CHAPTER: 7

1021 Words
“Love, nagugutom ako. Daan muna tayo sa drive thru. Kahit burger lang at drinks,” sabi ko sa aking bestfriend na si Xtan. Ito ang nagmamaneho ng sasakyan, tinatahak namin ang daan papunta sa mansion ng mga Buenavista. “May sandwich ako na dala. May tubig din sa tumbler ko at sa isa may coffee. Wag ka tayo sa fast-food, Mapapagalitan ka lang nina Sir Jack at Arthur.” Ngumiti ako at hinanap sa loob ng paper bag ang mga dala nitong pagkain. Mayaman din ang magulang ni Xtan Ventura. May sarili silang textile business. Pero kung ikukumpara sa Buenavista at Carreras, nangunguna ang aming pamilya. Pangalawa ang Buenavista at pangatlo lang ang Ventura. “Ang kalat mo kumain, para kang bata.” Sabay lapit ni Xtan at pinahid ng kanyang daliri ang mayonnaise sa labi ko. “Ew! Bakit sinipsip mo pa ang daliri mo?” nakangiwi na reklamo ko matapos nito isubo ang daliri na gamit pamahid sa labi ko na may kalat ng mayonnaise. “Arte mo! Saan ko ipapahid? Sa damit mo?” natatawa na sagot nito. “Ay hala! Ang bilis mo naman, Love! Nandito na pala tayo. Baba na ako, call na lang okay? Thank you. Ingat sa pag drive!” Sabay halik ko sa pisngi nito at lumabas na ako ng sasakyan. “Mag doorbell ka na, aalis lang ako pag sure na nasa loob ka na.” Ngumiti ako at nag flying kiss pa sa aking kaibigan bago ako pumasok sa maliit na gate ng mansion. Pero hindi ko inaakala na naghihintay na pala si Daddy Arthur sa akin. Ang iniisip ko pa naman kanina, magpapahatid na lang ako sa gwardya. Pagod kasi ako at wala akong lakas para maglakad pa ng mahaba. Pagbukas nito ng pinto ng sasakyan, halatang masama ang timpla ng kanyang mukha. Nanlilisik ang mga mata nito sa direksyon kung saan paalis na ang kotse ni Xtan. “Boyfriend mo na ba ang Ventura na ‘yun?” tanong nito nang makapasok ako at umupo sa tabi niya. Hindi ako sumagot. Nakaupo lang ako habang nakapikit ang mga mata, pero ramdam ko ang bigat ng titig niya sa akin. “Bakit parang ang sweet niyo? May pa halik ng halik pa kayo sa labas? Akala ko ba best friend lang?” sunod-sunod nitong tanong na may halong inis. Ramdam ko ang tensyon sa loob ng sasakyan. “Huwag mong sabihin may namamagitan na sa inyo? Hindi bagay sa’yo ang lalaking ‘yun.” Napabuntong-hininga na lang ako. “Daddy Art, best friend lang talaga kami. Wala kang dapat ipag-alala. I know naman na I’m so pretty kaya nagkakaganyan ka,” pang-iinis ko pa. “Hmph. Best friend my foot. I don’t like how he looks at you, and I definitely don’t like how close you are. You’re too young for that, and besides, hindi siya ang tipo ng lalaki na bagay sayo.” sermon pa nito habang pinapatakbo ang makina. Last day ko kanina sa company ng aming pamilya, pansamantala akong sa Buenavista muna, simula bukas hanggang sa pakawalan nila ako. Medyo malungkot ako, dahil may mga kaibigan na ako doon na nakasanayan kong kasama sa araw-araw. Pero mas naiinis ako sa inasal ni Daddy Arthur, akala mo boyfriend. Pero pagdating namin sa b****a ng mansion, pamilyar na pigura ng babae ang nakita ko. “Misty, anong ginagawa mo dito?” Yun lang ang tanging narinig ko. Nasa loob ako ng tinted na sasakyan at nakaupo, habang hawak ang cellphone ko. Nag message si Xtan na dadaan muna siya ng bar, kaya wag daw ako maghintay ng message n’ya na, ‘got home.’ Akmang bababa pa lang ako ng sasakyan ng pigilan ni Daddy Arthur ang pagbubukas ko ng pinto. “Oh! The baby girl! Nasa inyo pa rin yan, kahit hindi na baby?!” malakas na sigaw ng babae. Sa inis ko, nakipagbalyahan ako ng tulak ng pinto kay Daddy Arthur hanggang sa mabuksan ko ito. “Hi, Tita Misty!” magalang na pagbati ko sa babae. “Kelan ka ba aalis sa buhay ni Arthur?!” sigaw nito. Kalmado lang ako na sumandal sa sasakyan at tinitigan ito mula ulo hanggang paa. “You know what, Tita Misty? Mas maganda ang babaeng kasama ni Daddy Arthur kahapon sa mall. Halos ka age ko lang, fresh, mabango, makinis, sariwa. Na sad naman ako for you. Kahit ilang beses mo paturukan ang mukha mo, ang kamay at leeg mo, hindi maitago na kulubot na nagpapatunay na matanda ka na.” Sabay talikod ko at inismiran ito. Pilit na hinahablot ako ng babae, pero nakaharang si Daddy Arthur, kaya't hindi ako nito maabot. Bago pumasok sa loob ng bahay, nag belat pa ako dito. “Bruha ka!!! Tatanda ka rin!” sigaw pa nito. “I'm sure pag pareho na tayo ng age, happily married na ako at hindi tulad mo, naghahabol pa rin sa lalaki. So cheap, so ew!” Sabay pasok ko sa loob na tumatawa. Pero ang totoo, naiinis ako. Alam ko na sobrang kalat ng babaeng ‘yon at hanggang ngayon, hindi ko makalimutan ang gabi na nahuli ko sila ni Daddy Arthur. At lalong naiinis ako dahil ramdam ko pa rin ang selos ni Daddy kanina tungkol kay Xtan. “Manang, pwede po ba akyatan mo ako ng salad sa taas?” Sabi ko sa matandang kasambahay na nakasalubong ko. Pagpasok ko sa kwarto, maligo lang ako ng mabilis at sakto na dumating ang salad na pinahanda ko. “Ouch,” naiiyak ako na tiningnan ang paa ko na may paltos dahil sa sapatos. Kahit kailan talaga, hindi ako sanay sa high heels. Hindi ko alam kung bakit nagpapaltos ang paa ko. Kaya't puro rubber shoes ang gamit ko. Kaso, need ko daw mas maayos, sabi ni Xtan. Kasi hindi presentable ang rubber shoes na parang may jogging daw ako palagi. Matapos ko lagyan ng cream ang aking paa, nahiga na ako at dumapa sa kama. Ni-review ko ang ibang papel sa aming kumpanya hanggang sa nakaramdam ako ng antok, habang pilit inaalis sa isip ang inis kay Daddy Arthur at kay Tita Misty.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD