Chapter 7

1682 Words
Nicomaine's POV Nasa loob ngayon ng studio ng Unang Hirit sina Maine at ang anak niyang si Chelsea. Magkakaroon kasi ng guesting ang anak niya dahil sa biglaan nitong pagsikat sa social media dahil sa mga nakakaaliw na mga dubsmash videos. Natutuwa siya sapagkat marami na din ang gustong magpa picture sa anak. Pero deep inside, may kakaunti siyang takot at pag aalinlangan na nararamdaman. Natatakot siya sa magiging resulta ng lahat ng ito. Ayaw ni Maine na maging celebrity ang anak pero hindi naman niya ito pwedeng pag bawalan kung ito talaga ang pangarap ng bata. Pinapanood niya si Chelsea sa monitor habang ini- interview ng mga hosts na sina Susan Enriquez at Connie Sison. Tuwang tuwa ang mga hosts habang pinapa- sample nila si Chelsea habang nagda-dubsmash ito. Ayaw man niyang aminin sa sarili ay para sa kanya, magaling naman talaga ang kanyang anak. Napaka confident din ng bata na sumagot sa mga tanong ng mga hosts. "Wow, ang galing mo naman Chelsea. Sino nagturo sa'yo mag dubsmash?", tanong ni Miss Susan. "Ako lang po. Nanonood lang po ako ng videos sa you tube po.", sagot ng bata habang nakakuyakoy ang mga paa sa upuan. "Wow talaga? Ang cute cute mo naman. Alam niyo mga Kapuso, naaaliw talaga ako na panoorin siya eh.", saad naman ni Miss Connie. "Eh 'di happy ka na marami ang nanonood sa'yo? Mahigit na 1 million views na sa f*******:, 'di ba? Alam mo ba na sobrang dami 'non?", tanong sa kanya ni Miss Susan. "Uhm, opo. Happy po ako pero...", natigilan ito sa pagsagot. Yumuko si Chelsea ng bahagya na parang nahihiya at naiiyak. Nagkatinginan ang mga hosts pati ang mga staff ng programa. Mabuti nalang at hindi sila naka live at pwede nila itong e-edit. Kinakabahan si Maine. Gusto niyang tumakbo papunta sa anak pero nawala ang kaba niya nang muli itong magsalita. Lumingon ito at tumingin sa kanya at parang humihingi ng saklolo. Ngumiti siya as a sign of encouragement for her daughter. "You can do it, Chelsea. Kaya mo 'yan, baby. Andito lang si Mama." Ngumiti ito at muling humarap camera at sa mga host. She sighed. Muntik na 'yun ah, she said. Nagpatuloy ito sa kanyang gustong sabihin, "May wish po kasi ako eh." "Ano 'yun, Chelsea?", magkasabay na tanong ng mga hosts. "Ang wish ko po na sana napanood ni Papa ko 'yung mga videos ko po.", she said innocently. Nagulat si Maine sa sinabi ng anak. Hindi niya akalain na magagawa nitong sabihin ang tungkol sa Papa niya. Wala naman siyang sinabi na bawal pag usapan ang Papa niya ngunit natatakot lang siya na sa pamamagitan ng guesting na ito ay lumaki ang chance na magkalapit sila ng kanyang Papa. May tila kurot siyang naramdaman sa puso niya. Kung ganoon lang sana kadal ang lahat. Pero, hindi. Hindi ito magiging madali para sa kanya. Mabuti na lamang at mabilis ang naging tugon ng mga hosts at mabilis nilang naiba ang usapan, "Naku, sigurado ako na napanood ni Papa mo ang mga videos mo, Chelsea. Ikaw pa ba? Ang galing galing mo kaya." Bahagyang tumingin sa kanya si Miss Susan at parang nakuha nito ang ibig niyang sabihin. "Thank you po.", she said to her. Tumango naman ito bilang tugon sa pasasalamat niya. She saved them from that awkward situation awhile ago. Natapos na ang recording ng interview at nasa