Napahawak ako sa batok ko nang maramdaman ko ang pagkangawit nito. Tumingala ako at inikot-ikot ito saka inayos ang eye glasses ko. Tumayo ako at nag-inat. It's been two days nang umalis ako sa Olivares and ngayon ay namimiss ko na siya. Inangat ko ang picture niya na nasa mesa at hindi maiwasang napangiti. Kukunin ko na sana ang telephone para tawagan ito nang unang tumunog ang cellphone ko kaya ito nalang ang kinuha ko. "Andi? What's up?" Sabi ko nang masagot ito at muling umupo sa swivel chair ko. "Kuya? Sorry, pagkadating ko dito sa bahay ay wala na si Ate Harlene." Agad akong napatayo at napamura sa sinabi ng kapatid ko. Walang salita na pinutol ko ang tawag at inayos ang mga gamit ko, ang mga papel na nagsabog na nasa ibabaw ng mesa. Ginulo ko ang blondenh buhok ko at inalis an

