Chapter 11

2607 Words
Nicomaine's POV "Mama, carry mo po ako please!" Nakataas pa ang mga kamay ni Chelsea habang panay ang pa-cute sa akin. Kinarga ko naman siya kaagad. "Of course, baby! Kaw pa ba!" Sabi ko sabay halik sa pisngi niyang kaysarap panggigilan. Nakapag desisyon na ako na dito na ulit manirahan sa Bulacan, for good. Ang bahay at lupa namin sa Bukidnon ay iniwan ko sa pangangalaga ng isang isang katiwala na matagal na din na nagtatrabaho sa akin. Pupunta-puntahan nalang namin 'yon at ituturing na isang bahay-bakasyonan. Nakabili ako ng isang 'di kalakihang bahay para aming dalawa na malapit lang din naman sa mismong bahay ng mga magulang ko. Gusto sana nila na 'don nalang kami tumira sa bahay pero gusto ko kasi na magkaroon din kami ng anak ko ng sarili naming bahay. Sa ngayon, bukod sa kinikita ng pineapple plantation namin sa Bukidnon, ay ruma-raket din ako bilang Homebase Online English Teacher for Korean and Chinese students. Hindi ganoon kalaki ang kita pero pwede na rin, since dalawa lang naman kami ng anak ko. Nakakaraos din naman sa pang araw araw na gastusin. Minsan, palihim akong binibigyan ng panggastos ng mga kapatid ko at madalas hindi ko tinatanggap ang mga 'yon. May mga panahon na napipilitan nalang ako na tanggapin ang pera nila dahil ayoko na naman na magtampo sila sa akin. At dahil eight years old na si Chelsea ay pina-enroll ko na siya sa isang SPED School na malapit lang din sa bahay namin. Nasa unang baitang na siya sa elementarya ngayon. Sa totoo lang ay medyo nag-alala ako na baka umiyak siya noong first day of school kagaya ng ibang mga bata, pero walang iyakan na nangyari. Siya pa nga ang nagsabi na okay lang daw na iwan ko siya. The funny thing is...siya pa ang nagpatahan sa mga classmates niyang halos maglupasay na sa sa sahig dahil ayaw magpaiwan sa loob ng classroom. She even comforted and told me that she will be fine, and she understands that I can't be there for her all the time because of my work. Nagkabaliktad yata kami ng naging reaction ng anak ko. Kasi imbes na siya ang dapat sana na ayaw magpaiwan, ay ako ang halos ayaw siyang iwanan. But, I'm thankful na lumaki si Chelsea na isang mabait, matulungin, malambing, maunawain at magalang na bata. May taglay din naman siyang kakulitan paminsan-minsan. She has grown into a beautiful little lady. The color and shape of her eyes reminds me of his father. When I tried looking deeply into her eyes, I can see his face. That handsome-annoying-piece-of, whatever! Subalit kahit pa laging sinasabi sa akin ni Chelsea na masaya siya na ako lang ang kasama niya sa buhay ay nararamdaman ko bilang ina niya, na may kulang sa kanyang pagkatao. At alam ko na ang ama niya ang tanging nawawalang piraso na matagal na niyang inaasam na makita. She did knew him already, tho. Hindi ko pa kayang aminin sa anak ko at sa aking pamilya na ang CEO ng RoChard Furnitures ang ama ng anak ko. I'm scared of the possibilities na pwedeng mangyari. Ayoko na kunin niya sa akin si Chelsea at gamitin ang yaman ng pamilya nila upang tanggalin sa akin ang karapatan ko bilang ina. Kapag naiisip ko ang mga eksenang 'yon ay hindi ko mapigilan ang sarili na huwag matakot. Chelsea is all that I have. She is my everything. "How's school, baby?" Tanong ko sa kanya habang palabas kami ng gate ng school niya. "Okay lang po. Put me down na po, Mama." Bulong nito sa akin at ibinababa ko na din siya agad. Kinuha ko ang kanyang maliit na backpack upang maisabit ko ito sa aking kanang balikat. Hawak ko naman siya sa kanang kamay ko. "You want to ride a tricycle, baby?" "No na po, Mama. Mag walk nalang po tayo. Malapit lang naman po ang house natin, 'di po ba?" "Are you sure? Okay lang sa'yo mag