Chapter 5

2206 Words
Richard's POV It is a beautiful and sunny Saturday afternoon for Richard. Kararating niya lang sa Enchanted Kingdom. Nagyaya kasi ang mga kapatid niyang babae na sina Riza at Angel na makipag bonding na kasama siya. Simula nang maging CEO siya ng RoChard Furnitures ay madalang niya nalang makasama ang mga kapatid. Sa sobrang subsob niya sa trabaho ay madalas niyang nakakaligtaan na mag laan ng panahon para sa pamilya. Marahil ganun nga siguro talaga dahil workaholic siya. Sa totoo lang ay dapat nasa opisina siya ngayon. Kahit araw ng Sabado at half day lang ang pasok ng mga empleyado ay hindi sana 'yun dahilan para hindi siya magtrabaho. Marami siyang naiwang trabaho pero dahil matagal ng nakiusap ang mga kapatid niya ay hindi naman niya ma hindian ang mga ito. Nag desisyon nalang din siya na mag half day sa araw na ito. Kailangan niya din siguro ng konting oras para sa sarili niya. He needs to breathe. Gusto niya din na makasama ang mga kapatid niyang babae. Hindi maintindihan ni Richard kung bakit dito pa sa Enchanted Kingdom ang napili ng kapatid na si Riza. Pero alam niya na memorable sa kanilang magkakapatid ang lugar na ito. Madalas silang magpunta dito noong nabubuhay pa ang Mommy Rosario nila. Dito sila palaging namamasyal tuwing Weekends. Siguro nga namimiss ni Riza ang ina kaya dito niya naisipan na magpunta. Naalala niya din na minsan niyang naipasyal dito si Maine. Natatawa siya sa kanyang sarili. Lahat nalang yata ng mga lugar na napupuntahan niya recently ay naaalala niya ito. Hindi man niya sinasadya ay madalas ganun ang nangyayari. Siguro ito ang parusa sa kanya ng tadhana. Tila ba inuusig na siya ng kanyang konsensiya dahil sa pagiging duwag niya sa nakaraan. Pero wala na siyang magagawa. Kahit anong gawin niya ay hindi na niya maibabalik pa ang kahapon. Maya maya ay tumunog ang phone niya. Tumatawag si Riza. "Hello, Riza. Nasan na kayo?" "Hello, Kuya RJ. We'll be there in 30 minutes." "30 minutes? Ba't ang tagal naman?" "Eh kasi nagbibihis pa si Angel. Ewan ko ba dito sa batang 'to. Hindi ko alam na choosy na pala 'to sa pagpili ng damit niya." "O-okaaay. Bilisan niyo ha. Wag kayong magtatagal. Ingat ka sa pagda drive. Wag masyadong mabilis sa pagmamaneho. Kapag dumating sa inter---...." "Kuya, kalma. I know how to drive. See you. Ba bye." "Tsk, marunong daw siyang mag drive? Eh muntik na niyang maibangga 'yung kotse last time.", natawa nalang si Richard sa ugali ng kapatid. May natanggap siyang text mula sa sekretaryang si Mae. At dahil naka focus ang mata niya sa phone ay hindi niya napansin ang isang batang babae na tumatakbo papunta sa kinaroroonan niya. Nabangga ito ni Richard. Napa upo naman ang bata sa semento. Bigla siyang nag alala. Panigurado na iiyak ito. "Baby, okay ka lang? Sorry ha.", sabi niya dito habang inaalalayan ito sa pagtayo. Sa tantiya niya nasa limang taong gulang na ito. Nakasuot ng yellow na t-shirt at denim shorts. Tumayo ito pinagpag ang alikabok sa damit niya. "Okay lang po ako.", sagot nito sa kanya. Mahaba ang buhok ng bata. Hindi maipaliwanag ni Richard kung bakit may kakaiba siyang naramdaman nang makita niya ng malapitan ang mukha nito. Bigla siyang kinabahan. Pakiramdam