Nilingon ko ang buong mansion na naging tahanan ko ng ilang taon habang nagkaka-isip, habang mahigpit ang hawak sa maliit na maleta. Sobrang nalulungkot na ako. Dala ko lang naman ang ilang importanteng dokumento at damit na sapat lang para makalayo. “Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo na ‘to, Ma’am?” malumanay na tanong ni Manang. Tumango lang ako, hindi na makapagsalita dahil pa, dahil sa na namumuo sa lalamunan kong hindi ko masabi. “Oh siya, nandyan na ang sasakyan. Tawagan mo na lang ako ha?” malungkot na sabi nito bago ako inihatid sa labas. “Salamat po, Manang. Ikaw na po bahala dito.” Paglabas ko ng pinto, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. Pumasok ako sa taxi at pumikit ng mariin. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng tadhana, basta ang sabi lang ni Mana