walk lang tayo? You're not tired?" "Hindi po." Masaya kaming naglalakad ni Chelsea nang may makita siyang flower garden na nasa gilid lang kalsada. Marahil project ito ng mga matagal ng homeowners ng subdivision namin. Tumigil kami saglit dahil gusto niya daw magpa-picture na kasama ang mga bulaklak. Dati pa talaga ay mahilig na humarap sa camera ang anak ko. She loves flowers, by the way. Habang abala kami sa aming picture taking ay bigla namang tumunog ang phone ko. Ibinalik ko muna kay Chelsea ang cellphone niyang ginamit namin at kinuha naman 'yong akin na nasa bulsa ko upang sagutin ang tawag. "Baby, I have a call. Diyan ka lang sa tabi ha. Wag ka dito sa may gitna ng street, okay?" Paalala ko sa kanya. "Yes, Mama." Nang makuha ko ang phone sa bulsa ay nakita ko sa screen na si William pala ang tumatawag. Kaagad ko itong sinagot habang ang mga mata ko ay nakapako lang kay Chelsea na tuwang tuwa habang pini-pictureran ang mga bulaklak na nakita namin. "Hello?" "Hello, Maine. Pwede ba ako sumali diyan sa picture taking session niyo?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ha? Bakit? Nasan ka ba ngayon?" Tanong ko at inilibot ang tingin sa paligid. "Nasa likod mo lang ako...palagi." Sagot nito sabay hagikgik. "Buang! Asa bitaw ka? (Baliw! Nasaan ka ba?" Tumalikod ako at nakita siyang nakasandal sa gilid ng hood ng kanyang black SUV. Pangiti ngiti pa ito habang iwinawagayway ang telepono sa ere. Tinawag ko na si Chelsea at nang makita niya kung sino ang kausap ko ay kaagad itong tumakbo upang magpakarga kay William. "Tito William!!!!" Buong sigla nitong bati sa kanya. "Hi baby girl! How are you? I miss you so much!" Wika niya sabay halik sa pisngi ng bata. "Okay lang po ako. Kayo po?" "Okay ra man si Tito. Guwapo gihapon, 'di ba? (Okay lang naman si Tito. Guwapo pa din, 'di ba?)" "Asa ka gikan Tito? (Saan ka galing Tito?)" "Naa lang ko giadtoan. Uy, kabalo pa diay ka mo-sulti ug Binisaya, Chelsea? (May pinuntahan lang ako. Uy, marunong ka pa pala magsalita ng Bisaya, Chelsea?) "Kabalo pa po ako mag Bisaya, Tito! (Marunong pa po ako mag Bisaya, Tito!)" Pagmamalaki pa ni Chelsea kay William na ngayon ay isinasayaw sayaw pa ang bata habang karga karga pa rin niya ito. Sa ilang taon ba naman namin sa Mindanao ay hindi na namin makakalimutan ang salita nila. Minsan pa nga ay salitang Bisaya ang ginagamit namin ni Chelsea sa bahay. "Bakit ka nandito?" Kunot ang noo 'kong tanong sa kanya. "You're not happy to see me?" "Hindi naman sa ganon, William. I thought nasa Palawan ka?" "My flight's been re-scheduled kaya imbes na humilata sa hotel, e pumunta na 'ko dito. Na-miss ko kayo e." May paglalambing niyang wika. "Kumusta sa Bukidnon?" "Okay naman. The harvest was good compared last year." "Oh, that's good to hear." "So, baby! Gutom ka na ba? What do you want to eat?" Saglit munang nag-isip si Chelsea at nangislap ang mga mata. "I want menudo po, Tito William!" "Menudo? Okay, let's go?" I tried to refuse his offer. "Wag na, William." But he insisted. "Please, Maine. Ayaw na 'ko balibari (Please, Maine. Huwag mo na 'kong tanggihan)." Pumayag nalang ako sa gusto niya dahil talo naman ako sa kanilang dalawa ni Chelsea! Majority wins, ikanga! Sumakay na kami sa kotse niya. He carefully placed Chelsea on the passenger seat, and made sure she is secured with her seatbelt on. Ako naman ay katabi niyang nakaupo sa driver's seat. "May bagong open na resto dito, just fifteen minutes away lang. A good friend of mine recommended it, kasi masarap daw ang pagkain nila. I want to try it with you two." Sabi niya at tuluyan na ngang pinaandar ang sasakyan. "Talaga ba? Naku, salamat ha. Pero 'di ka na sana nag abala pa. You drove all the way here-" "It's