labas lang sila ng studio. Kasalukuyang inaayos ni Maine ang buhok ng anak. "Mama, pwede po ba ako mag play doon?", tanong nito sabay turo sa mini play house para sa mga bata. "Uhm. Pero uuwi na tayo baby." "Sige na po please. Sandali lang naman po ako mag play. Please, Mama.", pakiusap nito sa kanya na puno ng paglalambing. May lumabas na staff at nagsabi na kakausapin siya ng director tungkol sa ibang detalye ng naging recording nila kanina. Hinatid niya muna ang anak sa play house. Mabuti na lamang at may nakabantay sa mga bata habang naglalaro ang mga ito. "Baby, sige payag ako na mag play ka dito ha? Pero wag kang aalis dito, okay? Do not talk and go with strangers.", paalala niya dito habang nilalagyan ng towel ang likod ng anak. "Okay po, Mama.", sagot nito na tuwang tuwa. "Promise? Dito ka lang? Hindi ka makikipag away sa ibang mga bata? Promise?" "Opo, Mama. Promise, pinky swear. Big girl na po ako. Hindi na po ako baby, Mama.", sabi nito sa kanya sabay hagikhik. Dali dali itong nakipaglaro sa mga bata na nandon. Pinakiusapan niya ang in charge ng play house na tingnan tingnan ang anak habang wala siya. Saglit lang naman daw ang magiging meeting nila. "Miss, pakitingnan nalang 'yung anak ko ha. Kakausapin daw ako sandali ng director. Babalik ako agad." "Wag po kayo mag alala. Dito lang naman po ako, Maam." Napanatag naman ang loob ni Maine at muling pumasok sa studio. Third Person's POV Samantala, tuwang tuwa naman si Chelsea habang nakikipaglaro sa ibang mga bata. Madalang lang naman siya magkaron ng kalaro sa Bukidnon dahil nasa gitna ng malaking taniman ng pinya ang bahay nila at malayo din siya sa mga classmates niya. Nasa mini slide siya nang may napansin siyang isang lalake na dumaan sa labas ng play house. "Sir Tisoy?", sabi niya. Sakto naman na hindi nakatingin sa kanya ang bantay ng play house kaya nakalabas siya agad. Nahabol niya ang lalake at tinawag muli. Sumigaw siya at narinig naman siya nito. "Sir Tisoy!!!!", sigaw niya dito. Lumingon ito sa kinaroroonan niya at agad siyang nilapitan. Hindi nga siya nagkamali. Siya nga si "Sir Tisoy." Ang lalaking nakilala ni Chelsea sa Enchanted Kingdom. Si Richard Faulkerson Jr. Ang CEO ng RoChard Furnitures at Papa ni Chelsea. "Chelsea! Ikaw na ba 'yan?!" tanong niya dito. "Opo. Whew. Huuu! Hingal po ako.", sabi nito sa kanya na hingal na hingal. "Ha? Bakit? Okay ka lang ba? Anong nangyari?", tanong niya sa bata. "Hingal po kasi tumakbo po kasi ako. Hinahabol ko po kayo kanina. Ang bilis mo po kasi tumakbo eh.", sabi nito na tila nagmamaktol. He breathed a sigh of relief. Akala niya kung ano na ang nangyayari sa bata. "Ganun ba? Sorry. May tumatawag kasi sa akin kanina kaya hindi kita narinig. Sorry na please." "Uhm, okay po, Sir Tisoy." "Pwede ba na Kuya Tisoy nalang itawag mo sa akin?" "Kuya Tisoy? Sige po." "Bakit mo ba ako tinatawag na Sir Tisoy? Huh?" Saglit nag isip ng bata, "Uhm, kasi po ang puti puti niyo po eh. Para po kayong espasol." Natawa si Richard sa sinabi ni Chelsea sa kanya. Nawala ang lahat ng inis niya kanina at napalitan ito ng tuwa. Sobrang cute para sa kanya si Chelsea. "Espasol? Alam mo kung ano ang espasol?", tanong niya dito na pinipigilan ang tawa niya dahil maraming tao ang dumadaan. "Opo, Kuya Tisoy. Alam ko po ano 'yung espasol. Color white po 'yun na pagkain. Lagi po ako binibilhan ng Lola ko ng ganun po. Favorite ko 'yun eh.", inosente nitong sagot sa kanya. Napansin ni Richard na pinagpapawisan ang bata kaya dali dali niyang kinuha ang panyo na nasa loob ng bulsa niya. Pinunasan niya ang pawis nito. Saglit niyang tinitigan ang mukha ng bata. Hindi niya talaga maiwasan na lumambot ang puso niya dito. Hindi niya din alam kung bakit. Ang gaan gaan ng loob niya dito. Gusto niya itong yakapin pero hindi niya magawa. "Chelsea, baby. Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo, ha?" "May gues---uhm, ano nga tawag doon? Nakalimutan ko na po. Kasama ko po si Mama. Pero pumasok po siya ulit sa loob ng room na 'yun na maraming camera po.", mahaba nitong paliwanag sa kanya. "Ah, may guesting ka pala? Wow, sikat ka na nga eh. Napanood ko mga videos mo. Ang galing mo mag dubsmash eh.", sabi niya sabay puri sa bata. "Talaga po, Kuya Tisoy? Napanood niyo po 'yung mga dubsmash videos ko po?" "Oo naman." Kakatapos lang ng meeting ni Maine kasama ng director ng programa. Agad niyang binalikan si Chelsea sa play house. Nagulantang siya. Wala doon ang anak. "Sorry, Maam. Andito lang 'yun kanina eh. Nalingat lang siguro ako. Pasensiya na po." "Okay lang. Hanapin ko nalang. Wala ka namang kasalanan." Nabalot ng takot at pangamba ang buong pagkatao niya. Nawawala ang nag iisa niyang anak. "Chelsea, anak!", tawag niya sa pangalan nito. Kinakabahan siya sa mga pwedeng mangyari. Ayaw niyang mag overthink pero hindi niya maiiwasan. Natakot na siya noong minsan na nawala si Chelsea sa Enchanted Kingdom. At ngayon ulit. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyaring masama sa anak. Makalipas ang ilang minuto ay nakita niya din ito na karga ng isang lalaki. Nakatalikod ito kaya hindi niya agad namukhaan. Hindi naman siguro ito kidnapper. Parang komportable ang anak niya habang karga siya nito na tila ba matagal niya na itong kilala. "Chelsea, anak!", tawag niya dito. Lumingon ang lalaki. Nagulat siya. Nagulat din ito nang makita siya. "Maine?" "RJ?" Agad na kinuha ni Maine ang anak mula sa kanya. "Hi, kumusta ka?", he asked her. "Anak niya si Chelsea? Nag asawa siya? Posible kaya na anak ko siya? Oh, God." Sobrang kaba ang nararamdaman nilang dalawa na tila ba may tumatambol sa loob ng mga puso nila. Napalunok si Maine ng laway. After almost 8 years, nagkita silang muli. He can't believe it. That he's seeing her right now. Masaya siya na kinakabahan. Magkahalo ang emosyon ang nararamdaman niya sa ngayon. "O-okay lang.", she answered and looked away. "Mama, kilala mo po si Kuya Tisoy?", biglang tanong sa kanya ng anak. "No, baby.", she said. Still not looking at him. "Okay po, Mama." "Baby, 'di ba I told you na...do not talk and go with strangers? Nag promise ka kay Mama kanina, 'di ba?" "Wow, strangers talaga, Maine?", he asked in a sarcastic tone. "Bakit? Ano bang tawag sa'yo?", she rolled her eyes. "We need to talk, Maine." "Why? May kelangan pa ba tayong dapat pag-usapan, Mr. Richard Faulkerson Jr.?" "Yes, a lot. And I want to talk to you, right now.", he said with a determined look on his face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD