pa ulit iyon talagang may kakahantungan ka," mariing sabi ko sa mahina kong boses.
Tumango-tango naman agad ito bilang tugon at nagpasalamat. Mabait nga siguro 'tong nilalang.
Pagkuwa'y nagpasya na akong umalis na kami lumalalim na kasi ang gabi at baka delikado ng sumakay ng bangka.
"Mag-iingat kayo ha? Randal, huwag mong pababayaan itong pinsan ko kundi lagot ka talaga sa akin," bilin pa ni Aya sa amin.
May hahatid na bangka sa amin dahil may sarilling bangka ang mag-asawa at may bangkero rin kaya hindi na rin kami nahirapan.
"Huwag kang mag-alala, Randal kapag ka may oras ako daan-daanan ko na lang sina Carol at Anna sa bahay ninyo," sabi naman ni Luigi kay Randal.
"Salamat po, Kuya Luigi tatawag naman po ako sa kanila para kahit papaano ay malaman ko rin ang lagay nila rito at para hindi ko rin po mamiss si Carol," tugon naman ni Randal.
Lihim akong napangiti sa sinabi niya kaybuti ng kanyang puso bilang isang ama.
"O siya humayo na kayo at baka umulan pa bigla."
Muli kong niyakap ang aking pinsan maging si Luigi ay ganoon din at saka na kami sumakay ng bangka.
Hindi nagtagal ay dumaong na rin ang bangka pagbaba namin ay dumiretso na agad kami sa kinaroroonan ng aking kotse.
"Dahan-dahan lang," wika ko sabay bigay ng susi ng kotse kay Randal.
Tumango naman siya bilang tugon at ngumiti pa ito sa akin. Infairness ang gwapo niya kapag nakangiti at ngayon ko lang din napansin ang adam's apple niya.
Habang nasa biyahe na kami ay tinuturuan ko siya ng direksyon patungo sa aking bahay tinawagan ko na rin si Mae upang ipagbigay alam na pauwi na kami.
"Ito po ba ang bahay ninyo?" manghang tanong ni Randal habang papasok na ang kotse sa loob ng aking bahay.
"Alangan namang bahay ito ng kapitbahay ko, e, 'di na kasuhan pa ako ng trespassing," pilosopong tugon ko sa aking isipan.
Mukhang tanga naman kasi itong si Randal magtanong.
"Yeah," tipid kong tugon.
"Napakalaki naman po, Ma'am, ilan po kayong naninirahan dito?" tanong pa niya.
"Dalawa," tugon ko pa rin at saktong ipinarada na nito ang kotse sa garage kaya bumaba na agad ako mula sa kotse.
"Kayo po ng asawa ninyo?" May lahing tsimoso yata 'to.
"Siya." Sabay turo ko kay Mae na kakarating lang upang kunin ang mga dala ko.
"Pakibigay na lang sa kanya ang mga dala ko pagkatapos ay hintayin mo muna ako sa pool area magbibihis lang ako. Mae pagkatapos mo sa mga gamit ko ihatid mo siya sa pool area." maawtoridad kong litanya sa kanilang dalawa at saka ko na iniwan ang mga ito garahe.
Pagpasok ko sa aking kwarto ay naglinis na agad ako ng katawan dahil naiinitan na ako nanalalagkit na rin dahil sa tubig dagat, pagkatapos kong gumawi sa banyo ay nagbihis na agad ako saka lumabas ng kwarto at tinungo ang pool area upang makausap si Randal tungkol sa trabaho niya.
Nadatnan ko itong pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay ko at manghang-mangha ito. Ngayon pa lang siguro siya nakakita ng mansion sa buong buhay niya.
"Randal."
"Ay, Ma'am nariyan na po pala kayo, pasensiya na po nagagandahan lang po kasi talaga ako sa bahay ninyo," tugon niya.
Hindi ko na binigyang pansin ang tugon nito sa halip ay ipinaliwanag ko na sa kanya ang magiging trabaho niya pati na rin ang sahod niya. Habang nagpapaliwanag ako ay pansin kong panay ang paglunok niya ng laway at pinagpapawisan na rin ang noo at leeg niya, e hindi naman mainit dito sa pool area.
"Are you okay?" tanong ko sabay tayo mula kinauupuan ko.
Dahil nagtataka ako ay nilapitan ko siya at kinapa ang noo niya gamit ang likod ng palad ko pati leeg niya ay kinapa ko rin pero hindi naman bagkus ay mas naging mariin lamang ang paglunok niya.
"Randal, masama ba ang pakiramdam mo?" muling tanong ko sa kanya.
"A-ang init lang po, Ma'am," kandautal-utal niyang tugon at tila hirap pa ito kung magsalita.
"You sure? Bakit parang nabubuhol iyang dila mo?"
"Ganyan lang po talaga, Ma'am kapag naiinitan ako, " nahihirapang tugon pa rin niya.
"You know what it would be better if magpahinga ka na tutal maaga pa tayo bukas," turan ko, at sakto namang tumunog ang cellphone ko kaya naiwan ko ng mag-isa si Randal sa pool area.
"S**t!" dinig kong mura ni Randal at kahit na mahina ang boses niya ay naabot pa rin iyon ng pandinig ko.
At hindi ko inasahan ang makikita ko ng malingonan ko siya. He's holding his thing down there, at panay pa rin ang pagmumura nito namimilipit din ito sa sakit. Sakit ng puson niya.
Tinigasan ang walanghiya!