okay, Maine. Besides, kita ko kanina may kulang sa inyo ni Chelsea habang nagpi-picture kayo e. Pansin ko lang naman." Nagsalubong ang kilay ko at pilit na inaalala kung ano ba ang kulang na sinasabi niya. "Anong kulang?" "Ako." Sagot niya at iniliko na ang sasakyan papalabas ng subdivision. "Ha? Ikaw?" "Yes, it's me. Ako nalang ang kulang sa buhay niyong mag-ina." Walang preno niyang sabi sa akin. Muntik ko na siyang mahampas sa balikat. Mabuti nalang at naalala ko pa na siya ang nagda-drive ng sasakyan. "A-ano?!" "Oo nga! Ikaw lang naman inaantay ko, Maine e. Chelsea loves me. Pero, 'di mo 'ko love." Umakting pa ang loko na animo isang bata na hindi pinagbigyan sa hinihiling niyang laruan. "William...." I sighed, deeply. "Sus! Kani jud! Joke ra gani. Pero pwede pud gud tinud-on. (Sus! Eto naman! Joke lang. Pero pwede namang totohanin)." Natawa nalang ako sa kanya pero to be honest, William has a point. My daughter loves him, and he was always there for me since the beginning, especially when I'm having a hard time raising Chelsea alone in Bukidnon. Nagsilbi siyang ama ng anak ko, all these years and yet, I didn't give him the chance to take our relationship to the next level. Should I give him a chance? Matapos ang kinse minutos na biyahe ay nakarating na din kami sa restaurant na sinasabi niya sa akin. He's right. Bagong bukas lang pala ang kainan na ito. Hindi lang talaga ako masyadong updated dahil hindi naman ako mahilig lumabas ng bahay, except kapag tungkol kay Chelsea at kung may errands lang na dapat gawin. Introvert things, you know. Pagkatapos mai-park ni William ang sasakyan ay pumasok na kami sa loob ng resto. Kinarga niya na si Chelsea at tinanong ang reception area tungkol sa reservation niyang table for three! Kaagad naman kaming inasikaso ng manager nila at inihatid sa lamesang nakalaan para sa amin. Pagkadating namin sa lamesa ay pinaupo niya muna si Chelsea sa upuan at tumabi siya dito. Ako naman ay umupo sa may opposite side nila habang abala ang isang waiter na kinukuha ang aming order. He ordered a bunch of food. Siyempre, kasali na 'don ang menudo. "Ang dami naman nito. Paano natin uubusin ang lahat ng 'to, William?" "You need to eat a lot, Maine. Murag namayat na ka ba. Nag diet man siguro ka uy! (You need to eat a lot, Maine. Parang pumapayat ka na. Baka nagda-diet ka uy!)." "Ako? Nagda-diet? Way usong diet diring dapita! (Ako? Nagda-diet? Hindi uso ang diet dito!)." Talaga bang pumapayat ako ngayon? Parang hindi naman. Nagsisinungaling lang yata siya e. Alam ko naman na gusto niya lang kumain ako ng marami lalo na't mainit pa ang pagkain. He knows that I prefer my food hot, rather than cold. He didn't order sea foods because William knows I hate those. It's comforting to have someone like him who remembers even the smallest things about me. And yes, he's right! The food is so appetizing and flavorful. Umuwi kaming busog na busog. Inihatid niya muna kami sa bahay bago siya bumalik sa hotel. Nagpasalamat ako sa kanya. The airline called him na kinagabihan na ang flight niya kaya nagmadali na siyang umalis. Hindi na kami masyadong nakapag-usap. Nakatulog na si Chelsea kaya inihiga ko na siya sa kama niya. Mamaya ko nalang siya bibihisan pagkagising niya. Mag aalas tres na ng hapon at may tuturuan akong isang batang lalaking Chinese student sa aking Online English Teaching job. Nagmadali na akong buksan ang laptop at naglagay lang ng light make up. Pagkatapos ng klase ko ay sakto naman na nagising na si Chelsea. Bibihisan ko na sana siya pero she insisted na siya nalang daw, at kaya na niya, because big girl na daw siya. Such an independent child! And I'm proud of her. Hindi ko na din kailangan na ipaalala sa kanya ang homework niya dahil kusa na niya itong ginagawang mag-isa. Nagluto lang ako ng sinigang for dinner. Paborito niya din kasi ito. Nakaka amaze lang kasi karamihan sa mga bata ay hindi gusto ang lasa ng sinigang dahil na rin siguro sa taglay nitong asim. Pero iba si Chelsea! Gustong gusto niya talaga ang sinigang. Pagkatapos ng hapunan ay mabilis kong iniligpit ang aming pinagkainan. May huling estudyante pa akong tuturuan ng English---isang Korean na batang babae pero 8 to 9pm lang naman ang klase. Gusto sana ni Chelsea na siya na daw ang maghuhugas ng plato dahil may work pa ako, pero hindi ko siya pinayagan. Kasi nga...hindi pa niya abot ang lababo namin. Hehe. Ang cute talaga ng anak 'kong 'to! Sobrang sweet and concern kay Mama niya. Hinayaan ko muna siya manood saglit ng cartoons habang ako naman ay sinisimulan ng magturo sa aking estudyante. Alam ni Chelsea na kailangan tahimik ang paligid habang nagta-trabaho ako, so she put the television in a "mute" mode. Awww. Sobrang considerate na bata! Makalipas ang ilang minuto ay napansin 'kong naghihikab na siya at pakiramdam ko'y inaantok niya. She carefully turned off the television. Lumapit siya sa akin at nagpaalam with matching senyas na matutulog na daw siya. I nodded and smiled at her. Pagkatapos ng klase ko ay tumabi na din ako kay Chelsea para makatulog na. KINAUMAGAHAN ay inihatid ko na si Chelsea sa school niya at pagkatapos ay dumiretso na ako sa mall para makapag grocery. Mamayang alas onse pa naman ang uwian niya at mamayang alas dos ng hapon pa ang schedule ng first student ko ngayong araw na ito. Sayang naman ang oras kung tatambay lang ako sa bahay ng walang ginagawa. Chelsea and her teacher has my phone number, kaya kampante ako na iwanan 'don ang bata. Sumakay na ako ng taxi para makarating kaagad sa mall dahil sobrang hassle kapag nag jeep pa ako. After twenty minutes, ay nakarating na din ako at saktong kabubukas pa lang ng mall kaya pagkatapos maibigay sa taxi driver ang bayad ay pumasok na ako sa loob ng supermarket. Sa pagmamadali ko ay muntik pa akong mabangga ng isang puting SUV. Mabuti nalang at mabilis nakapag preno ang driver. Hindi ko nalang kinompronta dahil siguro parehas kaming nagmamadali. Thank God, wala pa masyadong tao sa loob. Kumuha ako ng isang maliit na push cart dahil konti lang naman ang bibilhin ko. Pupunta na sana ako sa meat section nang may isang kamay ang humawak sa palapulsuhan ko. Napatingin ako dito at nang iangat ko ang aking tingin upang suriin kung sino ang may ari ng kamay na 'yon, ay muntik ng tumigil sa pagtibok ang puso ko. "M-mr. Faulkerson?" "Maine, can we talk?" He said, still holding my wrist firmly. "Let go of me." Matigas na sagot ko sa kanya. He immediately let go of my hand. "I saw you kahapon, sa isang resto. You're with Chelsea, and some flirtatious random guy." His eyebrows pulled down, nose wrinkled, upper lip pulled up and loose. "He is not just any random guy, Mr. Faulkerson. At wala kang karapatan na husgahan siya." I said and pointed my fingers at him. "So, you're defending him now? Sino ba siya sa buhay mo, sa buhay niyo na para siyang linta kung makadikit ha?!" Pasinghal niyang tanong sa akin. His deep voice makes me shiver. "Anong sinasabi mo? Tumahimik ka na at layuan mo na ako." Sagot ko at tatalikuran na sana siya. But he asked. "Tell me, Maine. Is he your daughter's father?" "What?!" He gave me a stern look. "Answer me, Nicomaine. Is he Chelsea's father?!" He raised his voice and made me looked at him. "No!" He folded his arms, and smiled in an irritatingly smug, conceited and silly way. "Well then... It can only mean one thing..., I am Chelsea's father."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD