Richard Faulkerson Jr.'s POV
Kasalukuyang nasa loob ng opisina niya si Richard. Maingat niyang tinitingnan ang mga reports na binigay sa kanya ng mga department heads ng RoChard Handicraft and Furnitures: ang kompanya ng pamilya nila. Siya na ngayon ang Chief Executive Officer (CEO) matapos ibigay sa kanya ng Daddy niya na si Richard Faulkerson Sr. ang naturang posisyon.
Ang dati niyang trabaho bilang Chief Operating Officer (COO) ay ibinigay ng Daddy niya sa panganay niyang kapatid na si Richard Daniel. Hindi niya tuloy maintindihan kung bakit siya ang ginawang CEO ng kompanya. Maya maya ay tinawagan niya ang secretary na si Mae. Halata nito ang inis sa boses ng boss niya. Kaya, nagmadali na itong pumasok sa opisina ni Richard.
"Sir Richard, bakit po?", his secretary asked him in a shaky voice.
"Mae, ano 'to?! This is not the report that I've wanted!", pagalit niyang sagot.
"Eh...Sir, 'yan na po kasi 'yung report na binigay sa 'kin ng mga department heads kahapon. Kaya po pagdating ko kanina, nilagay ko na po sa table niyo."
"And you didn't checked this?!"
"Eh...Sir, akala ko po kasi okay..."
"Akala mo, okay na?! Mae, limang taon na kitang secretary. Alam mo na ang dapat mong gawin. Alam mo naman na ayaw na ayaw ko ng salitang 'okay', 'di ba? I want everything to be in order and in place. I want the best. I want everything to be perfect. Alam na alam mo 'yan, 'di ba? Kasi kapag okay lang, we will not strive harder to do better. The 'good' is the enemy of the 'best'", he explains.
"Yes, Sir. Sorry po."
"Well...sorry is not enough. I want you to call all our department heads and set up a meeting with them tomorrow at 8 am in the morning. What the hell is going on with these people? Simpleng report lang, 'di pa magawa ng maayos."
"Yes, Sir. I will inform them po."
"Now...you can go back to work, Mae. Pasensiya na kung nataasan kita ng boses kanina."
"Ahhh...okay lang po Sir."
Nakaalis na ang secretary niya at siya namang pasok ng panganay na kapatid na si Richard Daniel, or mas tinatawag niyang Kuya RD. Halata nito sa mukha ng secretary na si Mae na napagalitan na naman ito ng kapatid. Saglit muna siyang sumilip sa pintuan.
"Knock knock!", he said as he pounds his knuckles on the door.
"Kuya..."
"Pwede pumasok?"
"Of course you can, Kuya."
"Anong nangyari kay Mae? Pinagalitan mo na naman noh? Ikaw talaga, lagi mong pinag didiskitahan 'yang secretary mo. May gusto ka ba 'dun, huh?!", he teases his brother while sitting on the chair infront of him.
"Oh, stop it Kuya. Wala akong gusto kay Mae. Parang kapatid na ang turing ko 'dun."
"Kapatid? Eh bakit pinapagalitan mo?"
"Kuya, hindi ko siya pinagalitan. Okay? I'm just expressing my disappointment."
"Ano ba kasing nangyari, ha? Ang aga aga eh, galit ka. Hindi maganda 'yan."
"Mali kasi ang mga reports na ginawa ng mga department heads natin, Kuya. At alam na alam mo na ayaw na ayaw ko ng may nagkakamali."
"Ayun naman pala. Look...RJ, lahat naman tayo nagkakamali eh. Ang mahalaga na pwede pa nating itama ang mga pagkakamaling 'yun. Ipagawa mo nalang ulit sa kanila. Hindi 'yung ganyan ka. Konting pagkakamali lang, ang bilis mong magalit."
"It's because I can't afford to commit mistakes again, Kuya. I want everything to be perfect. And most of all...I don't want Dad to be disappointed with me again."
"RJ, ilang beses ko namang sinasabi sa'yo na hindi ka disappointment. May mga bagay tayo na hindi nakukuha. May rason kung bakit nangyayari 'yun. May mga panahon na taliwas sa kagustuhan natin ang nangyayari. We cannot control everything, RJ. Tandaan mo 'yan.", he explains at his younger brother.
"Well, Kuya. I will not argue with you anymore.", he said as he stood up and about to leave.
"Oh, saan ka pupunta?"
"Pupunta ako kay Mommy."
"Okay, then. Mukhang kailangan mo ngang magsumbong kay Mommy. Para naman gumaan 'yang loob mo."
"Salamat Kuya. Ikaw na muna bahala dito."
RD nods at him. Sabay silang lumabas ng opisina. Nagbilin muna siya kay Mae na kasalukuyang sinisimulang tawagan ang mga department heads ng kompanya.
"Mae, cancel all my schedules this afternoon. May pupuntahan ako."
"Pero Sir, may schedule meeting po kayo with the board later."
"Re-schedule it.."
"Pero, Sir..."
"Just do it, Mae."
"Okaaay, Sir. Ahm, one last thing po...remind ko lang po kayo na may lunch meeting po kayo bukas."
"Lunch meeting? With who?"
"Yes Sir...lunch meeting with Mr. Thunatorn Samanyagoon. Siya po 'yung may ari ng isang malaking furniture company sa Thailand na nag express ng interest na mag invest sa 'tin for expansion."
"Ah, okay. Keep me posted, Mae. I have to go.", he said.
Nakaalis na si Richard. May sinabi naman si RD sa secretary ng kapatid.
"Pagpasensiyahan mo na 'yang boss mo ha. Broken hearted kasi kaya medyo mainitin ang ulo. Palibhasa wala kasing love life. Hayaan mo, pag nagka girlfriend 'yan...baka sakaling mabawasan ang kasungitan.", he grins as he walked away.
"Kailan kaya magkaka love life si Sir? Lord, baka naman po!", Mae breathes a prayer then goes back to her work.
Bumili muna si Richard ng mga bulaklak na dadalhin niya. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din si Richard sa puntod ng Mommy niya. Agad niyang hinaplos ang puntod at umupo sa tabi nito."
"Hi, Ma. Andito na naman po ako. Sana wag po kayong magsawa sa 'kin ha."
Agad niyang nilapag sa tabi ng puntod ang mga binili niyang bulaklak para dito. He sighs deeply. There was silence. Napakatahimik na para siyang mabibingi. Hindi na niya napigilan ang pag agos ng mga luha sa mga mata niya.
"Ma, mahigit limang taon na kayong wala. Pero, walang araw na hindi ko kayo nami miss. Sobra. Minsan, nakakapagod na po. Sana, nandito po kayo. Kaso, wala eh. Wala na kayo.", he said while wiping his tears.
Saglit niyang pinikit ang kanyang mga mata . May hangin na dumampi sa pisngi niya. Pakiramdam niya na ito ang Mama niya na para bang sinasabi nito na magiging maayos din ang lahat. Sa tamang panahon.
Nicomaine Mendoza's POV
It was a sunny morning at Manolo Fortich, in the "Pineapple Capital of the World"-Bukidnon City, Philippines. The time is 10 oclock. Kasalukuyang pinagmamasdan ni Nicomaine ang malapad na taniman ng pinya. Napakatahimik ng lugar at tanging ang mga huni ng ibon ang naririnig niya. Nagkulay berde ang buong paligid. Malapit na ang anihan ng pinya. Kaya abala ang mga trabahador sa pagsasaayos ng mga pananim.
Natatanaw lang din sa kinaroroonan niya ang Mt. Kitanglad. Dahil sa sinag ng araw, ay tinakpan niya ng kanyang kanang kamay ang mga mata niya upang mapagmasdan niya ng maayos ang bundok. Simula nang dumating siya dito limang taon na ang nakakaraan, ay aaminin niya na agad siyang nabighani sa lugar.
Kasalukuyan siyang nakatira ngayon sa resthouse na pag aari ng Tatay Teodoro niya. Binili ito nuong binata pa siya mula sa isang kaibigang negosyante. Ang bahay ay gawa sa semento ang kalahati at kahoy naman ang bandang taas. Nasa dalawang palapag ang nasabing bahay.
May beranda ito na punong puno ng mga halaman. Nasa pitong ektarya din naman ang lupain na pag aari ng Tatay niya. Meron itong apat na ektaryang taniman ng pinya, at dalawang ektarya na inilaan para sa horse ranch. Sa ngayon, ay meron silang limang kabayo na inaalagaan.
