Richard's POV
Patapos na ang lunch meeting ni Richard kay Mr. Thanatorn Samanyagoon; ang Thai businessman na may malaking furniture business sa bansang Thailand. Nakilala niya ang negosyanteng ito nang minsang pumunta si Richard sa Thailand para sa isang trade expo.
Agad itong nahumaling sa mga disenyo ng produkto ng kompanya nila. Kaya, matapos ang ilang buwan na negosasyon ay nakuha niya din ang tiwala ng negosyante at nag desisyon ito na makipag partner sa kanila.
Pinag uusapan na lamang nila ang mga dapat na gawin bago nila pirmahan ang kontrata sa susunod na buwan. Kailangang bumalik ni Richard ng Thailand upang makita niya din ang mga produkto ng kompanya ng bago nilang Asian business partner.
Makalipas ang ilang oras ay natapos din ang lunch meeting. Kinamayan ni Richard si Mr. Samanyagoon. Kinausap din nito ang ilang board members and department heads. Maya maya pa ay nagpaalam na ito upang umalis.
"It's a pleasure having you and your company as our business partners, Mr. Samanyagoon.", Richard offered his hand for a handshake to the 56 years old Thai businessman.
"You're welcome, Mr. Faulkerson. The pleasure is ours too. So, we will see you in Bangkok. Next month, I guess? So that we could sign the contract..."
"Yes, Sir! Thank you very much for the trust. We will not fail you."
"Khob Khun Kah, Mr. Faulkerson. I have to go. My flight is in 3 hours. Sawadeekah!", the Thai businessman greeted him before leaving.
Nagliligpit na ng mga gamit ang lahat ng mga nasa board room. Agad na pumasok si Richard sa loob ng opisina niya. Sa totoo lang, ay masaya naman siya dahil matagal niya din itong hinintay.
Sa wakas ay magkakaroon na sila ng asian business partner. Noon pa man ay pangarap na niya para sa kompanya na makapag expand sa labas ng bansa. Gusto niya din kasi na mas makilala ang mga gawang Pinoy, hindi lang dito sa Pilipinas. Ngunit maging sa ibang bansa.
Kaya maituturing niya na isang malaking tagumpay ang kinalabasan ng meeting kanina. Alam niya din na matutuwa ang Daddy niya. Gusto niya kasi na maging proud ito sa kanya. At higit sa lahat...ginagawa niya din ang lahat ng ito para sa alaala ng kanyang Mommy Rosario. Makalipas ang ilang minuto ay pumasok ang secretary niyang si Mae.
"Sir Richard, do you need anything?", tanong sa kanya ng sekretarya.
"Wala naman. I'm fine..", he answered while looking at his phone.
"Ahmmm, Sir. Magpapaalam po sana ako sa inyo. If okay lang po?"
"What for?"
"Eh Sir, binyag po kasi ng anak ko bukas. Magpapaalam po sana ako na makapag leave. Kahit one day lang po..."
"Okay, payag ako. You can go home early today. So that you can prepare for tomorrow's event. I know it's a special day for you and your family..."
"Naku, Sir. Maraming salamat po talaga..."
"You're welcome, Mae..."
"Sige po, Sir. I'll just prepare my things..."
"Okay, Mae. Go ahead."
Nakaalis na ang secretary niya. Bigla niyang naalala si Nicomaine. It's been five years since the last time that he saw her. Hindi na ulit sila nagkita pagkatapos ng gabing 'yun. Ang gabing hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya. Isa na yata 'yun sa pinakamasayang gabi at alaala na iniwan ni Nicomaine sa kanya. Ngunit, kinaumagahan ay natagpuan niya ang sarili ng mag isa. At 'dun niya naramdaman ang sobrang sakit na kahit hanggang ngayon ay tinutugis siya ng paulit ulit.
Aaminin niya na palihim siyang nagmatyag sa bahay nito sa Bulacan, pero hindi niya ito nakita. Hindi na rin siya nangahas na magpakita dito at sa pamilya niya. Alam niya kasi na kinamumuhian siya nito. Nag hire din siya ng mga private investigator upang hanapin si Nicomaine. Ngunit, maging ang mga ito ay nahihirapan din siyang hanapin.
Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Richard. Hindi ito ang tamang panahon na makaramdam siya ng lungkot. Dapat ang maging masaya siya dahil sa tagumpay ng kompanya nila. Pero, minsan ay hindi niya maipaliwanag kung bakit may mga panahon na parang may kulang. Ilang minuto ay may napansin siyang isang maliit na pigura na sumisilip sa pintuan ng opisina niya.
"Sino 'yan?", tanong niya habang sinisilip ang tao sa may pintuan.
Maya maya pa ay lumitaw ang isang batang babae. Pumasok ito sa loob ng opisina niya. Napangiti si Richard. Madalang niya lang makita ang batang 'to dahil nakatira ito sa mga lola niya sa Batangas. Si Athena pala, ang panganay na anak ng sekretarya niya.
"Good afternoon po, Sir Pogi!", bati sa kanya ni Athena.
Agad niyang kinarga ang bata. Pakiramdam niya ang bumigat ito ng bahagya. Ilang buwan na din kasi hindi niya ito nakita. At madalang lang din naman ito dalhin Mae sa opisina dahil nga sa sobrang layo ng Batangas.
"Hello, Athena. Kumusta ka na? Ang laki laki mo na ah.", tanong niya dito habang hinahalikan sa pisngi ang bata.
"Okay lang po ako, Sir Pogi. Kayo po? Inaaway niyo pa ba ang Mama ko?"
"Huh? Hindi ko naman inaaway ang Mama mo eh. Bakit mo naman nasabi 'yun?"
"Wala lang po. Ayoko kasi na maging sad siya. Kasi, love na love ko po ang Mama ko.."
"Talaga ba?"
"Opo, Sir Pogi. Love ko po siya, super. Kaya kung sino man ang umaway kay Mama ko, lagot sila sa 'kin. Ikukulong ko sila, mga bad na aaway kay Mama ko..."
"Bakit? Ano ba ang gusto mo maging paglaki mo, huh?"
"Gusto ko po maging police. Para hulihin ko po 'yung mga bad na mga tao."
Natawa nalang si Richard kay Athena. Kahit bata pa lang ito ay marunong na mag isip kung paano aalagaan ang Mama niya. Umupo sila sa sofa habang naka kandong parin sa kanya si Athena. Ewan ba niya pero sobrang na miss niya ito. Matalino si Athena at talented. At higit sa lahat, pinalaki ito ni Mae ng maayos at may pag galang sa mga taong makakasalamuha niya.
"Ilang taon kana pala, Baby Athena?", tanong niya habang pinupunasan ang pawis sa noo nito.
"Sir Pogi, 8 years old na po ako. Hindi na po ako baby. Big girl na daw po ako sabi ni Mama. Wag niyo na po akong tawaging baby..."
"Bakit naman? Para sa 'kin, baby ka pa din.", sabi niya sabay halik sa noo ng bata.
"Eh kasi po sabi ng Mama at Papa ko...may baby brother na ako. Kaya, ako na po 'yung Ate. Dapat daw po, aalagaan ko si baby. Hindi na po ako baby, Sir Pogi."
Matagal na pinagmasdan ni Richard si Athena. Kung pwede lang na pansamantala niya muna itong hiramin kay Mae, ay gagawin niya. Madaldal ito pero matalino. Makulit pero sobrang malambing. Bigla namang pumasok si Mae sa loob ng opisina niya. Halata niyang kanina pa nito hinahanap ang anak.
"Naku, andito ka lang pala Athena. Kanina pa kita hinahanap, nak."
"Sorry po, Mama. Dito lang naman po kami ni Sir Pogi eh..", sabi nito sabay lapit sa ina.
"Nak, 'di ba sabi ko sa'yo Sir Richard ang itawag mo sa kanya? Kasi, boss ko siya..."
"Pero, Mama..."
"It's okay, Mae. Okay lang sa'kin..."
"Naku, Sir Richard. Pagpasensiyahan niyo na itong anak ko ha. Medyo madaldal lang talaga."