niya ay tila dati pa niyang kilala ang bata. Pero alam niyang imposible dahil ngayon lang naman ito nakita. May mahabang pilikmata ang batang babae. Litaw din ang cheekbones nito. Napaka ganda ng bata. "Kamukha niya si Maine.", 'yun agad ang nasabi niya habang tinitingnan ito. Siguro nga, nababaliw na siya. Lahat nalang yata si Maine ang nakikita niya. Inaya niyang umupo sa kalapit na bench ang batang babae. "Baby, okay ka lang ba talaga? Sorry talaga. Hindi ko sinasadya.", sabi niya dito habang tinutulungan ito na umupo sa bench. "Okay lang po ako. Wag po ikaw mag worry." "Buti naman kung ganun. Wala ka bang galos? Baka kasi nasugatan ka kanina eh. Let me check." "Wala po. Ayos lang po ako. Para maniwala po kayo sa akin. Eto po mag smile ako sa inyo.", sabi nito sa kanya sabay ngiti. May parang kung anong pwersa ang humaplos sa puso ni Richard nang ngumiti sa kanya ang bata. Tila lahat yata ng stress niya sa trabaho ay natanggal. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. Hindi naman ganito ang nararamdaman niya kapag kasama niya ang anak ng sekretarya niyang si Mae. At isa pa ay ngayon lang niya nakilala ang bata. Nakakapagtaka din na hindi man lang ito umiyak nang mabangga niya. Madalas kasi ganun ang nangyayari. Ngunit kakaiba ang batang ito. Nicomaine's POV Abala si Maine sa pakikipag selfie kasama ang mga kapatid. Kasalukuyan silang nasa Enchanted Kingdom ngayon. Kasama niya ang buong pamilya. Isang linggo na sila ng anak na si Chelsea sa Bulacan. Nagdesisyon siya na magbakasyon muna dito sa Luzon kahit sandali lang. May katiwala naman siya sa lupain nila sa Bukidnon. Araw araw naman siyang tumatawag 'dun para kumustahin ang mga trabahador. Kahit pa nakagawa siya ng kasalanan noon ay buong puso siyang tinanggap ng pamilya niya. Alam niyang pinatawad na siya ng kanyang Nanay at Tatay. Natakot lang siya noon kaya nakaramdam siya ng pag aalinlangan. Nag aya silang magpunta ng Enchanted Kingdom para mag bonding. Ilang taon din na hindi nakasama ni Maine ang pamilya niya. Sobrang namiss niya ang mga ito. Simula kasi nang lumipat siya sa Bukidnon ay naging abala na siya. Pinagtuunan niya din ng pansin ang pagpapalaki kay Chelsea. Alam niya na mahirap ang buhay ng isang single parent. Marami ang nagsasabi na hindi niya kakayanin. Pero gagawin niya ang lahat para mapatunayan na kaya niyang itaguyod ang anak kahit mag isa lang siya. "Tay, naalala mo ba umiyak si Menggay 'nung first ride niya dito sa EK? Sus, ferris wheel lang naman pero takot na takot siya.", biro ni Dean sa kapatid. "Uy, grabe ka sa 'kin Dean. Hindi kaya ako umiyak." "Balita ko...lumabas pati uhog sa ilong mo dahil sa kakaiyak. Ew, kadiri ka.", biro sa kanya ni Nico. "Huy, hindi naman. Sobra kayo sa 'kin ha." "Tigilan niyo na 'yang kapatid niyo. Baka biglang umuwi ngayon 'yan ng Bukidnon.", sabat naman ng Nanay Mary Ann nila. "Uy, family picture tayo. Let's ask someone para maayos 'yung kuha.", aya naman ng kapatid na si Colleen. Agad silang nakiusap sa isang staff ng EK para kuhanan sila ng larawan. Ngunit napansin ni Maine na wala ang anak na si Chelsea. "Ate Nikki, nakita mo ba si Chelsea?" "Akala ko ba kasama mo? Nasa tabi mo lang siya kanina, 'di ba?" "Wa-wala