Naupo na lang ako sa buhanginan matapos makalayo ni Dior. May pagtataka ako sa kilos nito na para bang bigla na lang naging parang Papa ko kung umasta. “Ma’am, hindi po ba kayo kakain muna ng dinner bago bumalik na lang ulit dito?” tanong ni Elsa na isa sa kasambahay. “Hindi, baka mamaya kumain na lang ako ng saging o kaya apple. Kahit anong available na prutas okay lang,” sagot ko. “Kaya pala ang sexy mo at grabe kung titigan ka ni Señorito Dior parang gusto ka sakmalin. Masyado kang nag-iingat sa pigura mo. Pansin ko Ma’am, sa umaga ka lang kumakain ng kanin, ano po?” “Oo, sanay ako ng ganun. Ayaw ko kasi tumaba.” Tumango lang ang kasambahay na naupo sa dalampasigan. Habang ako, bumalik na sa tubig at lumangoy ng lumangoy. Ito ang gusto ko sa lugar na ‘to, mainit ang dagat haba

