bc

ALON AT NOTA [ISLA MILAGROSA COLLABORATION-SERIES 2]

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
HE
escape while being pregnant
fated
playboy
arrogant
badboy
heir/heiress
drama
bxg
serious
disappearance
addiction
actor
like
intro-logo
Blurb

Umalis ng Isla Milagrosa si Xara upang makipagsapalaran sa siyudad at upang makita ang kanyang iniidolong si Aaron— ang bassisst ng bandang Midnight Reverie.

Tila naging isang panaginip na natupad ang lahat nang makita niya sa personal ang taong kanyang hinahangaan at mas napalapit pa ito sa kanya.

Ang simpleng paghanga ay tila lumalim hanggang sa tuluyang nahulog ang kanyang loob dito.

Naging madalas ang kanilang pagkakikita at ito’y nagtapat sa kanya ng pagmamahal.

Hindi maipaliwanag ang saya na kanyang naramdaman nang masuklian ang pagmamahal na ibinigay niya kay Aaron ang kanyang buong puso maging ang kanyang iniingatang pagkabirhen.

Lumipas ang mga araw na bigla na lamang itong hindi nagpakita.

Kasabay ng kanyang pagkawala ay ang paghihiwalay-hiwalay ng bandang kanyang hinangaan. Labis ang kanyang lungkot na naramdaman ngunit mas nanaig ang kaba sa kanyang dibdib nang mapagtantong nagbunga ang isang gabing pagsasama nila ni Aaron.

Naghintay pa siya rito ng ilan pang sandali ngunit saka lamang siya sumuko nang hindi ito magpakita. Doon ay nagpasya siyang bumalik sa kanyang lugar.

Ang Isla Milagrosa.

Ang isla na kung saan ay nababalot ng Misteryo

Sa lugar na kung saan, muling pagtatagpuin ang dalawang pusong pinaglayo ng tadhana.,