siya sa tabi ko, Ate Nikki." Bigla siyang nakaramdam ng matinding takot. Nawawala ang anak niya. "Chelsea, anak?", panay ang tawag niya ngunit walang sumasagot sa kanya. "Maam, ano pong problema?", tanong sa kanila ng isang staff ng EK. "Nawawala po kasi ang anak ko eh. Nakasuot po siya ng yellow shirt tapos denim shorts. Tapos...", hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin. Biglang nanlambot ang mga tuhod niya. "Maam, sumama po kayo sa amin sa opisina. Magpatulong po tayo sa mga security personnel namin. Wag po kayong mag alala. Mahahanap po natin ang anak niyo." Agad silang sumama papunta sa opisina ng EK. Inilarawan niyang mabuti sa mga security personnel ang hitsura at suot ng anak. May pinakita din siyang picture nito na naka save sa phone niya. Sa totoo lang ay naiiyak na si Maine. Kung ano ano nalang kasi ang naiisip niya. Paano kung may kumidnap sa anak niya? Paano kung hindi na niya ito makita? Gustong gusto ng sisihin ni Maine ang kanyang sarili. Napakatanga niya dahil hinayaan niyang mawalay sa kanya si Chelsea. Naghiwa hiwalay silang buong pamilya para mahanap si Chelsea. Napakalaki ng Enchanted Kingdom pero wala siyang pakialam. Hindi lang siya uupo at maghinitay ng balita. Gagawin niya ang lahat para mahanap ang anak. Richard's POV Aliw na aliw si Richard habang kausap ang batang babae na kanina lang ay nakabangga niya. Medyo madaldal din kasi ito at ma kuwela. Binilhan niya ito ng cotton candy. Bumili din siya ng balloon at itinali ito sa kamay niya. Nakaupo padin sila sa bench sa loob ng Enchanted Kingdom. "Bakit pala hindi ka umiyak kanina 'nung napa upo ka sa semento? 'Di ba ganun ang mga baby? Umiiyak kapag natutumba?", tanong niya habang sinusubuan ito ng cotton candy. "Hindi na po ako baby. Sabi ng Mama ko...big girl na daw po ako." "Talaga? Ilang taon ka na pala?" "Six years old na po ako." "Ano pala ang pangalan mo?" "Ako po si Chelsea...'yun po ang pangalan ko." "...Chelsea?" "Opo....", sagot nito sa kanya habang nilalaro ang balloon. "Pero para sa akin, baby ka pa. Nasan pala ang Mama mo? Bakit mag isa kang naglalakad?" "Hindi na po ako beybi. I'm a big girl na nga po." "Okaaaayyyy..." "Kasama ko po kanina si Mama kaso nakita ko po si Mickey Mouse. Tapos po napunta na po ako dito. Ewan ko po. Nawala na po ako eh." "Hindi ka ba natatakot na nawawala ka ngayon?" "Hindi po. Sabi po kasi ng Mama ko na kapag nawala daw ako, wag daw ko aalis sa lugar kung nasan ako. Hahanapin po ako ni Mama ngayon. Dito lang po ako." "Wow, ang brave mo naman." "Opo. Dapat daw ganun ako sabi ni Mama. Wag daw akong mag cry kapag nawala ako." Humanga si Richard dahil sa ipinakitang tapang ng batang si Chelsea. Kahit sa murang edad ay nakitaan niya na ito ng sense of independence. Marahil napaka swerte ng mga magulang nito na magkaroon sila ng anak na gaya niya. "Siguro...ang bait ng Mama at Papa noh?" "Ay, si Mama lang po ang kasama ko. Kasi nasa malayo si Papa. Hindi ko siya nakikita.", biglang nalungkot ito ng bahagya. "Talaga?", sagot niya dito. Hindi maipaliwanag ni Richard ngunit may naramdaman siyang kirot sa puso niya dahil sa sinabi ng bata tungkol sa kanyang Papa. Nasan kaya ang ama ni Chelsea? Baka nasa abroad lang