Nicomaine's POV
"Mama!" May narinig akong bumubulong sa aking tenga. "Mama, gising na po." Iminulat ko ang aking mga mata. Ginigising ako ni Chelsea.
Tinignan ko ang oras. Alas sais pa lang ng umaga. Nasa resort pa rin kami at ngayon ang huling araw namin dito para e-celebrate ang birthday niya.
"B-baby, you're awake na pala?" Papungas pungas kong tanong sa kanya. "Ang aga pa oh. Tulog ka pa, dali." Aya ko sa kanya.
"Mama, nasan na po si Kuya Tisoy? Hindi ko na po siya nakita eh." Ramdam ko ang lungkot sa tono ng pananalita niya.
Napabangon ako dahil sa nakita kong reaksiyon niya. "Chelsea, b-baby. Bakit sad ka, hmmm? Hindi ka ba happy sa birthday mo yesterday? Hmmm?" Tanong ko sabay yakap sa kanya. Isinandal niya ang ulo sa dibdib ko. Naglalambing. Napaka sweet talaga ni Chelsea!
"Uhm. Happy po ako pero gusto ko po makita si Kuya Tisoy. Nasan na po siya Mama?" Tiningnan niya ako at naghintay sa kung ano ang isasagot ko.
Ano bang mahika ang ginamit ng lalakeng 'yun sa anak ko? Simula nang makilala ni Chelsea ang ama niya noon sa EK ay hindi na ito nawaglit sa isipan ng bata. This is not good. I have a very bad feeling about this.
Kinuha ko ang bottled water na nasa tabi ng kama namin. Bigla yata akong nauhaw dahil sa mga sinabi ng anak ko. Bakit ba kasi lagi kaming pinagtatagpo ng tadhana? At bakit ganito nalang ka interesado ng anak ko sa kanya? Well, anak pala namin.
"Mama, pwede ko po ba maging Daddy si Kuya Tisoy?" Pabigla niyang tanong sa akin. Naibuga ko ang tubig na iniinom ko at napaubo ng wala sa oras. "Mama, okay ka lang po?" Napaka inosente niya. Baby pa talaga siya. Hinaplos haplos niya ang balikat ko sabay tingin sa mukha ko at sinuri ito ng mabuti.
Naku, Chelsea! Muntik na 'kong atakihin sa puso dahil sa'yo! Anak naman. Humiling ka lang ng ibang bagay sa akin. Wag lang 'yun. Please lang.
Kaagad kong pinunasan ang bibig ko. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "B-baby, sorry. Hindi 'yun maibibigay ni Mama sa'yo."
Lumungkot ang mukha nito. "Bakit po?" My daughter is just too innocent. Kung alam niya lang ang lahat. But, she's too young to understand everything.
I pulled her close to me. "Baby, sorry. Hindi talaga pwede eh. Humiling ka nalang ng iba kay Mama, okay? What do you want ba? A new stuffed toy? Or a new phone?" Sinubukan kong ibahin ang usapan.
Napailing siya. "Hindi po." Sagot niya lang sa akin at napayuko.
Natahimik ako saglit at pinakalma ang sarili. "Baby, how about Tito William? You don't like him?" I tried distracting her para mawala na sa usapan namin ang Papa niya.
Napanguso ito at umaktong nag-iisip. "Uhm...gusto ko po siya kasi friend ko din naman po si Tito William. He gives me a lot of gifts po." Aniya at nakapameywang pa.
"And?" I was anticipating that she will change her mind.
William had been courting me for almost 2 years now. Naging malapit na siya sa amin ni Chelsea lalo na noong nakatira pa kami sa Bukidnon. Mabuti siyang tao. Guwapo naman din. He is well educated. Kung yaman naman ang pag-uusapan ay may ibubuga din naman ito.
Siya ay anak ng isang nagmamay ari ng isa sa may pinaka malaking pineapple plantation sa Bukidnon. He is very flexible too. He can a charming and hardworking guy and a hottie urban bachelor.
And...he loves Chelsea so much like his own daughter. Single pa naman siya pero madalas inaako niya ang pagiging ama sa anak ko...in many ways. He doesn't care if I am a single Mom. Willing siya na pakasalan ako at alagaan kami ng anak ko.
Boto din sa kanya ang pamilya ko, especially sila Nanay at Tatay. And I can't blame them. He is a total package. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nahihirapan ako na magustuhan siya...more than just being a friend.