chap-preview
Free preview
ISLA MILAGROSA
XARA’S POV “Xara, sigurado ka ba diyan sa gagawin mo? Delikado iyan, malawak ang Maynila at wala kang pupuntahan doon na kamag-anak. Kwento ni Mang Romeo na nakarating na roon ay marami raw masasamang tao sa lungsod,” nag-aalalang sabi sa akin ni Esme, ang aking kababata. “Huwag mong sasabihin ang tungkol sa plano ko, Esme. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko at sa iyo ko lang sinabi ang plano ko. Hindi ko pa sigurado kung kailan pero sana dumating ang panahon na iyon,” nakangiti ako habang nakatanaw sa malawak na karagatan at papalubog na araw habang kaming dalawa ni Esme ay nakaupo sa batuhan. “Hindi mo sinabi kay Vince?” “Hindi. Baka kasi isumbong niya ako kay Tatay, alam mo naman na mahigpit si Tatay sa akin. Iniisip ko na baka hindi matuloy ang plano ko kapag sinabi ko kay Vince.” “Hindi ka ba natatakot? Na baka may mangyaring masama sa iyo sa Maynila? Baka mapaano ka roon lalo pa at mag-isa ka lang,” tanong ulit sa akin ni Esme. “Kaya nga sinabi ko sa iyo para masamahan mo ako. Hindi ba pangarap mo rin ang makarating ng Maynila? Gaya ng mga napapanood natin kapag pumupunta tayo sa kabilang Isla kung saan may signal ng tv at cellphone. May matataas na gusali, maraming masasarap na kainan at may mga parke. At hindi ba, iniidolo mo rin ang Midnight Reverie? Si Ferox, iyong bokalista ng banda? Hindi mo ba siya gustong makita?” panghihikayat ko pa kay Esme. Agad kong nakita ang pag-aalangan sa mukha ni Esme. Kagaya ko ay pangarap niya rin ang makapunta ng Maynila pero hindi kasing tindi ng aking pagnanasa. Hindi ko naman magiging problema kung maiiwan ko sina Nanay at Tatay kung ako ay matutuloy sa aking binabalak at walang magiging hadlang. Nandito pa naman ang aking mga kuya na pwedeng magbantay sa kanila. Tatlo kaming magkakapatid, si Kuya Rolan, Kuya Jim at ako ang pinakabunso. Ang aking mga kapatid ay pawang mga nakapag-asawa na ng tagarito sa Isla. Nag-iisa akong babae kung kaya mahigpit sila sa akin at matindi ang kanilang pagsalungat nang minsan ay sinabi ko sa kanila na gusto kong makarating ng Maynila. Nakarating na rin kasi si Kuya Rolan sa Maynila. Kwento nito ay napakagulo raw sa lungsod na iyon, maraming mandarambong at magnanakaw. Noong unang beses niyang umalis at nagtungo roon ay hirap ang kanyang dinanas. Nagtrabaho siya sa Maynila bilang construction worker. Walong oras lamang n a trabaho ang nasa kontrata pero humihigit pa roon ang kanilang trabaho. Nakatagpo rin siya ng mga masasamang loob roon gaya ng magnanakaw at snatcher. Sa Maynila rin nito nakuha ang kanyang kapansanan ngayon sa paa nang mabagsakan ng tubo ang kanyang paa habang nasa trabaho. Kaya ganun na lang ang galit ni Tatay at Kuya sa tuwing nababanggit ko ang Maynila. “Pasensya na, Xara. Alam mo naman na nag-iisang anak ako. Kung sasama ako sa iyo sa Maynila ay wala akong mapag-iiwanan kay Tatay. Alam mo naman na wala na siyang kasama sa bahay at may pagkalasenggero. Baka kapag umalis ako ay may mangyari sa kanya, pumunta sa laot kahit pa alam ng nakainom siya,” sagot sa akin ni Esme. Naunawaan ko naman ito kung kaya hindi ko na lamang ito hinikayat pa. Simula ng mamatay ang nanay ni Esme ay naging lasinggero na si Mang Ador kung kaya bantay sarado ito ni Esme. Habang nasa batuhan ay masaya naming pinag-uusapan ang aming mga pangarap noong mga bata pa kami. Nagtatawanan na parang bumalik sa pagkabata hanggang sa magtakipsilim. “Basta iyong sinabi ko sa iyo, sekreto lang natin iyon ha?” ulit ko pa sa kanya habang naglalakad kami pauwi. “Kailan ka ba aalis?” “Hindi ko pa alam eh, pero sana malapit na,” sagot ko rito bago ako nagpaalam. Hindi ko kasi talaga sigurado kung kailan ako makakaalis sa lugar na ito dahil bukod sa maliit pa ang perang hawak ko ay wala pa akong masyadong alam sa paano makakaalis sa lugar na ito. Sampung taon na ang nakakalipas ay nagkaroon ng isang resort dito nang patayuan ito ng tunay na may-ari ng isla. Hindi ko pa nakikita ang may-ari ng resort pero ang sabi ng mga nagtatrabaho rito ay napakabait daw ng kanilang amo pero iilan lamang ang nakakakilala rito. Mukha naman talagang mabait ang may-ari dahil hindi niya pinaalis ang mga nakatira sa isla at hinayaan niya lang kami. Noong una nga ay maraming tumutuligsa sa pagkakaroon ng resort sa isla sa takot na may makapasok na masasamang tao sa aming tirahan ngunit nang malaman namin na isang private resort ito at piling mga tao ang makakarating. Para sa iba, ang aming isla ay nababalot ng misteryo na maging kaming mga tagarito ay nahihiwagaan dahil ang sabi ng mga nasa kabilang isla, hindi raw nila mapuntahan ang aming isla. Ang akala nga ng iba dati ay hindi tunay ang aming isla pero amin lamang napagtanto na ang mga taong nakakalabas-pasok sa aming isla ay ang mga taong pinapayagan lamang ng isla. Parang katulad ito ng isang pelikula na aking napanood sa kabilang isla. Ang isla ng mga amazona na kung saan ay walang nakakakita. Nakakatawa nga lang dahil minsan na tinawag kaming maligno ng iba at gawagawa lang namin ang isla pero nang may nakasama kaming ilang mga tao mula sa isla upang makipagpalitan ng kalakal ay doon sila naniwala. Simula noon ay tinawag na nilang Isla Milagrosa ang aming isla. Hindi kami nangangamba na bigla kaming mapasok ng mga pirata o masasamang loob dahil ang isla namin ang mismong nagpoprotekta sa amin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Forgotten Wife

read
42.8K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
43.4K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
99.8K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
25.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
321.0K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
27.4K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
21.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook