KABANATA 6 Matapos ihatid ni Calvin si Shiela ay umalis din agad ito dahil may meeting daw ito. Bago umalis ito ay binigyan muna n'ya ng isang makapugtong hininga halik si Shiela. Sobrang naging busy si Shiela ng araw na iyon dahil madami ang naging costumer dahil swelduhan ngayon araw. Madaming mag-anak o mag katipan na kumakain. Pag dating naman ng hapon ay konti nalang ang tao kaya nakapag pahinga s'ya. Nakaupo s'ya sa may counter habang hawak ang kanyang labi nang bumalik ang ala-ala kung pano siya halikan kanina ni Calvin. Inaamin n'ya na kinikilig s'ya dito lalo na at napakagwapo nito. Hindi nya alam kung matutuwa ba sya dahil hinalikan siya nito. Lalo na at naalala niya ang mommy ng binata mabait ito sa kanya ano nalang ang iisipin nito pag nalaman n

