Pagod na pagod ako nang makarating ako sa dating apartment na tinutuluyan ko. Mabuti na lamang at naitago ko pa ang susi nito dahil feeling ko ay hindi ko na kayang maghanap pa ng matutuluyan. Napabuntong hininga ako at dahan-dahan na umupo sa sofa, sumandal ako dito at ipinikit ang mga mata ko saka napahawak sa tiyan ko. Kanina ko pa nararamdaman ang paghilab nito. Natatakot ako, pero hindi na akong pwedeng magbiyahe ulit dahil baka mapaanak ako ng wala sa oras. Kanina sa bus, may nakatabi akong matanda at todo ang sermon nito sakin nang malaman na malapit na ang kabuwanan ko. Hindi na raw safe sakin ang pagbiyahe pero hindi ko nalang siya inimik. Kahit naman kasi sermunan niya ako maghapon ay hindi na mababago ang isip ko, at isa pa, nandito na ako. Ngayon pa ba ako aatras? Saglit pa

