KABANATA 7 Tanghali nang magising si Shiela dahil sa pagod. Iniisip ni Shiela na panaginip lang ang lahat. Pero nang madama niya ang hubad na katawan sa ilalim ng kumot ay napagtanto niya na totoo ang nangyari sa kanila ni Calvin. Napakagat labi siya ng maramdaman ang kakaibang sakit sa gitna ng hita niya. Pinilit n'yang tumayo kahit masakit ang pag kakababae n'ya. Nangangatog ang binti n'ya dahil parang nawalan s'ya ng lakas dahil sa nangyari kagabi. Nang makatayo siya ay binalot niya ang sarili ng kumot dahil wala siyang saplot. Hinanap niya ang mga damit na hinubad ng binata pero hindi niya nakita. Maging ang binata ay walang bakas sa kwarto niya. Napabuntong hininga siya at paika-ikang nag lakad sa banyo para makaligo na. Hindi na siya papasok s

