Nicomaine's POV
"So what now, Mr. Faulkerson?" Sarkastikong tanong ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nakaupo ako sa harap niya, after almost eight years.
Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko masabi ang nasa isip niya. Sabagay, ang tagal na panahon na ang nakalipas, at sa ngayon ay hindi ko alam ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya.
"Kumusta, Maine?" Sa wakas ay nagtanong siya pagkatapos ng sandaling katahimikan.
Nasa loob kami ng isang cafe. Mabuti na lang at nasa malapit si Coleen. Pinakiusapan ko muna siya na saglit na sunduin si Chelsea para ihatid sa bahay namin. Hiniling ni Chelsea na wag muna umuwi pero nagpumilit ako. Buti na lang, pumayag din siya sa huli.
"Anong gusto mo?" Tanong niya. "My treat." Tinignan niya kung ano ang nasa menu.
"Nothing. I'm fine. Hindi mo na kailangang mag-abala pa." Sagot ko at pilit na umiwas ng tingin.
"Ah, I remember. Iced coffee, right? You loved it. Yung kape na madaming yelo, kahit mawalan na ng lasa. Hindi ba?" Sinubukan niyang ngumiti para lang mabawasan ang awkwardness sa pagitan namin.
Napabuntong hininga ako. "Bahala ka. Whatever." Sabi ko at sinubukang ipahayag na hindi ako interesado sa mga sinasabi niya.
Habang naghihintay ng aming inumin, ay nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan namin. Yung kahit wala naman kaming pinag-uusapan pero pakiramdam ko ay napakalakas ng tension sa pagitan naming dalawa. Alinman sa amin ay maaaring maghulog ng bomba ng emosyon anumang minuto mula ngayon.
"Where have you been?" Tanong niya. "You disappeared after that night when-"
Pinigilan ko siyang magsalita. "Wala ka na don. What's the point of this conversation, Mr. Faulkerson? Bakit kita kinakausap?" Sinusubukan kong kontrolin ang aking emosyon. Nanginginig ang mga kamay ko.
"Mr. Faulkerson? Did you just call me, Mr. Faulkerson? You used to call me, RJ back then. Bakit biglang nagbago?" Ngumisi siya.
After few minutes, dumating na yung drinks namin. Sa totoo lang, kanina pa ako nagugutom. Gusto ko nang umuwi pero ayokong umalis ng ganun ganun nalang.
Ang dami kong gustong sabihin at isumbat sa kanya pero hindi ko magawa. Tila ba may kung anong bagay na nakabara sa lalamunan ko.
"Si Chelsea? Ilang taon na siya?" Tanong niya habang humihigop ng inumin niya.
"She's seven years old. Mag e-eight na." Wala sa sarili kong sagot sa kanya.
"Oh, really. Hmmm?" Napahawak siya sa chin na tila nag-iisip.
"Bakit?" Pilit kong kinakalma ang sarili.
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mula sa isang ngisi ay naging seryoso ito. Hindi naalis sa akin ang kanyang mga mata.
"Tell me honestly, Maine. Anak ko ba si Chelsea?"
Natigilan ako dahil sa tanong niya. "Huh? What makes you say that?" I tried being sarcastic towards him.
"I mean, it's possible, right? After all, it's been 8 years since that night when we made-"
"Are you trying to say na nabuntis agad ako after that night?" Nasabi ko nalang at tinawanan siya.
"Why? Do you think it's not possible? Sa pagkaka alala ko, I didn't used any protection that night. You know what I mean..." Nagtaas ito ng kilay. Halatang gusto akong e-provoke. Gusto niya yata na e-flashback ang lahat nang nangyari sa amin ng gabing yun.
Napailing ako. "Stop imagining, Mr. Faulkerson. Chelsea is not your daughter." I lied.
"Alright..." Nagkibit balikat siya. "Sabi mo eh."
Nagsisimulang bumalik ang mga alaala ng gabing iyon. Kinagat ko aking pang ibabang labi. Hiyang-hiya ako sa tuwing binabanggit niya ang gabing iyon. Gusto kong umalis at tumakas.
"So, what's up? How are you for the past 7 years--?"
"Wala ka na bang sasabihin? Can I leave?" Putol ko sa sasabihin niya.
He sighed. "Already?" Muli niya akong tinitigan. This time, may napansin akong lungkot sa mga mata niya.
Tumayo ako sa kinauupuan at sinubukang umalis pero nagsalita ulit siya. "You are really good at running away, don't you? Just like what you did to me after that night?"
Huminto ako at tinignan siya ng matalim. "What? Anong sabi mo?"
"Ang duwag mo, Maine." Napatayo na din siya sa kinauupuan niya. Ilang pulgada nalang ang layo namin sa isa't isa. Amoy na amoy ko ang pabango niya.
"Gosh, he smells so good."
Napaawang ang bibig ko sa narinig. "Ako? Duwag? How dare you!" Nagsisimula nang bumilis ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko kumukulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya.
"Yes, duwag ka." Inulit niya pa talaga ang salitang yun. Pakiramdam ko ay para akong sinaksak ng matalim na kutsilyo.
"How dare you judge me! You don't know what I've been through all those years." Nag flashback sa utak ko ang mga alaala. Simula nang malaman ko na buntis ako. My pregnancy journey until I gave birth to Chelsea. It was a struggle especially for a single mom like me.
"Then, tell me everything. Tell me what I missed all those years!!!" Bahagya siyang nagtaas ng boses.
"Anong karapatan mo para malaman kung anong nangyari sa 'kin? Ano bang pake mo?! Ano ba kita? You are just a stranger to me." Determinado akong saktan siya.
Lumapit siya sa akin at bumulong, "Yes, I am a stranger. But I am the stranger who slept with you, seven years ago."
Nagkatitigan kami. Nakatingin na ngayon sa amin ang ilan sa mga customer ng cafe.
"I told you. Wag mo nang ipaalala sa akin ang gabing yun? Bingi ka ba or bobo ka lang talaga?!" Sumambulat ako dahil sa galit.
"Why not, Maine? We were so passionate that night. I could still remember the way we kissed, touched, and moaned." Ngumisi siya.
"That night was a mistake, Mr. Faulkerson. At saka paano ka nakakasiguro na ikaw lang ang naging lalake sa buhay ko? Wag ka ngang assuming."
"Huh? A mistake? Wow, I didn't know that my once introverted intern became a confident woman like this. You've changed", aniya.
"I have to go..." Palabas na ako ng cafe. Gustong gusto ko ng umalis kanina pa. Rinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Binilisan ko ang paglalakad. Naiiyak na ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Magkahalong galit, sakit, at awa sa sarili.
Nakarating na ako sa parking area. Pasakay na ako sa kotse nang may biglang may humablot sa kamay ko. Napalingon ako para tignan kung sino. It's him. Humabol pa talaga hanggang dito.
"What about this time, Mr. Faulkerson? Bitawan mo 'ko or else I'll call the police and sue you for harassment." Sabi ko na pilit kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak niya.
Dahan dahan niya akong binitawan. Agad akong sumakay sa kotse. Isasara ko na sana ang pinto nang pigilan niya ako.
"Bakit ka biglang nawala sa tabi ko? When I woke up, wala ka na. I felt so alone. Hinanap kita. Hindi ka na rin pumasok sa opisina. I missed you, Maine." Nagbago ang tono ng boses niya. Kung kanina ay masyado itong sarcastic, ngayon naman ay ramdam ko ang lungkot at pangungulila.
"Just like what I said kanina, it was a mistake. Lasing tayo. Kalimutan na natin yun, Mr. Faulkerson." Sambit ko at agad na pinaandar ang kotse.
"One last thing, Nicomaine. You better make sure that Chelsea is not really my daughter. Kapag nalaman ko na anak ko siya, pagsisisihan mo na tinago mo siya sa akin ng napakatagal na panahon. You know me. I am Richard Faulkerson Jr. I always get what I want. Hindi ako basta-basta sumusuko sa laban." Sabi niya at agad na umatras sa pintuan ng driver's seat.
Nakaramdam ako ng chills sa sinabi niyang yun. Napaka determinado ng tono ng pagkakasabi niya. Mabuti nalang at naisara ko na ang pintuan ng driver seat kundi ay nakita niya ang pamumutla ng mukha ko. Kaagad kong pinaandar ang sasakyan. Pinaharurot ko upang makalayo na sa lugar na yun.
"Bring it on, Mr. Richard Faulkerson Jr. I will make sure na hindi mo na makikita at malalapitan ang anak ko." I whispered as tears finally flowed from my eyes.