May mahigit na dalawampu ang mga trabahador sa taniman ng pinya, at lima naman sa horse ranch. May kasama din na isang kasambahay si Nicomaine. Maya maya ay nakita niya ang isang trabahador na si Mang Fred na inaalalayan ang isang kabayo na paika ika kung maglakad. Bumaba agad siya upang magtanong tungkol dito.
"Nong Fred, unsay nahitabo kay Stallion?", tanong niya dito sa salitang Bisaya.
"Ay Maam, natunok man ni. Pero, wag po kayong mag alala. Ako nay bahala ani niya."
"Salamat po, Manong Fred. Maasahan ko po talaga kayo."
"Sige, Maam. Moadto nako."
"Sige Nong, salamat usab."
Nakaalis na si Manong Fred. Aakma na sana siyang papasok sa loob ng bahay nang may marinig siyang tumatawag sa pangalan niya. Isa 'yung maliit na boses, pero napakapamilyar nito sa kanya. At tama nga siya, natanaw niya sa 'di kalayuan ang isang batang babae na paparating. Nasa limang taong gulang na ito.
Mahaba at makintab ang buhok, mahaba ang mga pilik mata, at higit sa lahat may napakagandang ngiti. Kasama nito si Ate Pearl: ang dati nilang kasama sa bahay nuon sa Sta. Maria, Bulacan. Pilit nitong hinahabol ang batang babae dahil tumatakbo ito palapit kay Nicomaine. Napangiti siya at agad itong sinalubong.
"Mama! Mama! Mama!", tawag ng bata sa kanya.
"Naku, Chelsea. Dahan dahan at baka madapa kang bata ka.", saway dito ni Ate Pearl.
Agad naman itong niyakap ni Nicomaine ng mahigpit. Kahit gaano siya kapagod sa buong araw ay ang yakap lang ng anak ang nagtatanggal ng lahat ng pagod at kalungkutan niya. Pero kahit ilang oras lang ito sa school ay pakiramdam niya na nagkalayo na silang mag ina ng ilang araw. Nasa Pre-School na ang anak niyang si Chelsea. Nasa kalahating araw lang naman ang klase nito. Si Ate Pearl ang madalas naghahatid-sundo dito sa school dahil abala si Nicomaine sa pamamahala ng maliit nilang lupain.
"Hello, anak. Kumusta ang school mo, huh?", tanong niya dito na inaayos ang buhok.
"Mama, may surprise po ako sa'yo."
"Ano 'yun, anak?"
"Mama, binigyan po ako ni Teacher/Ninang Hazel ng 3 stars oh! Kasi po hindi na daw po lagpas 'yung pagkulay ko.", sabi nito sa kanya habang pinapakita ang stars na naka stamp sa coloring activity niya.
"Wow! Very good naman ng baby ko! Pakiss nga, umph! Umph! Umph!", sabi niya dito sabay pugpog ng halik sa anak.
"Mama, tama na po. Nakikiliti po ako eh.", hagikhik na pagkakasabi ng anak sa kanya.
"Naku, Menggay. Tuwang tuwa sa kanya ang Teacher/Ninang Hazel niya, pati na din 'yung asawa niyang Thai National. Ano nga ulit pangalan 'nun? James Jirayu? Aba eh, kulang nalang iuwi nila sa bahay 'tong si Chelsea mo."
"Oo, Ate Pearl. James Jirayu nga. Naku, hindi pwede noh. Nag iisa lang ang bebe ko na 'to. Walang pwedeng umagaw. Kung gusto nila, aba gumawa sila ng sarili nilang anak.", pabiro niyang bulong niya kay Ate Pearl.
"Loka ka talaga, Meng. Halika pasok na tayo sa loob at mainit na."
"Mama, karga mo po ako. Please."
"Ha? Ang laki laki mo na eh."
"Sige na po, please. Na miss po kita eh."
"Aysus, miss mo ba talaga ako? O gusto mo lang magpaluto ng favorite mo?"
"Hihihihi. Pareho po."
"Anong gusto mo? Spaghetti or lasagna?", tanong niya habang karga karga ang anak.
"Lasagna po, Mama."
"Okay, sige. Tapos spaghetti naman mamaya for merienda?"
"Yeheeeeeey!", masayang sabi ni Chelsea sa kanya.
Pumasok na sila sa loob ng bahay. Masaya si Nicomaine na kasama ang anak. Ipinagdadasal niya na sana tuloy tuloy na ang kaligayahan nila. At wala nang manggulo pa sa masaya nilang pagsasama.