part 1
This is a work of fiction. Any similarities to actual people, places, or events are purely coincidental. All characters, settings, and situations are products of the author’s imagination.
All rights reserved. No part of this work may be copied, published, or used in any form without the written consent of the author.
Disclaimer:
I’ve always wanted to explore stories that represent the LGBTQIA+ community. This time, I’ve chosen to write a love story that focuses on the connection, emotions, and journey between two men or two women—not only to entertain, but also to give voice and representation to their experiences.
As someone who continues to learn and grow in writing, I welcome your thoughts and constructive feedback that can help me improve in handling stories like this with care and authenticity.
Thank you for taking the time to read. I hope you’ll join me on this journey.
ash pov:
Pagkamulat ko ng aking mga mata ay tumambad sakin ang sobrang dilim na lugar as in sobrang dilim. Wala kang makikitang kahit na anong ilaw o liwanag na pwedeng mangaling sa mga stars, moon, bumbilya, o kahit na anong bagay na pwedeng makagawa ng liwanag.
"Asan ako?" Tanong ko saking sarili at tumayo galing sa pagkakahiga.
"Hello!" Sigaw ko. "May nakakarinig ba sakin jan?!" Pasigaw na tanong ko nagbabakasakaling may makarinig sakin.
Pero mukang wala naman dahil sobrang tahimik ng paligid. Para akong nakakulong sa isang malaking box.
"Asan ako?" Tanong ko ulit saking sarili. "P-patay naba ako?" Naiiyak kong tanong.
"E-eto n-naba ang kabayaran sa lahat ng n-nagawa kong k-kasalanan?" Hindi kona napigilan at napaiyak na talaga ako.
Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay takot at pagkalungkot.
"A-ayoko d-dito." Utal kong sabi. "N-nakakatakot dito a-ayoko dito p-please t-tulungan n-niyo ko m-mag b-babago nako p-pangako a-alisin niyo lang a-ako dito." Umiiyak at nauutal kong sabi.
Ayoko sa lugar nato, ayoko dito madilim sobrang dilim, tahimik sobrang tahimik, mababaliw ako pag nag stay pako rito.
Naglalakad ako ngayon yakap yakap ang sarili nagbabakasakaling may daan paalis or may makita akong liwanag or tao pero wala, para akong hindi umuusad dahil sa sobrang dilim at lawak nito.
Tumigil ako sa paglalakad at naupo, niyakap ko ang mga tuhod ko at umiyak ng malakas.
Habang umiiyak ako ay bigla kong napansin na parang merong unting unting lumiliwanag na nanggagaling sa aking itaas, napatingala ako agad pero agad ko ring tinakpan ang aking mata dahil sobrang liwanag nito, para siyang anghel na bumababa galing sa langit, ngunit wala itong pakpak.
Ng makababa ito at napahinto sa aking harap ay unti unting nawawala ang sobrang liwanag sa kaniya. Doon ko lang siya nakita ng malinaw dahil nawala na ang liwanag sa kaniya.
Isa siyang babae, matandang babae sguro mga nasa 70 na siya.
"Ash iho." Tawag niya sakin. Napatayo naman ako at agad na nag salita.
"S-sino ho kayo? Paano niyo po ako nakilala? Tsaka nasaan po ako? Patay napoba ako?" Sunod sunod kong tanong. Hindi ko alam pero eto ang mga lumabas na salita saking bibig.
Ngumiti muna siya sakin bago nag salita."iho naalala moba kung anong nangyari sayo bago ka napunta rito?" Tanong niya.
"O-opo, p-pero kaunti lamang po." Sagot ko. Naalala ko pero hindi malinaw.
"Pwede mobang sabihin saakin kung ano ang mga iyon?" Sabi niya.
"Ang naaalala ko lang po ay, ang pangalan ko ay ash, at bago ako nakapunta dito ay nakatayo ako kung saan na parang may iaantay na kung ano tapos po naglakad ako at biglang napahiga tapos biglang nandito napo ako." Mahabang paliwanag ko. Tama ayun lang ang naalala ko hindi ko alam kung ano ang mga nakaraan ko hindi ko din matandaan ng malinaw kung bakit bigla nalang akong nandito, hindi ko rin alam ang apilyedo ko tanging ang pangalang ash ko lang ang naalala ko pati narin ang edad ko, ayun lang at wala ng iba.
Ngumiti ulit siya sakin at nag salita."wag kang magalala iho at maaalala mo rin ang lahat pag nagawa mona ang mission mo." Nakangiting niyang saad.
Nagtaka ako sa kaniyang sinabi."mission?" Nagtatakang tanong ko.
"Oo iho mayroon kang mission." Sabi niya.
"B-bakit po?" Nauutal kong tanong sa kaniya.
"Dahil iyon ang kabayaran sa mga nagawa mong kasalanan." Sabi niya ng nakangiti parin.
"B-bakit po a-ano poba ang nagawa kong kasalanan?" Tanong ko dahil wala akong matandaan na mayroon akong kasalanang nagawa.
"Marami iho. Makasarili ka, mainitin ang ulo, sinungaling, hindi ka marunong magpasalamat sa mga taong tumutulong sayo, pinagtataasan mo ng boses ang iyong lola at ang mga taong nagkakaron ng hindi sinasadyang pagkakamali sayo, at marami pang iba." Mahabang saad niya.
Nagulat ako sa mga sinabi niyang yon. "Totoo ba? Napakasama koba bago ako makapunta dito?" Tanong ko saking sarili. Naalala ko kanina sinabi kong "eto naba ang kabayaran sa lahat ng nagawa kong kasalanan?" Hindi ko din alam pero nabanggit ko yon kahit wala akong naalala.
"M-masamang tao poba ako?" Tanong ko naiiyak nanaman ako.
"Oo iho, pero pwede kang magbago at pwede karing makaalis mula rito." Sagot niya ng nakangiti parin.
"M-makaalis? B-buhay pa p-po ba ako?" Utal utal kong tanong.
Biglang lumungkot ang ekspression ng kaniyang mukha. "Iho pasensya na pero... patay kana, makakaalis ka dito dahil pwede kang makapunta sa magandang lugar pag natapos mona ang iyong mission." Sabi niya.
Hindi kona kinaya at humagulgol nako ng iyak dahil sa aking narinig.
"Patay... patay nako." Sabi ko sa aking isiip habang umiiyak.
"P-pwede ko pobang malaman kung paano po ako namatay?" Umiiyak kong tanong.
Ginalaw lang nito ang kaniyang ulo na sinasabing hindi.
"Pwede kang makaalis dito at makapaunta sa magandang lugar na aking tinutukoy, maraming bulaklak, at magagandang tanawin, ngunit bago ka makapunta doon kailangin mo munang gawin ang iyong mission na aking ibibigay." Mahabang saad niya.
Huminga ako ng malalim bago nag simulang magsalita."a-ano h-ho ang m-mission ko?" Nauutal kong tanong.
Ngumiti na ulit ito bago nagsimulang magsalita ulit."napaka dali lamang iho, ibabalik kita ulit sa lupa ngunit, hindi ka makikita ng mga taong nabubuhay pa." Sabi niya.
Tumahan nako sa kakaiyak at nagsalita ulit."Ano poba ang mission ko?" Tanong ko.
"Ang mission mo ay kailangan mo lamang tulungan ang dalawwng tao sa kanilang mga problema at pasayahin sila, wag kang magalala dahil kapag nahanap mona ang dapat mong tulungan ay makikita ka nila, pero hindi nila alam na patay kana, ngunit ang taong tutulungan mo lamang ang tanging makakakita sayo at wala ng iba, wag karing magalala dahil darating ako kapag nakita mona ang dapat mong tulungan at ako ang magsasabi sayo kung ano ang dapat mong gawin para matulungan sila. Matatagpuan mo lamang ang taong iyon sa taas ng bundok, doon kita ibabalik at hihintayin mong dumating ang taong kailangan mong tulungan." Mahabang saad niya.
Tumango ako bago nagsalita."sge po kung ito lang ang pwede kong gawin para mabayaran lahat ng kasalanan ko noong nabubuhay ako ay gagawin ko." Sabi ko."sino po pala kayo?" Pahabol kong tanong.
"Tawagin mo nalang akong greatmother mo dahil ako ang gagabay sayo hanggang matapos mo ang iyong mission." Pagpapakilala niya.
Napangiti ako sa sinabi niya."ok po greatmother." Nakangiti kong saad.
Ngumiti lang siya at nag salita ulit. "Merong kang dapat sunding patakaran iho." Sabi niya.
"Ano po iyon greatmother?" Tanong ko.
"Bawal kang magalit, bawal kang manakit, at hindi ka dapat mahulog o mahalin ang taong iyong tutulungan." Sabi niya.
"Ok po grandmother, pero ano pong ibig niyong sabihin na bawal akong manakit? Kaya ko pobang humawak sa mga taong buhay kahit na ghost napo ako?" Tanong ko.
"Oo iho bibigyan kita ng kakayahang humawak sa kahit na anong bagay mapa hayop o tao ay pwede mong mahawakan." Sabi niya.
"Ok po grandmother, kelan po ako magsisimula?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot at ngumiti lamang.
Ginalaw niya ang mga kamay niya at pinagdikit ito sabay pumikit. Ng gawin niya iyon ay mayroong unting unting lumiliwanag sa kaniyang mga kamay at lumalakas ito kaya hinarangan ko ang aking mga mata gamit ang dalawang kamay dahil sa sobrang liwanag.
...