“Good morning, Manang Jenny!” nakangiti at maganda ang gising ko ngayong araw. Hindi ko akalain na ang plano ko na dalawang linggo ay aabutin ng buwan. Sobrang minahal ko ang lugar na ‘to at plano ko magpatayo ng shop kung saan may mga fresh na katas ng prutas ang pwedeng mabili ng mga turista. Syempre ang prutas ay galing sa maliit na bukid daw ni Dior, pero hekta-hektarya naman pala ang laki. “Nagbubukas ka pa ba ng social media accounts mo?” tanong ni Dior na inilingan ko. Unang beses na kinausap ako nito at isang sentence ang nabuo. Nagtataka ako sa tanong nito. Habang paglingon ko, ang ina nito, nakayuko lang at hawak ang dyaryo. “T–Teka, ano bang nangyari? Bakit nanginginig ka, Manang Jenny?” kinakabahan na tanong ko. Inabot ni Manang ang dyaryo sa akin at napatayo ako