"Mae, stop worrying. Athena is a wonderful kid. Ma swerte kayo ni Fred dahil nagkaroon kayo ng anak na kagaya niya."
"Salamat Sir. Sige po, aalis na kami."
"Okay, sige. Happy Christening nalang sa bunso mo."
"Salamat ulit, Sir Richard. Siyanga po pala, hindi po ba talaga kayo makakapunta sa binyag bukas?"
"Naku, sorry talaga Mae. I can't. I have to sign a lot of documents tomorrow. Lalo na dahil pupunta ako ng Thailand, next month."
"Okay lang po, Sir. Wala pong problema. Sasabihin ko nalang kay Fred."
Paalis na sana si Mae pero may naisip siyang itanong dito.
"Mae, sandali lang. I have something to ask you."
"Ano po 'yun?"
"Ano nga pala ang pangalan ng bunso mo?"
"Siegfred po..."
"Ahhh...Siegfred..."
Naiwan si Richard sa loob ng opisina niya. Sadya nga bang pinalalaruan siya ng tadhana. Pangarap niya kasi noon pa man na kapag nagka anak siya ng babae ay Athena ang ipapangalan niya dito. At kapag lalaki naman ay Siegfred.
Saglit siyang napangiti. Ngunit, maya maya ay unti unti itong napalitan ng lungkot. Naisip din niya na kung magkasama pa sana silang dalawa ni Nicomaine ngayon, ay malamang na may anak na din sila. But...he gave up on her, so easily.
Nicomaine's POV
Kasama ngayon ni Nicomaine sa bahay ang mag asawang James at Hazel. Saglit ang mga ito na pumasyal sa kanila dahil next week ay tutulak sila papuntang Thailand. Si Hazel ang unang naging kaibigan ni Nicomaine 'nung dumating siya dito sa Bukidnon, limang taon na ang nakakaraan. Naging malapit silang magkaibigan.
Ang asawa nito na isang Thai national na si James Jirayu ay nakilala ng kaibigan sa isang medical mission dito sa Pilipinas. Isang brain surgeon si James sa bansang Thailand. At nagkakilala nga silang dalawa ni Hazel... 3 years ago, sa isang medical mission na naganap sa school kung saan nagtuturo ang kaibigan.
Kasalukuyang nagbi bake ng cake sa kusina si Nicomaine para sa meryenda nila. Nasa sala naman ang mag asawang James at Hazel, kalaro ang kanyang anak na si Chelsea.
Naging malapit na kaibigan narin naman niya si James. Sa katunayan ay ninong din ito ni Chelsea. Mabait si James. Nakikita niya na mahal na mahal niya ang kaibigan. Kaya, nang mag desisyon ang mga ito na magpakasal na, eh hindi na siya tumutol pa. Maya maya ay pumasok ang anak niyang si Chelsea. Nagpapaalam ito na maglalaro sila ng Tito James niya sa labas ng bahay.
"Mama, mama, mama!", sigaw ng anak habang patakbong papalapit sa kanya. Hila hila nito sa kamay ang Tito James niya.
"Oh, anak. Dahan dahan lang. Bakit ba tumatakbo ka? At hila hila mo pa ang Tito James mo."
"Mama, can we play outside? Kami po ni Tito James. Sige na po, please..."
"Pero, nak. Pagod na si Tito James mo oh."
"Mama, sige na po. Payagan mo na po ako mag play outside...with Tito James.", paglalambing ng anak na si Chelsea sa kanya.
"Okay. Sige na nga. Payag na ako. Basta ha! Wag mong papagurin ang Tito James mo. Baka magalit si Teacher/Ninang Hazel..."
"Okay po..Yehey! Let's go, Tito James. Let's play outside.", sabi ni Chelsea sabay hila sa kamay ni James.
Napailing nalang si Nicomaine. Nagtawanan nalang silang dalawa ni James sa ginawa ni Chelsea na paglalambing.
"James, is that okay with you? I'm sorry.", nahihiya niyang tanong dito.
"No, it's okay. It's fun playing with your daughter."
"Thank you, James."
"Let's go, Tito James..."
Hinila na ni Chelsea ang Tito James niya palabas ng bahay. Nakasalubong naman sila ni Hazel habang papasok ito ng kusina. Saglit siyang tinulungan nito sa paghahanda ng meryenda. Makalipas ang ilang minuto ay nasa beranda na sila at inaayos ang lamesa. Tanaw na tanaw lang nilang magkaibigan sina James at Chelsea na naglalaro malapit sa taniman ng pinya. Kasalukuyang pinapasakay ni James ang bata sa kabayong si Stallion.
"Mars...halatang sabik sa ama si Chelsea.", sabi ng kaibigan habang pinagmamasdan silang naglalaro.
"I know, Mars...nakikita ko nga..."
"Ayan oh! Kung maka kapit sa asawa ko, parang ayaw ng humiwalay eh."
"Yes. Alam ko, Mars. I know. Nakikita ko...", she sighed deeply.
"Mars, alam ko na nakikita mo. Pero hindi ba parang panahon na para ipakilala mo siya sa tatay niya?"
"Para saan pa? Hindi na kailangan.."
"Alam mo...lumalaki na si Chelsea. Sooner or later, maghahanap na siya ng tatay or father figure. Wala ka ba talagang balak na bigyan siya ng ganun?"
"So, anong gagawin ko?"
"Ipakilala mo siya sa Tatay niyang CEO ng RoChard Handicraft and Furnitures."
"Ayoko, Mars. At pwede ba wag mo nang mabanggit banggit ang pangalan niya."
Uy, affected ka! Ibig sabihin, mahal mo pa siya."
"Hindi noh? Excuse me..."
"Balita ko, super successful na daw ng kompanya nila ngayon..."
"And so? Anong pake ko 'dun? At saka 'yun naman talaga ng gusto at pangarap niya dati pa. To be the best. Kaya siguro, sobrang masayang masayang masaya na siya ngayon."
"Mars, ampalaya ba ang kinakain mo? Ang bitter mo eh."
"Wag mo na nga akong pilitin na makipagkita sa kanya. Kasi kahit kailan hindi ko gagawin 'yun. Never."
"Pero remember...siya parin ang ama ni Chelsea. Kung tutuusin, ay may karapatan pa din siya sa bata. Hindi pwede na forever mo itatago sa kanya ang katotohanan."
"Wala siyang karapatan Mars. Wala. Simula nang ipinagtabuyan niya ako sa buhay niya, ipinangako ko sa sarili ko na kahit kelan...hindi na ako babalik sa kanya."
"'Yang tataa? Ipinagtabuyan ka ba talaga niya? Or...you're just assuming things on your own?Hay naku Mars. Ang tigas talaga ng ulo mo. Okay. Kung ayaw mong magpakita kay Richard, eh 'di sagutin mo nalang si William, 'yung pamangkin ng may ari ng Del Monte."
"Gaga! Ba't ko gagawin 'yun? Loka loka ka ba?"
"Eh 'di ba? Matagal na siyang nanliligaw sa'yo? Oh eh pag nagkatuluyan kayo, pwede niyong pagsamahin ang mga lupain niyo. Tapos magtatayo na kayo ng sarili niyong kompanya."
"Ayoko Mars. At saka kaibigan lang talaga ang tingin ko kay William. Nothing else."
"Nag aalala lang naman ako kay Chelsea noh! Paano pag nalaman niya na aalis kami ng Tito James niya papuntang Thailand. For sure, malulungkot 'yung bata."
"Kailangan mo ba talagang umalis, Mars? 'Di ba ikinasal na kayo dito?"
"Oo nga. Pero, iba parin 'yung kasal namin 'dun in a traditional way...sa harap ng elders. Excited na nga ako eh. Balita ko may dalawa pa siyang single na kapatid na lalake. May isang archaeologist, at pilot naman 'yung isa. Ano? Gusto mo, ireto kita?"
"Baliw! Wag mong gagawin 'yan!", sabi niya sabay hampas sa kaibigan.
"Pero Mars, eto seryoso na. Sabi nga nila...kapag natagpuan mo na daw ang taong sa tingin mo ay destiny mo...wag mo na siyang pakakawalan."
"Talaga ba? Paano kung siya ang nag let go? Paano ka lalaban?"
"Baket? Nagtanong ka ba? Alam mo Mars...ang pag ibig ay parang pinya."
"Pinya? Bakit pinya?"
"Kasi bago mo malasap ang tamis niya ay pwede kang masugatan habang ito ay binabalatan mo pa."
"Alam mo, Mars. 'Yan ang nakukuha mo sa kakabasa mo ng nobela eh."
"Eh kasi Mars...kami ni James marami din naman kaming pinagdaanan bago kami umabot sa ganito. Mahirap kaya ang LDR. Kaya nga, pagkatapos ng maikling bakasyon ko sa Thailand...aasikasuhin ko na agad ang mga papeles para tuluyan na kaming magkasama."
"Iiwan mo 'ko?"
"Ano ka ba! Wag ka ngang ganyan."
"Eh kase, mahirap talaga pag malayo. At saka kelangan niya ng isang asawa na mag aalaga sa kanya. Hindi kaya biro ang trabaho ng isang surgeon."
"Alam ko naman 'yun Mars. Pero, sigurado ka na ba talaga kay James?"
"Oo naman. Alam mo, parang na surgery na nga niya yata ang utak ko. Kasi, siya nalang ang laman nito."
"Yuck, Mars. Ang waley mo ha. Keso ba ang kinakain mo? Ang cheezy mo eh. Kadiri ka."
"Grabe ka sa 'kin Mars. Alam mo mabuti tawagin na natin si Chelsea at ang honey ko. Kumain na tayo. Nagugutom na ako eh."
"Mabuti pa nga..."
Maya maya ay kumakain na sila ng meryenda. Halata naman ang ka-sweetan ng mag asawang James at Hazel kahit sa harapan nilang dalawa ng anak na si Chelsea.
"Uy, Mars. Ba't ganyan ka makatingin sa 'min ng honey ko? Inggit ka noh?"
"Excuse me. Hindi noh."
"You know, Nicomaine. I just wish that you will find your true love. I'm thinking of introducing you to my two younger brothers.", sabi ni James sa kanya.
"Hey, James. You don't have to do that."
"Pabebe ka talaga, Mars."
"But...everyone deserves to be happy. Just like Hazel and me.", sabi nito sabay akbay sa kaibigan habang tinitingnan ito ng ubod ng tamis.
"Honey, enebe! I'm shy.", sagot nito sabay kurot sa tagiliran ng asawa.
Napansin ito ni Chelsea at agad na sumabat sa usapan.
"Uy, ang sweet naman ng Teacher/Ninang Hazel ko at Tito James.", sabi nito na parang kinikilig.
"Chelsea. Wag ganyan ha. Baby ka pa. Wag kang sumasabat sa usapan ng mga matatanda. Okay?"
"Ay, sorry po Mama."
Natawa nalang siya dahil sa ikinilos ng kaibigan at ng asawa nito.
"Kumain na nga kayong dalawa. Ang harot niyo. May minor dito oh.", natatawa niyang sabi sa dalawa.
"Sorry, Mars."
"I'm sorry, Nicomaine.", paumanhin na sabi ni James.
"It's okay."
"Ikaw kasi...ampalaya ka."
"Ikaw, keso..."
"Ampalaya..."
"Keso..."
Sumapit na ang gabi at pinapatulog na ni Nicomaine si Chelsea. Pinagmamasdan niya ang mukha ng anak. Halatang nagmana ito sa ama niya. Nararamdaman niya na malapit na itong makatulog. Aakma na sana siya na tatayo, pero biglang nagsalita si Chelsea mula sa pagkakatulog.
"Mama...nasaan po ang Papa ko?", sabi nito habang nakapikit ang mga mata.
Biglang nataranta si Nicomaine. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Buti nalang ay tulog si Chelsea habang tinatanong 'yun sa kanya. Tama nga si Hazel...mukhang hindi na niya maitatago pa sa anak ang katotohanan, tungkol sa tatay niya.