Gabi na at isang maghapon na naman ang nasayang. Walang balita kay Elizabeth na para bang may pumoprotekta sa aking baby girl para hindi ko ito matagpuan. Ngayon ay kapapasok lang namin sa loob ng unit ng lalaking best friend ni Elizabeth. Halata ang gulat sa mukha nito ng makita ako at ang mga tauhan ko. "Wala nga akong alam! Bakit ba sa akin ninyo hinahanap si Love? Kayo ang kasama sa bahay hindi ba?!” pasigaw na sagot ni Xtan. My anger flared, but deep inside, pero mas nangingibabaw pa rin ang matinding pag-aalala ko kay Elizabeth, kumpara sa inis ko sa lalaking ito noon pa man. Kasama ko ang aking mga tauhan, ilang buwan na kami naghahanap sa dalaga. Pati book sa airport, kung saang bansa pwedeng pumunta ito, wala kaming na-trace. It's like she just vanished like a bubble. “Be