ito, o di kaya ay iniwan sila nito at sumama sa ibang babae. Wag naman sana. "Opo. Pero napakaganda ng Mama ko. She is the most beautiful mommy in the whole world. The best Mama po siya para sa 'kin." Makalipas ang ilang minuto ay may lumapit sa kanila na isang security personnel. Sinabi nito sa kanya na hinahanap si Chelsea ng Mama niya. Nasa opisina daw ito ng EK. Gusto pa sanang sumama ni Richard papunta 'dun ngunit dumating na sina Riza at Angel. "Thank you po, Sir Tisoy.", sabi ni Chelsea sa kanya. "Bakit Sir Tisoy ang tawag mo sa 'kin, huh?" "Kasi po kamukha niyo po si Ninong James, 'yung asawa po ni Teacher/Ninang Hazel ko. Maputi at pogi din po kasi siya. Parang ikaw po." "Ikaw talaga. Sige, ba bye na. Ingat ka ha. Wag ka nang lalayo sa Mama mo para hindi ka na mawala." "Opo, Sir Tisoy. Thank you po. Pwede po kita ma hug?" Bigla siyang niyakap ni Chelsea. May kakaiba siyang naramdaman. Hindi niya maipaliwanag ngunit sobrang masaya siya. Hinaplos niya ang buhok nito at inayos ang damit. Tila ba ayaw na niyang pakawalan ang bata. Hindi niya maintindihan kung bakit. Hinalikan niya ang ulo nito at inayos ang buhok. "Thank you din po sa cotton candy at balloon." "You're welcome, Chelsea." "Ba Bye po...", sabi nito bago kumalas sa pagkakayakap nito kay Richard at sumama sa security personnel na nakahanap sa kanya. Kumaway pa ito sa kanya bago tuluyang naglaho sa paningin niya. Hindi napansin ni Richard na humihiling na pala siya sa langit nang mga oras na 'yun...sana ay magkita pa silang muli ng batang si Chelsea. Nicomaine's POV Kinagabihan ay nakauwi na ang buong pamilya ni Maine sa bahay nila sa Bulacan. Laking pasasalamat niya dahil nakita nila si Chelsea. Kuwento ng bata na may isang "Sir Tisoy" daw ang naging kausap niya. Binilhan pa daw siya nito ng cotton candy at balloon. Hindi daw ito umalis sa tabi niya hanggang sa may nakarating na security personnel. Kung sino man ang "Sir Tisoy" na tinutukoy ni Chelsea ay malaki ang pasasalamat niya dito. Sana ay magkita pa silang muli ni Chelsea upang makapag pasalamat din siya para sa kabutihang loob nito sa kanyang anak. Kasalukuyang nanonood ng news ang magkapatid na Nikki at Maine. Pinapatulog nila si Matti at Chelsea. Bigla namang napabalikwas ng bangon ang anak nang may mapansin siya sa pinapanood nilang news. "Mama, mama. Ayun po siya oh. Si Sir Tisoy...", sabi nito sa kanila sabay turo sa TV screen. "Sino, anak?" "Si Sir Tisoy po...'yung kanina sa Enchanted Kingdom." Nang makita ni Maine ang tinuturo nang anak ay nagulantang siya. Nagkatinginan silang magkapatid. Bigla siyang kinabahan at tila nanikip ang dibdib niya habang pinapanood sa TV ang tinuturo ng anak na sinasabi niyang si "Sir Tisoy". "Richard Faulkerson Jr. and his company RoChard Furnitures was awarded as the Most Competitive Furniture Business in the Philippines and will be expanding in Southeast Asia in the years to come." Isa pala 'yung video ng interview ni Richard. All this time...ang "Sir Tisoy" pala na tinutukoy ni Chelsea ay ang mismong ama niya na si Richard Faulkerson Jr. Na realize niya na lumiliit na nga ang mundo para kanila. "Oh God. This is not happening."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD