Kinabukasan, pumasok si Selena sa marble-floored halls ng Senado na parang walang nangyari kagabi. Suot ang isang matalim na cut na suit at ang kumpiyansa na parang korona—hindi mo aakalain na kagabi lang ay iniwan niya ang pinakamakapangyarihang lalaki sa bansa na bitin, halos masiraan ng bait sa pagpipigil. Naglakad siya, bawat tunog ng kanyang takong ay tila deklarasyon: Walang makakapantay. Hindi ako matitinag. Sa kabilang dulo ng mahabang mesa, nakaupo si Damien. Governor Vergara, ang “Hottest Governor” na laman ng headlines. Matikas. Komposed. Ang imahe ng kontrol. Pero sa mga mata ni Selena, ibang-iba ang nakikita niya—ang bahagyang pagkagat ng panga niya, ang pag-igting ng mga daliri sa armrest, na para bang bumabalik sa isip niya ang init ng mga oras na hindi niya natapos. Hind

