Nicomaine's POV
Maagang nagising si Maine ng umagang 'yun. Marami siyang gustong gawin para sa araw na ito. Kababalik lang nila ng anak na si Chelsea galing Bulacan. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makitang muli ang kanyang Nanay, Tatay, at mga kapatid. Nagkausap sila ng masinsinan, nagkapatawaran, nag-iyakan. Nagpapasalamat siya sa Diyos sapagkat naayos din ang lahat. Sa loob ng halos limang taon ay nakaramdam siya ng kakulangan ngunit ngayon ay masaya na ulit ang puso niya.
Nakangiting pinagmasdan niya ang anak na mahimbing pang natutulog. Lumalaki na si Chelsea. Nagsisimula na itong magtanong tungkol sa mga bagay- bagay sa buhay. Minsan nga ay binibiro siya na tila matanda kung mag-isip at magsalita. Matalinong bata si Chelsea.
Hindi parin naman mawala sa isip niya ang posibilidad na totoo nga na nagkita sila at ng kanyang ama na si Richard Faulkerson Jr. Nais niyang iwaglit sa kanyang isipan at pinapaniwala ang sarili na baka hindi naman 'yun totoong nangyari. Na baka gawa gawang kuwento lang 'yun ng kanyang anak. Ngunit kilala niya si Chelsea na hindi nagsisinungaling.
Maya maya pa ay nagising na ang kanyang anak. Dahan dahan itong kumilos at idinilat ang kanyang mga mata at ngumiti nang makita siya.
"Good morning, Chelsea.", bati niya dito habang hinahaplos ang magulong buhok.
"Good morning po, Mama.", agad itong bumangon at yumakap sa kanya.
Nanatili sila sa ganung posisyon ng ilang segundo. Sa totoo lang ay kontento naman silang mag ina sa ganitong sitwasyon ngunit nararamdaman niyang may mga panahong nalulungkot ang anak. Minsan ay nakita niya itong naka upo lang sa terrace nila. Nakatitig sa kawalan. Alam niyang naghahanap siya ng kalinga ng isang ama ngunit ayaw lang nitong magsabi sa kanya. Dahil gaya niya, si Chelsea ay isang introvert.
Oo, isang batang introvert si Chelsea. Hindi ito mahilig lumabas ng bahay. Madalas lang itong nasa loob at nagbabasa ng libro at naglalaro sa mga toys niya ng mag-isa. Kaya mas lalo siyang nag aalala dahil baka may dinaramdam na ito ngunit ayaw lang magsabi sa kanya. Kaya sinisigurado ni Maine na palagi silang magkasama upang matutukan niya ng husto ang paglaki ng anak.
Katatapos lang nilang mag breakfast nang mga oras na 'yun. Bakasyon pa naman ngayon kaya tinuturuan niya si Chelsea sa mga simpleng gawaing bahay. Mahilig din itong gumamit ng gadgets ngunit nililimitahan niya ang oras. Wala naman itong reklamo sa mga rules niya.
Noong mga nakaraang Linggo ay nahilig ito sa dubsmash application. Minsan ay nahuhuli niya itong nagda-dubsmash at pinagtatawanan ang sarili pagkatapos. May f*******: account naman ito pero siya ang may kontrol. Ayaw niyang masanay dito ang bata.
Biglang tumunog ang phone ni Maine. Tumatawag sa messenger ang kaibigang si Hazel mula sa Thailand. Nag video call sila.
"Hi, Mars. Kumusta kayo?", bati ni Hazel sa kanila.
"Hello, Mars. Okay naman kami. Oh, Chelsea ayan oh. Si Teacher/Ninang Hazel mo."
"Hello po, Teacher/Ninang Hazel.", bati nito sabay kaway sa screen.
"Hello inaanak, kumusta ka na?"
"Okay lang po. Saan po si Ninong James?"
"Nasa work siya ngayon eh."
"Ah, okay po.", sabi nito sabay alis para maglaro.
Silang dalawang magkaibigan naman ang nag-usap.
"So, feeling mo na nagkita 'yung mag-ama sa Enchanted Kingdom. Ganun?"
"Oo. Pero ayoko paniwalaan eh. Baka hindi 'yun si RJ. Baka kamukha niya lang."
"Aysus! Come on, Mars. Face it. Kung sakaling magkikita or nagkita man sila, you have to accept it. Kumbaga, destiny na ang may gawa nun. Kasi nga, 'what's meant to be, will always find it's way."
"I don't know, Mars. I'm not yet ready na harapin siya. Maaalala ko lang lahat ng sakit mula sa nakaraan eh."
"Ikaw ang bahala. Pero, you have to prepare yourself. Baka naman kasi one of these days mag krus ulit ang landas niyo. At kapag nangyari 'yun, dapat maganda ka. Blooming. 'Yung masasabi niyang sayang dahil pinakawalan ka niya. Dapat may bonggang comeback na talagang PAK na PAK. Ganern.", sabi nito sabay tawa.
"Alam mo ikaw, baliw ka talaga."
"Uy, siyanga pala. Napanood ko 'yung mga dubsmash videos ni Chelsea ha? Infairness, ang galing ng inaanak ko. Magaling umarte sa harap ng camera. Dumadami ang views. Last time I checked, mga nasa 100,000 na. Ang galing eh."
"Oo nga eh. Hindi ko na napigilan Mars. Mahilig talaga humarap sa camera."
"Eh san pa ba magmamana 'yang anak mo? Eh 'di sa'yo."
"Hoy, hindi naman. Grabe ka."
"Oh siya. Magba-bye na ako sa'yo ah. I need to go kasi may lunch date pa kami ni hubby. Alam mo naman 'yun, mabilis akong ma-miss kahit sandali pa lang kami nagkakahiwalay."
"Oo na. Ikaw na ang may love life. Alis na.", biro niyang sabi sa kaibigan.
"Sus naman. Sige na. Bye. Gotta go, sagow. See you later, Mars."
"Bye..."
Saglit siyang natigilan at bahagyang tinitigan ang anak na abala sa mga coloring books niya. Noong una niyang mapanood ang dubsmash videos nito ay natuwa naman siya. Ayaw sana niyang e-upload ang videos pero nagmakaawa sa kanya ang anak. Baka daw mapanood ng Papa niya na nasa malayo. Her heart almost broke into pieces while hearing those words. Gusto ko po mag smile si Papa sa mga videos ko. Paano pa ba siya makakatanggi dito?
Naalala niya dati na palagi niyang vini-video si RJ kapag magkasama sila. Mahiyain ito kaya minsan ay nahihirapan siyang kumuha ng mga disenteng pictures at videos. Madalas silang magtawanan at magkulitan. Isang magandang alaala na tila ba naging bangungot sa kanya na gusto na niyang kalimutan.
"Mama, mama...look oh. Ang dami na pong views ng dubsmash videos ko.", pagmamalaking sabi sa kanya ng anak.
"Patingin nga...wow naman! Oo nga, nak. Ang galing naman ng baby ko. Payakap nga, umph."
"Mama, fist bump po dapat.", sabi nito sa kanya sabay kawala sa yakap niya.
"Ay, ayaw mo na ng yakap mula kay Mama?"
"Hmmm. Gusto po. Embrace po tayo ulit. Wag na po ikaw magtampo, Mama.", paglalambing sa kanya ng anak.
"Ump, sige na nga."
"Mama?"
"Hm?"
"Tingin mo napanood na po ni Papa 'yung videos ko?"
Awkward silence...
"Ahhh. Hindi ko pa alam anak. Umph, siguro."
"Sana napanood na ni Papa. Para mag smile po siya. Sana makita ko na siya. Sana bumalik na po siya, Mama."
Pilit na pinapakalma ni Maine ang sarili. Inaalo na lamang niya ang anak. Pakiramdam niya ay tila tumagos sa puso niya ang lahat ng mga sinabi sa kanya ni Chelsea.. Those were dreams and longings of her daughter's heart; from an innocent and precious soul. It hurts hearing those words and seeing Chelsea like this. Pero hindi alam ni Maine kung paano ipapaliwanag ang lahat. Hindi niya mawari kung saan siya magsisimula.
Richard's POV
Samantala sa loob ng office ni Richard ay kanina pa siya hindi mapakali. This may be one of the worst days in his life as the CEO of the company. Canceled investors meeting, delayed deliveries of suppliers, unedited reports, tons of documents to review.
Kanina pa sumasakit ang ulo niya. At halata na ng mga empleyado ni Richard...that he is already pissed. Tahimik na nagtatrabaho ang mga ito. Tinawag niya ang secretary na si Mae.
"Mae, ano na? Wala pa bang updates from our suppliers in Samar?"
"Eh Sir. Wala pa po talaga."
"Whaaat?", he slams the table.
Nagulat si Mae sa ginawa niya, "Sir, sorry po talaga. Tinatawagan ko po pero wala pong sumasagot eh."
"So, wala ka ng gagawin? Call them again!!!", he shouted.
"Ye-yes Sir. Sandali lang po."
Makalipas ang ilang sandali ay bumalik muli ang sekretarya, "Sir, nakausap ko na po 'yung supplier natin from Samar. Alam ko na po ang rason kung bakit hindi pa dumadating ang mga deliveries nila."
"Why?"
"Sir, 'yung cargo vessel po na may karga ng supplies natin... were caught up in a storm. Actually, may bagyo po ngayon sa Samar. Sinusubukan po nilang tawagan pero hindi na po sila ma kontak. Baka daw po nalunod 'yung cargo vessel."
"What?"
"Sorry po Sir."
"Okay, Mae. Update mo nalang ako."
Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si RJ. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Parang ang lahat ay hindi umaayon sa mga gusto niyang mangyari. Then, his phone rang. It's his dad, Richard Faulkerson Sr. Kasalukuyan itong nasa South Korea.
"Hello, Dad."
"Yes, son. How's everything in there?"
"Ah...E-everything's fine, Dad. Don't worry.", he stutters.
"Talaga?"
"Ye-yes Dad."
"Are you sure?"
"Yes, of course."
"Oh, well. I know that you will never disappoint me. I trust you, my son. Anyway, I will be going home in three days. So, I'll see you soon. I missed you, anak."
"I missed you too, Dad."
"Bye, son."
"Bye, dad. Take care."
Dumating na ang oras ng tanghalian. Walang ganang kumain si Richard at nilalaro niya lang gamit ang kubyertos ang kanyang pagkain. Mula sa opisina niya ay naririnig niya ang tawanan ng kanyang mga empleyado. Dahan dahan siyang sumilip mula sa pintuan. Nakita niyang may tila pinapanood sila sa cellphone na nakakatuwa.
"Ang cute cute niya noh?"
"Oo nga. Ang galing niya mag dubsmash kahit bata pa siya."
"Artistahin talaga..."
"She is so adorable, di ba?"
"Napanood mo na ba 'to?"
"Sino? Si Dubsmash Princess? Oo naman. Paulit ulit nga 'yan pinapanood ng bunso ko eh."
"Nakaka aliw kasi. Nakakawala ng pagod, sobra."
Bigla namang lumabas si Richard mula sa loob ng opisina niya. Nagulantang ang mga empleyado. Nagpulasan ang mga ito at bumalik sa kani-kanilang pwesto.
"What's going on?", tanong niya.
"Wala po Sir."
"Ano 'yang pinapanod niyo sa phone at tila ba tuwang tuwa kayo? I know that it's still lunch time pero dinig na dinig ko mula sa loob ng opisina ang mga boses niyo. Now, tell me. What is it all about this time? Mae?"
"Eh Sir, it's about a female kid na trending ngayon sa social media because of her dubsmash videos; Si Dubsmash Princess po. Ang cute po kasi 'nung bata kaya naaliw po kami sa kanya. Parang pantanggal stress na din po."
"Pantanggal stress, huh? Alam niyo kung sino dapat mas stress sa loob ng company na 'to? Walang iba kundi ako 'yun. Okay? Now, can you stop watching that stupid video and go back to work?"
"Yes Sir...", mabilis na nagpulasan ang mga takot na empleyado pabalik sa kanilang designated area.
Mabilis siyang pumasok sa loob ng opisina niya. Then, he closed the door.
"Grabe naman si Sir. Ang KJ. Ang manong talaga. Sobrang old school.", sabi ng isang empleyado.
"Oo nga eh. Hello? Millennial na kaya ang mga tao ngayon. Eh siya? Parang vintage pa din.", komento naman ng isa.
"Hoy, kayo ha. Ang tagal niyo na dito sa RoChard...parang 'di na kayo nasanay kay Sir Richard. Mainit lang ang ulo niya ngayon dahil maraming problema. Pero mabuti naman siyang tao.", pangtatanggol sa kanya ni Mae.
"Aysus. Sige, ipagtanggol mo pa 'yang masungit mong boss.", saway naman ng isang empleyado sa kanya.
Nasa loob ng opisina niya si Richard. Hawak niya ang phone. Sapo ang kanyang kumikirot na ulo. Uminom siya ng gamot at saglit na ipinikit ang mata. Wala sa sarili niyang binuksan ang laptop at nabuksan nang 'di inaasahan ang You tube. He clicked on the trend list. Nakita niya ang sinasabing trending na dubsmash video ni Dubsmash Princess.
"Wait, I know this kid. This Dubsmash Princess. She looks so familiar. I think I've seen here before."
Sudden flashbacks rushing on his mind. That encounter with an adorable kid in the Enchanted Kingdom.
"Chelsea? Siya nga. Hindi ako pwedeng magkamali. It's Chelsea. That kid na nakilala ko sa EK."
Paulit ulit na pinanood ni RJ ang videos ni Chelsea. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi matawa. Talaga nga naman palang napakagaling ng bata na umarte sa harap ng camera. Hindi nakakapagtakang tuwang tuwa ang mgs empleyado niya habang pinapanood ito.
"Gosh. She is so freaking adorable. Ang cute niya. Grabe."
Saglit na nakalimutan ni RJ ang mga problema niya. Dahil na rin sa panonood ng dubsmash videos ni Chelsea. Naisip niya na napaka swerte ng ina nito sa kanya. Napapangiti niya ang halos lahat ng tao na nakakasalamuha niya pati narin ang lahat ng nakakapanood ng videos niya.
Muling nanumbalik sa alaala niya ang naging unang pagkikita nila ng bata sa EK. Na-miss niya tuloy ito bigla. Parang gusto niya itong makitang muli ngunit hindi niya alam kung saan niya ito hahanapin.
"Chelsea, nakakamiss ka pala. Thank you for making me smile, sweetheart. I'm sure your mom and dad are so proud of you. Sana makita mo na ulit ang Papa mo. Sana maging okay na ulit sila ng Mama mo. Para happy ka na din. Sana nga."