Somethings holding me back!
"Uhm. Pero Mama...friend ko po si Tito William. Ah, hehehe. Ikaw po ang best friend ko, Mama. P-pero...si Kuya Tisoy po gusto ko maging Daddy eh." Litanya niya.
Napakamot nalang ako sa ulo. "Chelsea, anak. Hindi mo pa maiintindihan sa ngayon ang reason ni Mama kung bakit hindi pwede. Baby ka pa kasi eh. Okay lang ba na wag na muna natin 'to pag-usapan? Sige ka. Magtatampo ako." Sabi ko at umarteng nagmamaktol na parang bata sa harap niya.
"Sorry po, Mama." Sagot niya.
Hinalikan ko siya sa pisngi at inaya nang lumabas ng kuwarto namin. "Okay lang baby. Tara, labas na tayo. Let's eat breakfast na. Gutom ka na ba?" Tanong ko at kinarga na siya.
"Opo, Mama. Gusto ko po ng spaghetti, egg, and bacon po." Sagot niya na biglang na excite. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang at nawala sa usapan namin ang Papa niya.
Kasalukuyan akong tahimik na kumakain ng agahan nang magising ang kapatid kong si Coleen. Siya talaga ang pinaka close ko sa mga kapatid ko. At siya lang din ang tanging nakakaalam kung sino ang ama ng anak ko.
Naghikab ito at nag stretching. "Good morning!" Bati nito sa akin at inilibot ang tingin sa paligid.
"Good morning, beautiful!" Tugon ko.
"Anyare? Asan sila? Where's the people? Si Chelsea?" Tanong nito at umupo sa tabi ko sabay timpla ng kape.
"Ah! Dinala nila Nanay at Tatay. Nag swimming. 'Yung iba, tulog pa." Sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Eh ikaw? Ba't andito ka? Hindi ka sumama sa kanila mag swimming?" Nagtataka niyang tanong sa akin.
Napa palatak ako ng bahagya. "Hindi na. Badtrip eh."
Napakunot ang kilay niya. "Badtrip? Ikaw? Teka! Tungkol ba 'to sa pagdating ng ex mo kahapon?" Pabulong niyang tanong sa akin at ngumisi.
Pinandilatan ko siya ng tingin. "Anong ex? Walang ex. Hindi naman naging kami. Hello?!"
"Sus! Hindi mo nga siya naging ex. Pero nag s*x naman kayo-"
Muntik na 'kong mapaso sa kapeng iniinom ko. Hinampas ko siya likod. Medyo napalakas yata kaya napadaing siya. "Aray naman, Nicomaine! Masaket ah!" Napangiwi ito at napahawak sa parte ng katawan niya na nahampas ko.
"Ikaw talaga! Walang preno 'yang bunganga mo. Kung makasabi ka naman ng sex...parang walang lang ah! At saka hinaan mo nga 'yang boses mo. Baka marinig nila tayo." Pabulong kong saway sa kanya.
"Grabe ka naman! Ano bang problema kung sabihin ko ang salitang s*x? Hello?! Hindi na tayo mga minors. Duh!" Sabi nito sabay may tirik ng mga mata.
"Ewan ko sa'yo!" Nasabi ko nalang at itinuloy ang pagkain.
"Eh...si Chelsea? Anong reaction niya?" Tanong niya habang kumakain ng sausage.
"Gusto ko niyang maging Daddy si Mr. Faulkerson..." Wala sa sariling bulalas ko.
Siya naman ang muntik mabilaukan dahil sa sinabi ko. "Uhmm. A-anong s-sabi m-mo?" Tanong niya na may pagkain pa sa loob ng bibig.
"Lunokin mo kaya muna 'yang kinakain mo? Pwede ba?" Sabi ko at inabutan siya ng isang basong tubig.
Kaagad naman niya itong ininom. Gusto kong matawa sa kapatid. Kahit madalas naman kaming nagtatalo nito dati na parang mga aso't pusa ay nagma-mature naman na kami sa paglipas ng panahon.
Napalunok siya at napasapo sa dibdib. "Totoo? Sinabi 'yun ni Chelsea sa'yo?"
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Oo. Hay. Nagulat nga din ako eh." Sabi ko habang nag e-scroll sa phone.
Napahalukipkip siya. "Alam mo may napansin ako." Sabi niya at mas lalong inilapit ang upuan niya sa akin.
"Ano?"
"Pansin ko lang ha! Ilang beses na silang nagkita ni Chelsea. Siya pa ang nakakita mismo sa anak niyo noong nasa EK tayo. The second time...'nong nasa Unang Hirit kayo. Tapos kahapon...sa mismong araw pa talaga ng birthday niya!" Mahabang paliwanag niya sa akin.
"Eh ano naman ngayon? N-nagkataon lang naman." Kontra ko.
"My dear sister! That is called the power of fate! Siguro eto na 'yung paraan ng tadhana para paglapitin kayong dalawa at ng anak mo!" Sabi nito sabay kumpas ng kamay na parang isang pulitikong nangangampanya sa eleksiyon.
"Anong fate fate ka diyan? Eh kung ipitin ko kaya 'yang labi mo?!" Sabi ko at akmang kukurotin ang lips niya.
Kaagad naman itong nakaiwas sa gagawin ko. "Eto naman! Wag 'yung lips ko please. Importante 'to saken. Paano ko nalang hahalikan si Prince Charming ko kapag na damage 'to?! Omg." Aniya at napahawak sa labi.
"Bahala ka diyan! Basta, tigilan mo na 'ko diyan sa kaka fate fate mo ha?!"
"Oo na po! Ay! Usapang lips tayo. May gusto akong ipakita sa'yo. Tingnan mo 'to." Sabi niya sabay abot sa akin ng phone niya. Isa 'yung i********: account ng isang babae. Nag stalker mode naman kami.
"Sino na naman 'to?!" Tanong ko.
"Model 'yan ng isang sikat na brand ng lipstick ngayon. Taray oh! Ang ganda ng shape ng lips niya. Ang perfect! Eto 'yung klase ng labi na gustong gustong e-kiss ng boys!" Sabi niya sabay pakita ng i********: account nito sa akin.
Her name is Franchezca Julienne Ortega. Maganda. Matangkad. Maputi. Model. Traveller. Dog lover. Sa mga posts pa lang, halatang mayaman.
Ipinagpatuloy namin pang e-estalk sa account niya hanggang sa makita namin ang isang post niya na bahagya kong ikinagulat.
Ang tinutukoy ko ay isang picture niya sa harap ng Eiffel Tower sa Paris na katabi ang isang lalake. At ang lalakeng 'yun ay walang iba kundi si Mr. Richard Faulkerson Jr. Ang CEO ng RoChard Furnitures at ang Tatay ng anak ko.
Sobrang lapit nila sa isa't isa habang ang kamay ng walang hiyang Faulkerson ay nasa bewang ng katabi. Ang ulo ng babae ay napasandal sa balikat niya. Wow, what a sight! Ganda!
Napatulala ako dahil sa nakita pero hindi ako nagpahalata kay Coleen. Napairap lang ako sabay balik sa kanya ng phone niya. "Eh ano naman ngayon?!"
"Ay! Wala naman akong sinabi eh. Pinakita ko lang. Defensive?" Aniya at natawa sa ginawa.
"Excuse me! Hindi no!" Sabi ko at sinubukan na gawing walang ekspresiyon ang mukha ko. Ang hirap pa naman magsinungaling dito kay Coleen. Parang imbestigador pa naman 'to pag nagtanong.
"Hindi ka affected? As in, wala lang sa'yo? After what you saw kanina sa IG? Ano?! That is your daughter's father, Nicomaine Mendoza. No reaction talaga?"
"Kelangan ba may reaction ako? Coleen, okay. Siya nga ang ama ni Chelsea. Pero may sarili siyang buhay. Ano namang pake ko kung makikipag landian siya sa babaeng 'yun noh!"
"Okay lang talaga sa'yo ha? That should be you beside him eh. Sayang naman. At tsaka...Chelsea deserves to know her dad. Alam mo 'yan. Maybe it's time...di ba?" She gave me a concerned look.
Natigil lang siya sa kakadaldal nang dumating si Chelsea para sunduin siya upang mag swimming. Hindi na ito nakatanggi sa pakiusap ng pamangkin.
Nangako naman ako na magbibihis lang at susunod na kaagad sa kanila. Naiwan akong mag isa at napabuntong hininga nalang. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa nakitang picture kanina. Just, why? Hindi ako dapat magpa apekto.
"Eh ano naman kung may kaharot siyang babae? Wala akong pake!"
Pero...wala nga ba talaga?